THIRD PERSON POV
Katulad ng nakasanayan ni Kevin, muli siyang dinala ng kaniyang paa sa isang pamilyar na bar pagkatapos niyang magtrabaho. Napagpasiyahan niyang umupo sa may counter kahit na hindi iyon ang karaniwan niyang inuupuan. Bawat minutong lumilipas, tumitingin- tingin siya sa paligid na tila ba'y may hinahanap.
"Baka hindi na siya babalik dito," bulong niya sa sarili.
Katulad ng palagi niyang ginagawa, bumili siya ng limang bote ng alak at nagsimula nang mag-inom nang tahimik. Hindi pa man siya nakaka-dalawang baso, may umupo nang isang babae sa tabi niya.
Nakasuot ito ng puting bestida at may kolerete sa mukha. Ngumiti ito nang matamis sa kaniya nang magtama ang paningin nila.
"Andito ka pala ulit! Lagi ka bang nandito, kuya?" tanong nito at masiglang kumaway, dahilan para mapakunot ang noo ni Kevin.
Umiling-iling siya at umiwas ng tingin bago inumin ang natitirang alak sa baso niya. May parte sa kaniya na naiinis dahil lamang sa presensya ng babae pero hindi rin maikakalang nakaramdam siya ng tuwa kahit papaano nang makita niyang muli ang babae.
"May sagot ka na ba sa tanong ko kahapon?" nakangisi niyang tanong sa binata pero agad din itong nawala nang hindi siya pinansin.
"Ang sungit naman," sa isip-isip niya at umubo para pukawin ang atensyon ni Kevin pero hindi siya pinansin nito.
Inilapit niya ang mukha niya at nakapagalumbabang tumingin sa lalaki.
"Ikaw? Ano ang kwentong pag-ibig mo? I mean--kwento ng pusong sawi?" aniya at ngumiti nang malapad.
"Masaya ka na n'yan? Tss."
'Ang kulit niya talaga. Ang layo sa ugali ni Evangeline,' sa isip-isip ni Kevin.
"Minahal ka ba niya?" dagdag pa nito kaya lalo siyang nainis.
"Pakialam mo?"
"Ang sungit mo naman, kuya. Epekto ba 'yan ng pagiging sawi? Ganiyan din kaya ang mangyayari sa akin?" nakabusangot nitong tanong at mapapansing namumuo na naman ang luha sa mga mata niya.
"Shut up, will you? Kung wala kang matinong sasabihin, aalis na lang ako rito," aniya at akmang tatayo pero bigla siyang nagsalita.
"Okay, okay. Fine. Tutal pareho tayo ng naranasan--"
"Ano?" kunot-noong tanong ni Kevin.
"I mean, bago pa lang ako sa paghihiwalay kaya nahihirapan ako. Gusto ko lang magtanong kung ayos ka lang ba?" Tumingin siya mga mata ng binata at kumurap-kurap.
"Sa tingin mo?" inis niyang saad napakamot sa ulo. Kahit na naiinis si Kevin at alam niyang pwede naman siyang umalis kung gugustuhin niya, hindi niya maintindihan kung bakit pa siya nakikipag-usap sa babaeng hindi niya kilala.
"Nagpaliwanag ka ba bago kayo naghiwalay? Nagloko ka rin ba? Iniwan mo ba siya?" Kumunot ang noo ni Kevin dahil sa sinabi niya.
"Ano?!"
"Ahh," kalmado niyang saad na parang pinag-aaralan at kilos ni Kevin, "base sa reaksyon mo, siguro siya yung nang-iwan. Sabagay, ikaw nga yung mukhang napagsakluban ng langit at lupa.Tama ba ako?"
Imbes na sumagot, inubos na lamang ni Kevin ang alak na nasa baso niya at umiwas ng tingin.
"Anong rason niya? May iba ba siya? Hindi ka na mahal?" sunud-sunod niyang tanong na lalong nagpainis sa binata. Sa huli, hindi na niya naitago ang halu-halong emosyong matagal na niyang kinikimkim.
BINABASA MO ANG
Amidst the Season (Symbol #1)
Teen Fiction"Loving you brought different seasons to my life: Summer, Winter, Autumn, and Spring. These seasons symbolize my feelings towards you. But you know what season that I feel the most? It's the rainy season, instead of these. You know why? It's becau...