Chapter 8
Miel's Point of View
Agad naming itinigil ang gulo at pinalibutan si Asher na nakahiga sa gitna ng wide awaken.
Hindi ako mapakali. Pinanlisikan ko ng mga mata si Yuan.
"Panghawakan mo ang sinabi ni Asher, Y-Yuan. Kapag buhay pa sya, mag handa handa kana... " Ani ko at inirapan sya.
Sinundan namin si Asher upang dalhin sa clinic.
Napakadami nitong sugat sa mukha at pasa. May sugat din sya sa likod dahil mukhang hinampas sya ni Yuan ng kahoy.
Siguro hindi na namin iyon nahalata dahil ang atensyon namin ay na kay Kezra.
Pinapasok ko na lahat ng students sa room nila dahil may last subject na sila.
Kaming apat ngayon ay inaantay na magising si Asher.
Nakahiga ito sa clinic bed at nakapikit padin ang mga mata nya.
Si Zian ay nagbabasa ng libro habang si Austin naman at Luke ay nag lalaro sa cp nila.
Di manlang nila bantayan itong si Asher na magising.
Kung ano ano ginagawa nila. Sangkot ba talaga sila sa grupong toh? parang hindi eh. Tsk.
Ilang minuto palang ang nakakalipas, onti onti ng bumibigat ang talukap ng mata ko.
Inaantok na ako at ganun din sina Austin at Luke kaya nahiga kami sa sofa.
Si Zian nalang ang bahala dyan kay Asher na magising kasi puro libro inaatupag nya. Tsk.
Naalimpungatan ako dahil may bumato sa akin na libro.
Minulat ko ang aking mga mata at napatayo ng biglaan ng makita si Kezra.
Nakaupo ito katabi sina Luke at Austin. Si Zian naman ay nakatitig sa akin ng masama.
"Anong meron?" Takang tanong ko.
Agad syang napailing at inirapan ako upang ibigay ang atensyon kay Asher na gising na pala.
Teka----- Kanina pa ba sya gising? Hindi ba ako ginising nina Luke? P*ta naman!?
"G-gising kana pala, Ash.." Putol kong wika dahil nakakatakot syang titigan.
Bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napatingin doon.
Inilabas nito ang nurse na may dalang mga aid kits at may gamot nadin na kasama.
___
Kezra's Point of View
Hindi ako makapagsalita sa harapan ni Asher. Nakakahiya kaya.
Dumating ang nurse dito na may dalang aid kits para sa sugat ni Asher sa katawan at mukha nya.
"Ako nalang ang mag gagamot kay Asher. Baka maabala ko pa kayo..." Ani ko at nginitian sila.
Nginitian ako nina Zian at Luke pati nadin si Austin. Ginawa nila ang kanilang dapat gawin.
Binuksan ko ang loob ng aid kit at kinuha doon ang alcohol pati bulak.
Itinungga ko ang alcohol sa bulak at aktong idadampi sa mukha ni Asher ng nigla nyang hawakan ang kamay ko.
"Kaya ko ang sarili ko kaya umalis kana. Hindi kita kailangan.." Angal nito pero hindi ko sya pinakinggan.
"Sa tingin mo ba kaya mo yan? tsk. Ikaw na nga tinutulungan tapos ikaw pa itong galit!" Sabat ko sa kanya.
Agad kong binitiwan ang kamay ko sa kamay nya at binigay sa kanya ang bulak.
Tumayo ako mula sa harapan nya at kinuha kay Nurse Cha ang gamot.
Naghanda ako ng inumin na tubig para kay Asher at pumunta sa harapan nya.
Inilahad ko ang aking kamay na nakalagay doon ang gamot.
"What's that?" Samang titig na tanong sa akin ni Asher.
"Gamot malamang! Inumin mo na.." Iritang sambit ko at inaatay na kuhanin nya ang gamot na nasa palad ko.
Tinitigan nanaman nya ako ng masama pero kinuha nya ang gamot na nasa palad ko.
Inabot ko sa kamay nya ang tubig at tinignan kung iinumin nga nya.
Base sa mukha nya, parang hindi ko mawari kung ano pa ang gusto nya.
May ibang sinasabi ang mga mata nya kaya kahit hindi ko alam, hinanap ko sa mga mata nya ang kulang.
"Nako, hindi ko nga pala nasasabi, Ezra. Hindi sya marunong uminom ng ganyang gamot, gusto nya yung liquid.." Pang asar na tono ni Austin at natawa naman si Luke.
Napalaki ang aking mga mata at nilingon si Asher. Tama ba ang narinig ko na ang isang gangster nato ay hindi marunong uminom ng gamot? Takte!
ANO KA, BATA? PSH.
"I don't care kung hindi ka marunong lumunok ng gamot na buo. Wala akong ibibigay sayo na liquid na gamot kaya inumin mo yan, Mr. Yabang!" Pang asar na tono ko.
Bigla nya akong nilingon ng may nagliliyab na mga mata.
Agad akong umiwas at lumayo sa kanya dahil baka kung anong gawin nya sa akin.
"Where the hell is Yuan now?" Unang boses na narinig ko sa kanya ngayon.
Obvious sa tono ng boses nya ang pagmamayabang at pananakot.
"Calm down, Ash. Hindi pa sya nakakatakas dito kaya maari mo na syang patayin... " Sabat ni Miel.
Patayin? Teka, hindi ba bawal iyon dito? Dapat na kukulong ang mga ito.
"A-anong patayin?" Tanong ko kaya agad silang nag katitigan.
BINABASA MO ANG
FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】
Mystery / ThrillerMadaming kaguluhan, pero sa huli ika'y ipaglalaban.. • Bakit ba gusto mo sya? ─Hindi ko s'ya gusto.. Mahal ko na s'ya.. Mahal ko na si Kushina Keiden Morales Arriento! Story Inspired by Hell University and School 2015: Who are You...