THIRD PERSON POV
"7/11?? Seryoso ka?" dismayadong saad ni Lovely nang makarating sila sa tapat ng convenience store. Iba ang inasahan ni Lovely na pupuntahan nila dahil ginamit pa ni Kevin ang sasakyan niya papunta rito kaya akala niya ay sa malayong lugar o magandang tanawin sila pupunta.
Sa halip na sumagot, nauna nang pumasok si Kevin sa loob ng tindahan at dumiretso sa shelf. Nag-aalangan pa sanang pumasok si Lovely pero wala siyang magagawa dahil nandoon na rin naman sila.
"Bakit dito pa? Kung alam ko lang, e 'di sana hindi na ako sumama sa'yo," aniya habang nakasunod sa binata.
"Alam mo bang depende sa kasama mo kung magugustuhan mo ang lugar o hindi?" saad niya at kumuha ng chichirya.
"Ano?" Biglang natauhan si Kevin dahil sa tanong ni Lovely kaya umiwas siya ng tingin.
"Wala," pag-iwas niya.
"Ahh," tumango si Lovely na parang may napagtanto, "so nag-da-date kayo ng jowa--ay ex jowa pala-- kung saan-saan kasi hindi naman importante kung anong lugar basta magkasama kayo?" panunukso niya at sinundan si Kevin na ngayon ay pumipili na ng inumin.
"Atsaka, halos wala nang bukas na tindahan o kung anuman," dagdag pa ni Kevin.
"Psh. E di dapat dinala mo ako sa may magandang view o kaya hindi nalang dapat tayo umalis ng bar," pagmamaktol niya at ngumuso.
"Bakit? Girlfriend ba kita?" Bahagyang napataas ang kilay ni Lovely dahil sa pabalang na sagot ni Kevin.
"Bakit? Jowa lang ba pwedeng dalhin sa gano'ng mga lugar? 'Wag kang gano'n mag-isip, pre." Umiling-iling nalang si Kevin bilang sagot at dumiretso na sa counter para magbayad.
"Dinala-dala mo ako rito pero wala ka yatang balak mag-ayang kumain. Napakabait talaga," sarkastiko niyang saad kaya napabuga na lamang ng hangin si Kevin upang pakalmahin ang sarili.
"Pumili ka na roon," aniya. Nanlaki naman ang mga mata ni Lovely dahil sa gulat."Anong sabi mo?" pagkumpirma niya sa sinabi ng binata.
"Pumili ka na ng bibilhin mo," pag-uulit niya.
"Libre mo?" Tila nagningning ang mga mata niya dahil sa narinig. Tiningnan siya nang masama ni Kevin kaya napatikom siya ng bibig.
"Sabi ko nga pipili na ako!" nasasabik niyang saad at parang batang tumakbo papunta sa shelves. Muling napailing si Kevin.
"Parang talagang bata," bulong niya.
"Sir, ito lang po ba yung bibilhin niyo?" tanong ng cashier matapos niyang i-punch ang chichirya at soft drink.
"Hintayin mo na rin yung bibilhin ng kasama ko."***
"May saysay rin pala yung pagpunta natin dito. Akalain mo 'yun, nakalibre ako ng pagkain," masiglang saad ni Lovely habang kumakain ng hotdog sandwich na pinili niya kanina.
"Oo nga, ang dami mong binili. Tss." Tumingin si Kevin sa mga pagkain na nasa lamesa nila. May iba't ibang uri ng chichirya, tatlong inumin, isang hotdog sandwich, at tatlong donut. Naubos na ang kinakain niya at puro kay Lovely na ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Amidst the Season (Symbol #1)
Novela JuvenilKevin Lorenzo, a secretive but faithful man, has to go through his worst in order to to live his best days with the woman he chose to be with. (07/16/2020-01/15/2021)