Chapter 20

27 6 51
                                    

THIRD PERSON POV

"K-Kev..." mahinang bulong ni Evangeline nang tawagan siya ni Kevin sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos nilang maghiwalay.

"It's Kevin," paglilinaw niya, "Pumunta ka sa park mamaya, sa tapat ng dati nating paaralan. May itatanong lang ako," malamig na saad ni Kevin at hindi na hinintay ang sagot ni Evangeline bago niya ibaba ang tawag. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang phone, wallet, at jacket bago lumabas ng bahay at dumiretso sa tagpuan nila.

Sa kabilang banda, hindi mapakali si Evangeline habang nag-aayos ng sarili. Sa unang pagkakataon, nagsuot siya ng bestida at naglagay rin ng kolerete sa mukha kahit na hindi siya sanay.  Nagpaikot-ikot din siya sa sala ng kaniyang bahay habang naghahanda ng mga gusto niyang sabihin kay Kevin. Sa bawat segundong lumilipas, tila pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa sobrang kabang nararamdaman.

"Kaya ko 'to!"  aniya sa sarili at huminga nang malalim. Halos mapatalon siya nang biglang tumunog ang phone na hawak niya, tanda nang may natanggap na mensahe.  Nagmamadali niya itong tiningnan at tila napatigil ang tibok ng kaniyang puso nang makitang Kev :) ang nakalagay. Magkahalong kaba, lungkot, at tuwa niyang binuksan ang mensahe.

From: Kev :)

Nandito na ako.

Ilang salita lang ito pero halos umiyak na si Evangeline. Sa loob ng ilang taon, hindi sila nag-usap. At ito ay dahil sa kagagawan niya. Sa katunayan, labis ang kaniyang pagsisisi nang makipaghiwalay siya kay Kevin. Sinabi man niya ang katagang, "babalik ako,", hindi pa rin niya maikakala ang sakit na naidulot nito sa kaniyang dating kasintahan.

Upang mabawasan ang mga iniisip niya, pumunta siya sa tapat ng pinto ng kwarto ni Mayumi, ang batang lagi niyang kasama. Kumatok siya sa pinto bago siya pumasok sa loob. 

Nakita niya itong mahimbing nanatutulog sa kamang may disenyong Hello Kitty. Nilapitan niya ito at tinitigan habang malungkot na nakangiti. Balak niya sana itong isama pero nagbago rin agad ang kaniyang isip nang maalalang baka magulat ito kapag nakita siyang umiiyak. 

Sa huli, kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan at lumabas.

'Marami nang nagbago." Iyan ang napansin niya buhat nang umuwi siya rito sa Maynila. Mga bagong tindahan, daan, at mga ipinatayong bahay ang una niyang napansin habang tinatahak ang daan patungon parke. At may isang bagay rin siyang ikinakatakot dahil sa maaaring pagbabago buhat noong umalis siya. Ang nararamdaman ni Kevin para sa kaniya.

"Kevin." Ito ang namutawi sa kaniyang labi bago pa man siya makababa ng sasakyan. Nakatalikod ang binata at nakaupo sa upuang medyo malayo sa kaniya pero sigurado siyang si Kevin nga iyon. 

Inihinto ni Evangeline ang sasakyan at bumuga ng hangin bago lumabas. Ibinaba niya ang laylayan ng kaniyang bestida at tiningnan ang kaniyang itsura sa side mirror para siguruhing maayos pa ang nilagay niyang kolorete. Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa huminto siya sa bandang likuran ni Kevin, mga limang dipa ang pagitan.


Nakarinig si Kevin ng tunog sa bandang likuran niya kaya napalingon siya at nabigla dahil sa kakaibang ayos ni Evangeline. Napaiwas siya ng tingin sa 'di malamang dahilan at mabilis na tumayo. 

Nanatiling nakatingin si Evangeline kay Kevin na tila kinakabisado ang itsura nito. Ngumiti siya nang tipid. Samantalang nakaiwas pa rin ng tingin ang binata at bakas sa kilos nito na hindi siya mapakali.

Amidst the Season (Symbol #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon