EVANGELINE ALLEJO
"Geline, yung boyfriend mo, oh, nag-aabang na naman sa labas," sabay nguso ni Calliope sa bandang pintuan ng room. Agad akong lumingon doon sa tinuro niya at nakita ko si Kevin na nakatingin sa akin habang nakangiti. Kumaway siya gamit ang kaliwa niyang kamay, samantalang may hawak namang bulaklak ang kanan niyang kamay.
"Sana lahat may jowa," pagpaparinig ni Calliope habang nakangisi sa akin na halatang nang-aasar, "Hay, nasaan na ba yung future ko at bakit ang tagal dumating? Magtatapos na ako ng college pero NBSB pa rin ako. So boring," bigla niyang pagda-drama habang nakapangalumbabang nakatingin pa rin sa akin. Tinawanan ko lang siya bago lumabas ng room para puntahan si Kev.
"Wala kayong prof ngayon?" aniya at binigay sa akin ang tatlong pirasong pulang rosas na hawak niya. "Yeah," ani ko at inamoy ang mga ito, "pero bakit mo ako binigyan nito, wala namang okasyon ah? Kakatapos lang naman ng 3rd anniversary natin no'ng Sabado?" nagtataka kong tanong pero sinagot niya lang ako gamit ang isang matamis na ngiti. Pinanliitan ko naman siya ng mata.
"May ginawa kang kasalanan 'no?" biro ko at agad siyang umiling. Alam ko namang hindi siya gagawa ng bagay na ikakasakit ko. Mahal niya kasi ako.
"Anong oras yung uwi niyo mamaya? Gagawa pa kayo ng presentation, 'di ba?" Tumingin siya sa wrist watch niya. Oo nga pala, dismiss na sila kanina pang alas-tres. Alas-kwatro na ng hapon ngayon pero nandito pa rin siya, malamang hihintayin niya na naman akong matapos sa mga gawain ko.
"Mauna ka nang umuwi, baka gabihin kami dito o mag-sleepover kami kila Tiffany. Aayusin pa kasi namin yung flow ng presentation." Paliwanag ko pero umiling lang ulit siya at ngumiti.
"Hihintayin nalang kitang matapos, ayokong umuwi ka ng mag-isa at baka mapahamak ka."
"Pero--" Napahinto ako sa pagsasalita nang hawakan niya ang isa kong kamay.
"Ayos lang ako, gusto ko lang talagang makasabay sa pag-uwi ang girlfriend ko para masiguro kong ligtas siya," aniya ang ngumiti nang matamis, dahilan para matunaw ang puso ko. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko.
Pagkatapos naming mag-usap ng ilan pang minuto, pumasok na ako sa loob dala ang rosas na binigay niya. Napansin ko ang isang maliit na card na nakadikit sa ribbon na nagdudugtong sa mga rosas. Agad ko naman itong binuksan para basahin. Handwriting niya ito.
Evangeline,
It's almost summer, a perfect season for adventure. To be honest, this season reminds me of our relationship. We're still adventurous at this age and we make mistakes, but it's still perfect for me. You're also like the sunlight in summer, without you, it would be cold and boring. I hope that I can spend my summer with you. 😊❤️️
-Kevin
Napangiti ako habang binabasa yung sulat niya. How cute. Tatlong taon na ang nakalilipas buhat noong sagutin ko siya pero hindi pa rin siya nagbabago.
Pero malapit na talagang sumapit ang summer. April na. I hope to spend some time with him, too, after graduation. It's the last year of my life as a college student, by the way.
"Hoy anong klaseng ngiti yan?" Pinanliitan ako ng mata ni Calliope na parang kinikilatis yung nararamdaman ko.
"Hay nako, bawal PDA sa school. Naiinggit yung mga walang jowa dito sa room, Geline, maawa ka," biro niya at inilibot ang tingin sa mga kaklase ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin at sa hawak kong bulaklak.
"Ang swerte mo talaga sa jowa mo, Evangeline. 'Wag mong pakakawalan, ah," kinikilig na sambit ni Ingrid, kaibigan ko na nakaupo sa bandang likuran. Kahit 'di naman niya sabihin, hindi ko talaga pakakawalaan si Kevin, mahal ko rin kasi siya. Tatlong taon na rin ang nakalipas buhat nang maging kami. At tatlong taon niya na ring pinaparamdam na siya na dapat ang makasama ko hanggang dulo.
***
"Akin na yung gamit mo," hindi pa man ako sumasagot, kinuha niya na yung mga papel hawak ko. Tinupad niya yung sinabi niyang hihintayin niya ako hanggang sa matapos kami.
