Chapter 6

30 6 31
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Gusto kong maghiwalay muna tayo," seryoso niyang saad at tumingin nang diretso sa mga mata ni Kevin. Nabitawan naman ng binata ang payong dahil sa gulat.

"A-Ano?" Bahagya siyang lumapit kay Evangeline at  hinawakan sa magkabilang balikat habang nakatingin  sa mga mata nito. Nanginginig ang kaniyang mga kamay  at bakas sa mga mata niya ang takot dahil sa narinig. Nais niyang kumpirmahin kung totoo ba ang narinig niya o hindi pero natatakot siya sa magiging sagot ng dalaga.

"Maghiwalay muna tayo, Kev," kalmado niyang sabi na tila walang balak bawiin ang kaniyang tinuran. Hindi mabasa ni Kevin kung ano ang nasa isip niya dahil seryoso lang ang itsura niya.

"T-Teka, pwede pa rin naman maging tayo kahit na malayo ka. M-Maghihintay naman ako sa pagbabalik mo." Hindi nila ininda ang malakas na pagbuhos ng ulan. Kapwa na sila basang-basa at kahit medyo malapit na sila sa bahay ni Evangeline, mas pinili nilang dito na mag-usap.

"Alam ko," ani Evangeline. "pero sa ngayon, gusto kong unahin mo muna ang sarili mo at ayokong isipin mo ako."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng binata.

"Gusto kong maghiwalay muna tayo," pag-uulit niya na lalong nagpasakit sa nararamdaman ng binata. Bawat salitang lumalabas mula sa bibig ni Evangeline ay parang patalim na sumsaksak sa puso ng binata. At dahil dito, muli niyang naalala ang nangyari sa kaniya noon.

"Nagkulang ba ako sa'yo? Ano pa ba yung kailangan kong gawin para hindi mo ako hiwalayan? Regalo? Pera? Oras? Ano? Ibibigay ko ang lahat," desidong saad niya pero umiling lang ang dalaga. Nanginginig ang kamao niya habang pinipigilan ang sariling magwala dahil sa takot, galit, at lungkot na nararamdaman.

"Hindi. Hindi ka nagkulang. Sumobra pa nga, eh. Magtira ka naman ng pagmamahal sa sarili mo. Intindihin mo naman ang sarili mo, Kev. Paano mo mamahalin ang sarili mo kung binigay mo ang lahat sa akin?" kalmadong saad ni Evangeline at walang bakas na pagsisisi sa mga mata niya.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna yung sarili mo. Mahal kita Kevin, pero hindi sapat ang pagmamahal para magpatuloy tayo."

"Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako iiwan," mapait na sabi ng binata at ramdam na ramdam ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Sa ngayon, hindi halata ang luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata dahil sa lakas ng ulan.

"Kung mahal mo ako, kaya mo akong pakawalan. Maling pagmamahal ang tinutukoy mo," matigas na sagot ni Evangeline.

"Bakit mali? May ginawa ba akong masama sa'yo? May sinabi ba ako na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo, aayusin ko," pagpupumilit ni Kevin at umaasa pa ring babaguhin ng dalaga ang kaniyang desisyon. Sa paglipas ng bawat segundo, pabigat nang pabigat ang nararamdaman niya, samantalang hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Evangeline.

"Hindi mo naiintindihan, Kev. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. Ikaw? Ganoon ka rin ba?" Hindi sumagot si Kevin kaya ipinagpatuloy niya ang pagsasalita. "Sa tingin ko, hindi. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao."

"Ayos lang ako. Masaya ako basta hindi ka umalis sa tabi ko, Evangeline," naluluhang saad ni Kevin at sinubukang hawakan ang kamay ng dalaga pero tinabing niya lang ito.

"'Yun na nga eh. Paano kung wala ako sa tabi mo? Paano kung hindi ko mapunan ang pagmamahal na gusto mo? Kev, sana hindi sa akin umiikot ang mundo mo."

"E-Evangeline--"

"Kevin, anong parte ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Hindi  na niya mapigilan ang pagtaas ng tono ng pananalita niya dahil sa matinding pagkabalisa.

"Lahat! Bakit ba kailangan pa nating maghiwalay, Geline? Alam mo namang hindi ko kayang mabuhay kapag wala ka. Nakikiusap ako, Evangeline. Sabihin mong hindi ito totoo, please," pagsusumamo ni Kevin at lumuhod sa harapan ng dalaga habang patuloy na umiiyak.

"Iyon na nga, Kev. Hindi mo kayang mabuhay nang wala ako. Gusto kong malaman mo na hindi lang dapat sa akin umiikot ang mundo mo. Paano kung masaktan kita? Paano kung hindi ko maibalik ang pagmamahal na gusto mong matanggap? Ayokong maubos ka habang minamahal ako. Gusto ko, kapag minahal mo ako, pareho tayong buo. Para kahit na hindi ko ilaan ang buo kong atensyon sa'yo, hindi ka masasaktan."

"Hindi mo ba ako sinasaktan sa lagay na 'to? Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag umalis ka? Kapag iniwan mo ako? Alam mong hindi ko kaya, 'di ba?"

Hinawakan siya ni Evangeline sa magkabilang balikat at tinitigan bago magsalita.

"Kaya mo, Kev. Alam kong kakayanin mo. Maninibago ka pero kaya mo, okay? At isa pa, babalik ako. Babalikan kita," aniya at ngumiti nang tagos sa puso. Nabuhayan ng loob kahit paano si Kevin dahil sa sinabi niya.

"Ilang taon? Ilang taon akong maghihintay?"

Napaiwas siya ng tingin.

"Dalawang taon. Pero depende, hindi ako sigurado. Kev, sa pag-alis ko, 'wag mong itali ang sarili mo sa akin. Ayos lang na magmahal ka ng iba--" Kumunot ang noo ni Kevin dahil sa sagot ng dalaga.

"Teka, mahal mo ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako? Bakit parang wala kang pakialam sa nararamdaman ko?" Bahagyang napaatras si Evangeline pero pinanatili niya pa rin ang seryosong ekspresyon.

"Minahal ko nga ba talaga siya? Nasuklian ko ba ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin? Bakit sa tingin ko "mas" mahal niya ako kumpara sa sarili niya? Bakit parang mas mahal niya ako kaysa sa mahal ko siya?" Ito ang tumatakbo sa isip ng dalaga.

"Kev--"

"Leave," mahinang tugon ni Kevin habang nakayuko. Tumango-tango si Evangeline habang tinitingnan ang kabuuang itsura at kalagayan ni Kevin. Alam niya sa sarili niyang hindi talaga iyon ang nais sabihin ng kaniyang kasintahan pero wala na siyang magagawa pa.

Maya maya'y napadako ang tingin ni Evangeline sa nakakuyom niyang kamao. Sinubukan niyang humakbang palapit sa binata pero napatigil siya nang bigla itong mag-angat ng tingin at sumalubong sa kaniya ang malungkot nitong ekspresyon.

"Just leave," pag-uulit na saad ni Kevin pero taliwas ito ng nasa isip niya na, "Please, don't go."

"Babalik ako," huling saad ni Evangeline at malamig na tumingin sa kaniya bago tuluyang tumalikod at lumakad palayo. Napakagat-labi siya nang makarinig ng mga hikbi mula kay Kevin.

"Patawad, Kevin." Ito ang mga salitang hindi nasabi ng dalaga bago siya umalis.

Kahit na nasasaktan si Kevin, pinili niya pa ring pagmasdan ang likod ng dalaga habang papalayo sa pag-asang lilingon ito kahit isang beses lang.  Taliwas sa kaniyang inaasahan, hindi na lumingon pang muli ang dalaga. Ngunit lalong nadurog ang puso ni Kevin nang maisip na siya lang ang nasasaktan sa kanilang dalawa.

Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sarili niyang maulanan upang itago ang mga luha at sa pag-asang kahit papaano ay mababawasan nito ang sakit na kaniyang nararamdaman. Ang sakit na ngayon niya pa lang naramdaman buhat noong una siyang magmahal.

***

Amidst the Season (Symbol #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon