Chapter 49

101 6 0
                                    

CHAPTER 49: The Offer



Asher's Point of View

Maingay ang buong paligid kasabay ng pagluha ng kamag-anak or pamilya ni Kezra. Base sa ginagawa nung babae, parang sya ang may-ari ng condo na ito.

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko iyon. "Hello?"

"Asher..." Pabulong na sabi pa nito. "Jeydon..." dagdag pa nya. "Rez...", "Lynch..."

Si Tiger...

"Anong kailangan mo?"

"Mabuti't nakilala mo ako.."

"Hmm.."

"Pumunta ka ngayon sa kuta ko.. Walang dalang armas, walang kasama.."

"At bakit?"

"Kung hindi, lahat ng importante sa'yo, mawawala.. lalo na'yang babaeng pinroprotektahan nyo.."

"So what?"

"Magkita tayo ngayon dito sa teritoryo ko. Bibigyan kita ng isang oras at kapag hindi mo 'yun nagawa, isa isang magdudusa ang mga importante sa buhay mo.."

"Ang babaw naman ng dahilan mo, Tiger.."

"PUMUNTA KANA!? BILISAN MO!?"

Pinatayan ko na sya ng tawag at tinanaw sina Kezra na iyak ng iyak para lang pigilan ang babaeng nagtataboy ng gamit nila.

Umalis ako sa condo na iyon. Pagpasok ko sa kotse, nakita ko ang cellphone ni Kezra. Hindi ko nalang iyon pinansin. Nagdrive ako patungo sa kuta nila.

"Pagbuksan nyo sya.." Sabi ni Michael. Napakasama ng titig nya sa akin maging ako ay ganun din sa kanya.

Medyo magaan ang pakiramdam ko dito sa kuta nila kaysa sa kuta namin na pagpasok mo palang, mabigat na ang karisma.

Binuksan nila ang pinto at pumasok ako doon. Mag isa syang nakaupo sa swivel chair habang nakasandal pa.

"Welcome to my territory, Wolf.."

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Have a seat.."

Umupo ako ng walang pake sa may tabi nya. Tinitigan ko sya mata sa mata. Napangisi sya at binigay ang isang papel sa akin.

Loyalty Grand Offer ang nakasulat dito sa papel at alam kong kailangan ko itong pirmahan dahil may io-offer nanaman sya na bago sa akin.

"Pirmahan mo 'yan at sisiguraduhin kong mawawalan na ng away sa pagitan natin. Kung... Sasapi ka sa grupo kong Blacked.."

Inilipat ko sa kabilang papel ang binigay nya sa akin. "Ano nanaman ba'ng grupo ito, Tiger? Nawalan kana ng iba pang grupo tapos ngayon may balak kapang gumawa ng bago?"

"Let's just say yes.. Para nadin may maging katapat kayo. Pero magiging apat nalang ang grupo ninyo kung sasapi ka sa Blacked..."

Ibinalik ko sa kanya ang papel na nilahad nya sa akin kanina. "No thanks, hindi ko kailangan ng panibagong grupo para matapos lang ang away sa pagitan natin.."

Tumayo ako at saktong dumating ang mga kawal at alagad nya. Tinutok nila sa akin ang kutsilyo at ang baril na hawak nila.

Napangisi ako. Bumalik ako sa table ni Tiger at umupo ulit. Hindi ako makakaalis dito kung may mga kawal at bantay sa bawat paligid ngayon.

Kinuha ko ang ballpen at labis na nakita ko ang totoong pagngiti nya. I mean, evil smile bitch. Hindi ko pa man napipirmahan ang mga blangkong nakasulat, tumayo ako at pinunit iyon.

FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon