Chapter 14

189 9 1
                                    

Chapter 14



Luke's Point of View

Nag seselos ako kay Asher kasi katabi nya si Ezra.

Dapat ako yun, eh! Kaso si Mam Taranza naman kasi eh! Nakakainis!

No choice din na umupo si  Jane sa tabi ko pero parang mas gusto pa nya talaga akong makatabi.

Hindi naman sa feeling assuming ako pero lahat ng galawan nya ngayon ay kakaiba.

"Gusto mo ba, Luke?"  Tanong nya pero umiling ako at inilagay ang mag kapareho na headset sa tainga ko.

Nakatulog ako sa ilang oras na paguulit ulit ng kanta.

Hindi ko namalayan na may parang mabigat na nakasandal sa balikat ko.

Minulat ko ang aking mga mata at tinignan kung sino at ano iyon.

Si Jane na nakapikit ang mga mata at tulog na naka dukdok sa balikat ko.

Napa irap ako at napapikit. Agad kong inalis ang aking balikat sa kanya kaya agad syang nagising.

"Nasan na tayo?"  Mabilis nyang tanong pero inirapan ko sya.

Ayokong makita ang mukha nya. Tsk! Tsaka si Ezra lang ang dapat na idukdok ang ulo sa balikat ko, hindi si Jane or sino man.

"Tsk, walang 'tayo'. 'Ikaw' lang!"  Inis kong bulyaw nang hindi tumitingin sa mga mata nya.

Ramdam ko ang pag iba ng mga ngiti nito at mabilis na napalitan ng lungkot.

Hindi ko sya pinansin hanggang sa makababa na kami ng Eroplano.

Dali dali akong kumapit sa braso ni Ezra kaya agad itong nagulat at nabigla.

"Ikaw pala, Luke. Akala ko naman kung sino.."  Ani nito sa akin at nginitian ako.

Ackk! Yung puso ko, Ezra! Ninakaw mo na ata!

"Hi,Ezra!"

Napasama ang tingin ko kay Austin ng bigla nya din gayahin ang ginawa ko kanina.

Agad nyang hinawakan ang braso ni Ezra at gaya ng nangyari kanina, nagulat ito.

Ngumuso ako at inirapan si Austin pero hindi ko na mapigilan ang selos ko kaya inalis ko ang kamay nya sa braso ni Ezra.

"Dun ka kay Hana, wag ka dito kay Ezra!"  Angit ko na agad din nyang ikina irap.

Nginitian ko si Ezra at pinag masdan lang kung papaano sya tumingin sa paligid.

Kumikislap ang mga mata nito sa paningin ko at namumula ang labi nya.

Balang araw, akin lang yung labi nayan, ACCKK!

Balang araw magiging akin din si Ezra at walang hahawak sa kanya kahit sina Miel man or Austin.

Sinolo ko si Ezra hanggang sa makarating na kami sa Coron Palawan.

Napakalinaw ng tubig at napakataas na bundok ito ang mga nandidito.

"Sigurado po ba kayo na hindi kami mahuhulog sa bangka? Parang delikado po kasi,hehehe.." Tanong ni Ezra.

Kailangan ko ng magpaka tapang ngayon. "Hindi yan, akong bahala sayo.."  Ani ko at naunang pumunta sa bangka.

Inabot ko ang aking kamay at agad naman nya iyong kinuha.

Napakalambot at napaka kinis ng kanyang palad. Sana pagmamay ari ko na ito.


Kezra's Point of View

FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon