THIRD PERSON POV
"Ito ang emergency?" dismayadong tanong ni Kevin habang nakatingin sa kalagayan ni Evangeline. Katulad ng lagi niyang sinusuot, nakasuot siya ng pantalon at simpleng puting damit. Nakatali ang kaniyang buhok at kitang-kita ang suot niyang hikaw na binigay ni Kevin noong kaarawan niya.
Nakaupo ito sa isa sa mga upuan malapit sa counter at katabi niya si Luther. May hawak siyang bote sa kanang kamay at paminsan-minsa'y umiinom. Kapwa silang nakatalikod at nang marinig ni Luther ang boses niya, napalingon si kay Kevin at tumayo.
"Ah, Kevin—"
Biglang nawala ang matinding kabang naramdaman niya kanina at napalitan ito ng inis. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil walang masamang nangyari sa kaniya o maiinis dahil parang pinaglaruan lang siya ni Luther.
"Anong nangyari sa kaniya?" mahinahong tanong ni Kevin at kinuyom ang kamao upang pigilin ang inis na nararamdaman."Naglasing siya at walang maghahatid sa kaniya pauwi," sagot ni Luther. Lumingon siya kay Evangeline at sinuri kung nasa wisyo pa ba ito at kung pakana niya ang lahat ng ito.
"It was my idea," depensa ni Luther bago pa man makapagsalita si Kevin. Imbes na kumalma dahil sa sinabi niya, lalong nakaramdam ng inis si Kevin.
"Walang maghahatid? 'Di ba ikaw yung nandito? Bakit hindi mo siya ihatid pauwi? At ano bang pakialam mo kung may mangyari sa kaniya o wala?" giit niya at napakamot ng ulo dahil sa nararamdaman. Muli siyang sumulyap at kay Evangeline na ngayon ay nakadukdok na sa lamesa at mukhang nakatulog na dahil sa sobrang kalasingan.
"She's back. Alam kong matagal mo siyang hinintay. At concern lang ako sa'yo, pre. Alam kong ma—"
"Ano bang alam mo?!" galit na tugon ng binata. "Tsaka 'wag mo nga akong tawaging pre, hindi naman kita kaibigan. Sarili mo nga ang intindihin mo at hindi ang buhay ng ibang tao!" Padabog siyang umalis at natahimik naman si Luther dahil sa pagkabigla. Hindi ito ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Kevin.
Hindi nasaktan si Luther sa sinabi ni Kevin na 'wag siyang tawaging kaibigan dahil alam niyang galit lang siya. Pero ang ikinalulungkot niya ay ang pagbabago ni Kevin buhat noong naghiwalay sila.
Aminado si Luther na hindi siya gaanong nag-isip bago tawagan si Kevin. Sobra kasi siyang natuwa noong nalaman niyang umuwi na si Evangeline. Ang unang pumasok sa isip niya ay kung patuloy pa rin bang pupunta si Kevin ngayong umuwi na ang dati nitong kasintahan pero hindi niya inasahang wala si Kevin pero si Evangeline ang nasa loob ng bar.
Sikat kasi ang bar na ito sa kanilang lugar kaya dito dumadayo ang mga taong gustong uminom at naninirahan malapit sa lugar na ito.
Napasulyap si Luther sa natutulog na dalaga.
"Tama si Kevin, hindi ko nga alam ang nangyari sa kanilang dalawa. Pero sana magkaayos sila, ramdam kong mahal ni Evangeline si Kevin, eh," bulong niya at bumuntong hininga.
Kinuha niya ang phone na nasa bulsa ng pantalon niya at tinawagan ang kaniyang kasintahan."Hello, be," bungad niya kay Aliyah.
"Bakit?"
"Andito na si Evangeline."
***
"Kevin, pumunta raw tayong bar mamaya!" sigaw ni Jessica Lovely habang tumatakbo papunta kay Kevin. Linggo kasi ngayon at napagpasiyahan nilang magkita sa labas ng 7/11 dahil may importante raw na sasabihin si Jessica.
Napalingon si Kevin sa gawi niya itinago ang phone na hawak niya. Napakunot ang noo niya nang mapansing nakasuot na naman ng bestida ang dalaga at may suot na headband kaya lalo siyang nagmukhang bata kahit pa naka-heels.
BINABASA MO ANG
Amidst the Season (Symbol #1)
Teen Fiction"Loving you brought different seasons to my life: Summer, Winter, Autumn, and Spring. These seasons symbolize my feelings towards you. But you know what season that I feel the most? It's the rainy season, instead of these. You know why? It's becau...