CHAPTER 28 - KILL OR DIE EVENT
Kezra's Point of View
Nagising ako sa alarm clock at batid kong ito na ang umpisa ng event na iyon. Hindi ko alam kung kikilos ba ako or hindi dahil ayoko talagang mamatay.
Agad kong nakita si Daniel na nagsisipilyo na at mukhang nakaligo nadin dahil nakatapis na ito ng tuwalya sa ilalim na bahagi ng katawan nya.
"Gising kana pala.." Bulol nyang ani dahil nagsisipilyo pa sya.
Nangangatog na tuhod kong pinuntahan ang cabinet at kinuha doon ang tuwalya. Pagpasok ko sa cr, agad kong kinuha ang tabo at ibinuhos sa katawan ko ang malamig na tubig.
Pero ni' isang lamig ay wala akong naramdaman. Maaring dahil ito sa pag iisip ko kung ano ang posibleng mangyari mamaya doon sa event at ayoko na ata talagang dumalo doon.
Papaano nalang si Tita Leen kung mawawala na kami ni Daniel ngayon or mamaya or sa susunod na mga araw pa? Hays! Bakit pa kasi isang linggo ang event na ito! Natatakot na ako!?
Lumabas ako sa cr ng may tapis na tuwalya sa buong katawan ko hanggang sa tuhod lamang. Kinuha ko doon ang P.E na ipina-deliver ng XU para sa amin.
Nakaburda dito sa likod ng paypay ang apilyedo at maliit na pangalan namin sa ibaba nito. Nagsuot na ako ng pantalon na kapares nito at nakalagay doon ang number ko.
'108, Ace' (Pagkakabasa ko)
Isinuot ko ito at pagkatapos, isinuot ko nadin ang P.E na pang itaas ko. Tumalikod ako sa salamin at muling nakita ang apilyedo ko doon.
Nagtali ako ng buhok na high ponytail at nanginginig na kinuha ang bag ko. Nasalubong ko si Tita at Daniel na nakaupo na sa table at kumakain.
"Oh! Kain na.." Pagyayaya ni Tita at nginitian ko nalang sya. "Hindi na po, Tita.. Baka po kasi m-malate kami.. antayin ko nalang po si Daniel sa l-labas.."
Nagbow ako at binuksan ang pinto. Dumungaw ang napakadilim na ulap at parang uulan pa kaya nag handa na ako ng payong dahil baka bigla nalang iyan bumagsak.
Bakit ngayong araw pa... Bakit ngayon paaaaa!?
"Gaja..." Ngiting wika ni Daniel at naunang nag lakad. Buti kapa nakaka ngiti ngayon, pero ako natatakot at kinakabahan na sa mangyayari mamaya.
Nang makadating na kami sa XU, parang lahat ay wala pa. Tahimik ang buong paligid at walang kahit anong ingay. "Sakura?"
Kaming dalawa ni Daniel at napalingon sa likudan namin at sinalubong kami ng pinsan nya at si Aria. Naka P.E rin ito at mukhang kasali rin sila dito sa event.
"Are you.... S-Sakura?" Utal na tanong nya at nagkatinginan kami ni Daniel bago ako magsalita.
"H-Hindi po... Tawag lang po nila sa akin yan pero ang totoong pangalan ko po ay.... K-Kezra.."
"Khyzer.."
Agad akong napalingon sa kanya ng wala sa wisyo at nanlaki ang aking mga mata kung bakit kilala nya ang kapatid ko. Mag bff ba sila? Or di kaya naman mag kaaway?
"I'm Almira Niña Floi Chadesse... i'm Aria's great grand cousin.." Aniya.
"You have a twin sister named.... Khyzer Jane A. Morales, r-right?" Dagdag nya.
"Ahm.. Pasensiya kana, Sakura.. ganyan lang talaga kasi sya.." Baling ni Aria sa akin.
"Ihahatid ko na muna sya.. by the way, nasa 2nd old building na ng XU ang lahat ng students kaya wala na kayong maabutan dito...Mauna na kayo doon, susunod nalang ako.." Dagdag pa nya at nag aalinlangan ko syang nginitian nang makatalikod na sya.
BINABASA MO ANG
FIVE GANGSTERS FELL INLOVE WITH ME【 BOOK 1 】
Misterio / SuspensoMadaming kaguluhan, pero sa huli ika'y ipaglalaban.. • Bakit ba gusto mo sya? ─Hindi ko s'ya gusto.. Mahal ko na s'ya.. Mahal ko na si Kushina Keiden Morales Arriento! Story Inspired by Hell University and School 2015: Who are You...