Chapter 1
Kezra's Point of View
I pouted my lips. Pagod na pagod na ako dahil sa dami nang pumapasok sa isip ko kakaisip.
"Kamusta na kaya si Khyzer sa langit?" Bulong at tanong ko sa aking sarili.
Khyzer Jane Morales. Sya ang kakambal ko at kapatid ko. Namatay sya ilang dekada na ang lumipas.
I don't know why pero ang sabi ni Tita, dahil daw iyon sa aksidente sa eroplano. Hindi na namin nakita ang kanyang katawan simula nung binalita na iyon.
Wala kaming magagawa. Sana naman okay na sya at nagpapahinga ngayon sa langit nang sobrang haba.
Sana din ay gabayan kami nina Mama, ate, at si Papa. Ako at si Tita nalang kasi ang natira sa pamilya namin.
Maliban nalang kung may mga secret pinsan pa ako or else dyan.
"Ezra! ano pang ginagawa mo dyan? Hindi ba may pasok ka ngayon?" Bulyaw ni Tita sa akin.
Tamad akong tumayo mula sa aking table at pumasok sa banyo. Syempre naligo ako, HAHA!
Lumabas ako sa cr nang may tapis nang tuwalya ang buong katawan ko. Bumungad sa akin si Tita na naghahanda ng uniform ko.
"Ez-- Mukha kang lumpia dyan!" Pang asar na wika ni Tita.
Napataas ang kilay ko at nagtungo sa salamin. Maski' ako ay natawa nalang sa aking katawan.
Pumayat nga pala ako. Sunod sunod na kasi ang aksidente na dumating sa amin.
Matapos si Ate, sumunod si Papa. At ang pinakahuli, si Mama. Lahat sila ay nawala sa akin.
Lahat ng dumarating, nang iiwang walang paalam. Kung ganto lang naman ay hindi na ako magmamahal pa.
Tama naman ako hindi ba? Psh.
Umalis na si Tita nang matapos nyang ihanda ang mga susuotin at yung gamit na pang-school ko.
Ngayon lang ulit ako pumasok. Sana naman ay maging maganda ang araw ko kundi, baka may mabalingan ako nang galit at inis.
Bago ko alisin ang aking tuwalya sa katawan ko, tinakpan ko muna nang kumot ang bintana.
Mahirap na. Baka may sumilip at mang boso sa akin. Psh.
Kumuha ako nang underwear at isinuot iyon bago magsuot nang uniform. Sa uniform na ito, May polo muna na puti bago ilagay ang jacket uniform.
May ribbon din na medyo maliit lang sa aking dibdib. Nakatuck-in ang polo na nasa panloob ko sa palda.
Medyo maiksi ang palda na ito kaya hindi ko maiwasang ibaba ito habang naglalakad ngayon.
200 lang ang baon kong pera ngayon dahil ayokong mangutang nanaman si Tita dahil sobrang dami nanaman naming babayaran.
Hindi pa nga kami nakakabayad nang tubig, bahay at kuryente tapos uutang pa kami. Edi sumobra na, Psh.
Sumakay ako nang bus papuntang 'Row Street' na sinasabi ni Tita sa akin. Doon, sinimulan ko nang maglakad.
Teka, tama ba ang binabaan ko ngayon? Parang hindi school eh. Napapaligiran ito ng sobrang lalaking puno....
Nag aagaw ang dilim at liwanag sa ulap kaya parang nakakatakot. May kalawang na din ang gate dito kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Napalingon ako sa sign board sa may gilid nang gate. Nakasulat doon ang "Xen University" kung saan ako dapat pumasok ngayon.
Lingon ako nang lingon sa magkabila at likod ko. Baka kasi may sumusunod sa akin.
Huminga ako nang malalim at pumasok na sa gate na iyon. Mala palasyo ang design ng school na ito.
Napakaganda kapag nakalapit kana. Sa gate lang pala may problema ang school na ito.
"Pst!"
Napalingon ako sa aking likod nang may marinig akong sumisitsit na kung anong bagay dito.
"Tangina!? Magpakita ka?!"
Hindi ko maiwasang magmura sa takot dahil sa sumisitsit na iyon. Bakit kailangan pa nyang sumitsit?!
Dali dali nalang akong napatakbo at binuksan ang main door nang school na ito. Dumungaw sa akin ang masasamang tingin at matatalas na bibig.
Anong meron sakin? bakit ganyan sila kumilos? Hindi ko nalang sila pinansin.
Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid na ito. Napakalaki at sobrang linis nang main hallway.
Napakadaming students ang nagkalat at mukhang lahat nang nandidito, magaganda at magu-gwapo.
Psh. Wala naman akong interes dyan sa mga gwapo na iyan. Kahit anong gwapo nyan, may tinatago padin syang sikreto.
Pfft~
"Aray!?" Sigaw ko nang biglang may bumangga sa akin. Napaupo ako sa lakas ng impact.
Tumayo ako at pinagpag ang aking palda. Nilingon ko ang lalaking iyon. Naka mask at nakahoodie sya nang itim.
Malamig ba? Bakit parang balot na balot yung katawan nya?
Akma ko na sana syang bubulyawan nang bigla nya akong isandal sa pader nang main hallway.
Dumikit sya nang sobrang lapit sa akin na para bang naghahalikan kami. Sinilip ko kung bakit sya ganito.
"ZIAN, WHERE ARE YOU!"
Napakadaming students ang lumagpas sa aming dalawa. Ang iba ay may mga hawak na banners at posters.
K-pop idol ba sya? or sadyang famous lang sya sa school na ito? baka naman isa syang ano----hays!? ewan!
Ibinaling ko ang aking mga mata sa kanya. Sobrang lapit nito sa aking mga mata at kaonti nalang, magdadampi na ang labi namin.
Ilang minuto naramdaman ko ang paglayo nya sa akin. Sa inis ko itinulak ko sya ngunit, ang mask nya ang natanggal.
Pa-slow motion akong tumingin sa kanya at dumungaw sa akin ang napaka-anghel na mukha nya.
Matangos ang ilong, medyo chubby, charismatic, at parang lahat na ay nasa kanya.
Plus, Napakatangkad pa nya. Shit. Bakit ang bilis nang kabog nang puso ko? Bakit ganito kabilis?
"What can i do for you?" Malamig na tanong nito.
Nanlisik agad ang mga mata ko sa kanya at nagkunwaring galit ako. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tita.
'Tandaan mo Ezra, kapag nakapasok kana doon, magtungo ka kaagad sa Dean's Office, ha?'
Paulit ulit na gumana iyan sa utak ko at syempre, umulit ulit din ang pagkakarinig ko sa boses ni Tita.
"Fine. I'll go ahead if you don't want."
Akto na sana syang tatapak ng isang yapak nang bigla ko syang pigilan at hinawakan ko ang pamulsuhan nito.
"Pwede bang dalhin moko sa Dean's Office?" Nahihiya kong tanong.
Dahan dahan nya munang binitawan ang aking kamay mula sa kanya at naglakad papaalis.
"What are you waiting for?" Tanong nito nang medyo malayo na sya sa akin.
Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Para saan yun? Nakita ko na sumenyas ito nang word na Dean's office kaya sinundan ko nadin sya.
Ibang iba ang karisma nya sa akin. Sobrang layo nang ugali nya sa ibang lalaki. Para bang limitado ang pagngiti at pagsibangot nya.
Limitado din ang pananalita nito kaya hindi ko maiwasang hindi makaintindi sa english na sinasabi nya.
"Maiwan na kita dito" Muli nyang wika nang makadating na kami sa Dean's Office.
Nag bow muna ako at sinabing salamat pero bigla nalang syang nawala. 'Nyare dun?
➖➖➖
BINABASA MO ANG
FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】
Mystery / ThrillerMadaming kaguluhan, pero sa huli ika'y ipaglalaban.. • Bakit ba gusto mo sya? ─Hindi ko s'ya gusto.. Mahal ko na s'ya.. Mahal ko na si Kushina Keiden Morales Arriento! Story Inspired by Hell University and School 2015: Who are You...