Alas-otso na ng gabi at ngayon lang naming napagpasiyahang umuwi. Nagpaalam naman ako kay dad kaya ayos lang at alam niya namang kasama ko si Kevin sa pag-uwi kaya hindi niya na ako sinundo.
Sa library ng college department kami gumawa ng presentation kanina. Naghintay lang si Kevin sa kabilang sulok ng library habang nagbabasa ng kung anu-ano kahit na alam kong hindi naman siya mahilig magbasa. Ginawa niya lang iyon para hindi siya mapalabas ng librarian, bawal kasi matulog o tumambay doon. Ang swerte ko talaga sa kaniya.
"Sabay kaming uuwi ni Callista, tutal pareho lang naman yung daan namin. Bye Geline, bye boyfriend ni Geline!" Pagpapaalam ni Calliope at kumaway sa amin.
"Salamat sa paghihintay," nakanguso kong sabi. Kahit kinikilig ako sa ginawa ni Kevin ay hindi ko pa rin maiwasang mahiya dahil may sarili naman siyang buhay at hindi naman niya obligasyon na ihatid ako sa bahay namin kahit niya girlfriend niya ako.
"Ano ka ba, wala 'yon. Gusto ko lang talagang panatilihing ligtas ang girlfriend ko," nakangiti niyang saad at inakbayan ako.
"Hindi ka ba hinahanap sa bahay niyo?" tanong ko habang naglalakad kami patungong sakayan ng jeep. Ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko. Marahil ay ayaw niyang pag-usapan ang nangyayari sa bahay nila o kahit anong bagay tungkol sa mga magulang niya. Sa tatlong taon naming magkasintahan, ni isang beses ay wala akong naririnig na kwento tungkol sa mga magulang niya o kaya naman balita tungkol sa buhay niya. Tuwing nagtatanong ako, lagi kong napapansin pilit niyang nililihis niya ang usapan kaya hinahayaan ko nalang. Pero sana magkwento siya sa akin kapag handa na siya, makikinig naman ako.
"Anong oras ka papasok bukas? Susunduin kita," tanong niya na waring hindi narinig ang tinanong ko kanina. Napabuntong hininga na lamang ako at napaisip. 'Baka hindi pa siya handang magsabi sa akin.'
"Kahit 'wag mo na akong sunduin. 'Di kami papasok sa unang dalawang subject, may tatapusin pa kami ng mga kagrupo ko." Minor lang kasi yung dalawang subject at nagpaalam na rin naman kami sa prof namin doon na hindi kami makakapasok.
"Hindi nalang din ako papasok, hihintayin nalang ulit kita," aniya nang makasakay kami sa jeep. Agad namang kumunot yung noo ko dahil sa sinabi niya.
"'Wag mo na akong hintayin, major pa naman yung klase niyo sa umaga. Atsaka kasabay ko naman silang pumasok bukas," paliwanag ko kaya napasimangot siya ngunit agad rin namang tumango. Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam kong labag sa kalooban niya na hindi ako sunduin.
Alam kasi namin yung class schedule ng isa't isa. Alam ko rin na kailangan niyang pumasok bukas dahil malapit na ang finals. Patapos na kasi yung school year. Business Ad yung kinuha ko, at Engineering naman yung kaniya. Bale may isa o ilang taon pa siyang mag-aral, samantalang ako, huling taon na.
"Sigurado kang kaya mong mag-isa?" paniniguro niya at agad naman akong tumango. Sa totoo lang, 'di ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi dahil parang sa akin umiikot ang mundo niya. Lagi niya akong iniintindi kahit na hindi naman gaanong kailangan.
"Tumawag ka sa akin kapag papasok ka na ah," paalala niya at agad naman akong tumango bago nagsalita. "Syempre naman, atsaka kasabay ko naman sina Calliope sa pagpasok bukas. Ite-text nalang kita kung anong oras tayo maglu-lunch bukas. Ang alam ko, mahaba yung lunch break namin kasi may meeting yung mga professor," sabi ko na naging dahil para mapawi ang lungkot niya. On the second thought, ayos na rin 'to dahil nararamdam kong mahal niya talaga ako.
BINABASA MO ANG
Amidst the Season (Symbol #1)
Teen Fiction"Loving you brought different seasons to my life: Summer, Winter, Autumn, and Spring. These seasons symbolize my feelings towards you. But you know what season that I feel the most? It's the rainy season, instead of these. You know why? It's becau...