Chapter 23

32 6 40
                                    

KEVIN LORENZO

"Pre, patapos ka na?" Napatigil ako sa pakikipag-usap kay Mr. Ali, boss namin, nang tawagin ako ni Luther. Nandito kami ngayon sa construction site habang tinitingnan ang ginagawang gusali na sinimulan halos isang taon na ang nakalipas. Medyo maayos na ang itsura ng labas, samantalang ginagawa pa rin ang loob hanggang ngayon.

Nilingon ko si Luther at nakita ko siyang may dala-dalang dalawang bag habang naglalakad palapit sa akin. Nang makalapit siya, inihagis niya ang bag kong dala niya at agad ko naman itong sinalo.

"Oo," sagot ko at muling tumingin kay Mr. Ali para magpaalam. Tinapik niya ang braso ko at tumango.

"Sige, bukas na lang ulit. Pwede na kayong umuwi," aniya at naglakad palayo sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko, pumunta sa tabi ko si Luther at inakbayan ako.

"Tara na."

Malapit nang dumilim dahil malapit nang mag-6 PM at napagpasiyahan naming dumaan sa bar dahil niyaya kami ni Aliyah. Kaarawan daw kasi ng kaibigan niya at niyaya niyang pumunta si Luther. Sinabihan rin niyang pwede akong isama dahil kilala niya naman ako, pero hindi raw pwedeng isama si Jessica kasi hindi niya raw iyon kilala. 

"Pakisabi sa kaniya wala akong regalo, ah," paalala ko. Hindi ako nakabili ng regalo sa kaniya dahil kanina lang ako niyayang pumunta ni Luther at 6:30 PM na yung party kaya hindi na kami makakabili.

"Ayos lang, maski ako rin naman. Kanina lang kasi sinabi ni be.

Pumunta kami sa parking lot at sumakay sa kani-kaniyang sasakyan. Mag-co-convoy nalang kami papunta roon. Halos talumpung minuto ang biyahe kaya nagpatugtog ako sa radyo habang nagmamaneho. 

Little do you know
All my mistakes are slowly drownin' me

Little do you know. Isa sa mga kantang gusto ni Evangeline. Mahilig kasi siya sa mga 'nakakaiyak' na kanta o sad songs. Napahigpit ang kapit ko sa manibela habang nakatingin sa kalsada. She had her reasons when she broke up with me. Is it really my fault?

Little do you know
I'm tryin' to make it better piece by piece
Little do you know I
I love you 'til the sun dies

Pagkatapos kong kausapin si Jessica, kahit paano ay gumaan ang loob ko. Hindi ko man sigurado kung anong nararamdaman ko, alam kong hindi na ako galit kay Evangeline. Noong pinakawalan ko siya, bakas sa mga mata niya ang pagsisisi at ramdam ko rin na may dahilan siya kahit hindi ko pa rin naiintindihan. Pero yung anak niya...

Sa tingin ko, dalawa o tatlong taon na ang batang kasama niya. At halos apat na taon na buhat noong hiniwalayan niya ako. Nabuntis din kaya siya kaya niya ako hiniwalayan? 

Umiling-iling ako at iwinaksi ang bagay na iyon sa akin isipan.  Binitawan ko na siya. Pinatawad. Hindi na dapat ako makialam sa buhay niya ngayon. 

Nang makarating na kami ni Luther sa tapat ng bar, ipinarada namin ang aming mga sasakyan sa parking lot na malapit dito. Sabay kaming dalawang pumasok sa loob at nadatnan namin ang nakakahilong mga ilaw na may iba't ibang kulay. Mas kaunti ang tao ngayon kumpara sa kinagawian dahil nirentahan ito ng kaibigan ni Aliyah, yung may kaarawan ngayon. Malakas din ang tugtog kaya noong tinawagan ni Luther si Aliyah pero itanong kung nasaan siya, hindi niya ito gaanong marinig kaya ilang beses niyang itong pinaulit.

"Pre, nandoon daw sila malapit sa counter." Bumaling siya sa akin bago tinahak ang daan papuntang counter. Medyo malayo pa lang, tanaw na tanaw na namin si Aliyah dahil tatlong tao lang ang nandoon. Yung iba, kung hindi nakaupo sa mga upuan, nagsasayaw sa dance floor.

"'Yon ba yung may birthday?" tanong ko at itinuro yung babaeng nakatali ang buhok at may suot na cocktail dress na kulay pula. Nakikipagkwentuhan siya kay Aliyah na nakaupo sa bandang gitna at may hawak na baso ng red wine sa kaliwang kamay. Yung isang babae naman sa bandang likod niya, hindi ko alam kung anong ginagawa pero nakapatong ang dalawa niyang kamay sa mismong counter. Nakalugay siya ng buhok at nakasuot ng jacket.

Amidst the Season (Symbol #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon