THIRD PERSON POV
"Bakit mo ako pinapunta rito? Parang no'ng isang araw lang, itinataboy mo ako, ah. Ang kapal talaga," inis na saad ni Jessica at sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri habang nakatingin kay Anthony.
Malamig ang simoy ng hangin sa field na pinuntahan nila kaya hindi maiwasang liparin ng hangin ang buhok ni Jessica at takpan ang mukha niya. Hindi na niya ito pinagkaabalahang ayusin, sa halip, itinuon niya ang kaniyang atensyon sa lalaking kaharap niya. Si Anthony, ang dati niyang kasintahan.
"Jessica, I'm--"
"Wow, parang kailan lang, Love pa ang tawag mo sa akin, ah. Anong nangyari, pre?" sarkastiko pa niyang sabi at ngumiwi. Idiniin niya pa ang salitang 'Love'.
Napasinghap si Anthony dahil sa bigat na nararamdaman, samantalang nanatiling nakatitig sa kaniya si Jessica at tila pinapakiramdaman ang kilos niya. Nang maramdaman niyang hindi mapakali si Anthony, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at huminga nang malalim.
"Hoy, gusto ko lang linawin na ikaw ang unang nanakit sa akin. Pero bakit ka ganiyan? Parang apektado ka pa rin? Mahal mo ba ako? Bakit mo ako tinawagan?" sunud-sunod niyang tanong at humakbang nang isang beses palapit sa binata at tumingala. Napaiwas ng tingin si Anthony at nanikip ang dibdib.
"Akala ko ba 'wag na kitang tatawagan? Bakit mo pa ako tinawagan?" dagdag niya pa at ngumiwi. Nanatiling walang imik si Anthony pero bakas sa mga mata niya ang panghihina.
"Ano ba? Hindi ka ba magsasalita? Ganiyan ba talaga ako kadaling bitawan? Bwisit ka." Bumwelo si Jessica at hinampas sa braso si Anthony at sinamaan pa ito ng tingin.
"Kung wala kang sasabihin, aalis nalang ako. Sinasayang mo ang oras ko, alam mo 'yon?" Inirapan niya si Anthony bago tumalikod.Kahit na ganito ang ipinakitang ugali ni Jessica, alam ni Anthony na hindi 'to totoo. Alam niyang nagpapanggap lang si Jessica na matapang para itago ang sakit na nararamdaman nito. Ito ang dahil kung bakit ayaw niyang magsalita sa harap ng dalaga. Natatakot siya na baka lalo niya itong masaktan. Pero ayaw niya rin itong umalis hangga't hindi niya pa nasasabi ang lahat ng gusto niyang sabihin.
"Jessica," mahinang pagtawag niya na tila tinakasan na ng lakas. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan dahil sa matinding galit sa sarili.
Kinagat ni Jessica at kaniyang labi habang nakatalikod sa binata. Kinuyom niya ang kaniyang kamao at nanatiling nakatalikod habang pinipigilan ang sariling sapakin ang binata dahil sa 'katangahan' nito na gusto niyang sabihin.
"Anong sasabihin mo?" mahinahon niyang tanong habang nakatalikod.
"Inaamin kong mahal din kita at nagkamali ako." Isang pangungusap lang ito pero hindi na napigilan pa ni Jessica ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim para hindi mahalata ng binata na umiiyak siya ngayon.
"At pasensiya na kung kailangan kong panindigan ang pagkakamaling nagawa ko," dagdag pa ni Anthony kaya tuluyan nang napahagulgol ang dalaga at napaupo. Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay.
Lalapitan sana siya ni Anthony pero natigilan ito nang maalalang hindi na niya ito maaaring gawin. Alam niya sa sarili niya na kapag ginawa niya ito, lalo lang masasaktan si Jessica. At iyon ang pinakaayaw niyang mangyari dahil sobra na ang naidulot niyang sakit sa dalaga.
Sa halip, nanatili siyang nakatayo sa likuran ng dalaga at tahimik siyang hinintay hanggang sa kumalma.
"P-Pasensiya na," nauutal na saad ni Anthony. Tumango-tango si Jessica at nang mahimasmasan, tumayo siya na parang walang nangyari at pinunasan ang mga luha gamit ang kaniyang mga kamay. Hinarap niya si Anthony at tinapik sa braso.
BINABASA MO ANG
Amidst the Season (Symbol #1)
Genç KurguKevin Lorenzo, a secretive but faithful man, has to go through his worst in order to to live his best days with the woman he chose to be with. (07/16/2020-01/15/2021)