CHAPTER 42 - ACQUITTANCE PARTY

115 8 0
                                    

CHAPTER 42: ACQUITTANCE PARTY (PART 5)

Miel's Point of View

Natataranta kaming lahat dahil sa inasal ni Janice ngayon. Pangalawang beses na nya ito ginawa pero hindi padin sya nagtanda. Hindi nya hahayaan na hindi makuha ang gusto nya lalo na ngayon.. Korona ang gustong gusto nya.

Pinaligiran na namin si Janice pero suot suot padin nya ang Korona ng pang-Reyna. Si Sakura naman ay nakatitig lang sa amin at hindi nya hinahayaang may masaktan sa bawat isa.

"SAKURA!?"

Napatingin kaming dalawa ni Luke at nakita si Sakura na nakahilata na sa sahig at naghihingalo. Agad kong nakita ang saksak ng kutsilyo sa may gilid ng bewang nya sa likod kaya naman...

"Habulin nyo yung lalaking yun!" Sigaw ni Luke at kaagad namang sumunod ang mga guards at may marami pang ibang guards na sumunod sa lalaling naka-itim at nakamask.

"Buhatin mo, Z.." Malamig na sabi pa ni Sasuke at sinunod naman nya kaagad. Binuhat nya si Sakura habang kami ay sbrang natataranta na. Wala sanang mangyari masama sa kanya kapag dinala namin sya sa ospital..

"Wait.. Saan kayo pupunta?" Malamig na sabi ni Sasuke at tila pinipigilan kaming maglakad papunta sa ospital na malapit sa kabilang building nung mga college at seniors.

"Wag nyo syang dalhin sa ospital.. mas delikado ang mangyayari kung dadalhin nyo sya dun..Sa hide out nalang nyo nalang sya gamutin..." Sabi pa ni Sasuke kaya nagkatinginan kaming lahat.

Si Luke, ako at si Austin ay kasalukuyang naghahanap sa lalaking sumaksak kay Sakura. Sina Sir Kiz naman ay busy'ng busy padin sa pagkuha ng korona kay Janice.

Nagpunta kami sa likod ng XU kung saang abandonado na kung tawagin. Ito ang kauna unahang XU building ngunit nasira din dahil sa nagawang labanan dito nina Sasuke at Tiger.

"Nakita nyo ba?" Tanong ni Austin at nag-ilingan kami ni Luke dahil wala talaga kaming nakita hanggang sa napalingon ako sa isang madilim na sulok nito.

Pasimple kong tinapik si Luke at ngumuso kung saan may nakikita akong anino ng tao sa may entrance ng abandonadong school. Hinay hinay kaming lumapit doon at nakita namin ang lalaking nakamask at naka-all black.

May dugo ito sa kamay nya at hawak nya ang kutsilyong may bahid din ng dugo at alam kong kay Sakura ang dugo na iyon. Ramdam ko ang pagngisi nya at agad na napahawak sa kanyang tagiliran.

'May saksak din pala sya..'

Aktong susugod na si Luke nung makita naming tinanggal nya ang kanyang mask at tumambad ang side view na mukha ni... MICHAEL, ang kapatid ni Janice na mas masahol pa sa demonyo.

Napangiwi sya at agad na tinutok ang kutsikyo sa sugat nya. Nagkatinginan kami nina Luke at Austin. Maari syang mamatay kung itatarak pa nya lalo ang kutsilyo sa sugat nya.

Napapikit sya at muling ininda ang sakit na nararamdaman nya at aktong isasaksak na ang kutsilyo nung biglang magsi-datingan ang mga guards at tinutok sa kanya ang baril.

Nagulat sya at napalaki ang mga mata nya nung makitang nahuli sya ng mga guards. "Huwag nyo syang sasaktan.." Sabi ko pa.

"Huh! Baliw kana ba, Miel!?" Komento ni Austin.

"Wala kana ata sa tamang pagiisip, Miel.. Sinaksak nya si Sakura kaya kailangang mamatay na sya!?" Sigaw sa akin ni Luke.

Hindi ako pero hindi ibig sabihin nun na sang-ayon ako sa sinabi nilang dalawa. Tinitigan ko si Michael. Iniinda padin nya ang sakit habang nakatingin sa aming lahat.

FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon