"Mary"
"Yes?"
"I forget to tell you that I need to go to Pampanga for training. So I can't drive you home for 3 days" sabi ni Abel habang magka usap kami sa video call.
"Aahh ganun ba, sige ingat kayo" bakit bigla akong nalungkot?
"Are you gonna miss me?" pang aasar nya at tumawa nalang ako at umoo. Totoo namang mami miss ko sya eh.
"Really?"
"Yes"
"Okay. Goodnight Mary see you in three days"
"Byee goodnight" kay Ady ba ako sasabay umuwi in 3 days? Wag na papahatid nalang ako kay Milan. Baka maloka na ako sa kaweirdohan na ginagawa ni Ady sakin.
Kinabukasan pagpasok ko ng school, wala ung prof ng first subject kaya tumambay nalang kami ni Milan sa milktea shop sa loob ng school.
She's busy browsing sa phone nya at ako naman nagbabasa ng notes. Pinag bubutihan ko talaga pag aaral dahil gusto ko maka kuha ng mataas na score sa NMAT. Sana din maging scholar ako sa med school, kahit naman kaya namin bayaran ung tuition namamahalan pa din ako.
"Gotcha!" sigaw ni Milan habang naka tingin sa phone. Hobby nya na ata sumigaw o tumili.
"Oh my Ashley! I saw Ady's twitter, nakaka curious mga tweets and retweets nya." sabi ni Milan. Dun pala active si Ady, wala naman kasi akong twitter eh.
"Look! Last last night nag retweet sya. i think about u a lot, not gonna lie." sabi nya at tumili na naman.
Last last night? Diba un ung kumain kaming ice cream then may sinabi na there's someone who I can't get off in my mind daw.
"Eto pa oh! Tweet nya kagabi. I'll get you back. Ikaw tinutukoy nya. Oh my!" sabi nya habang kinikilig.
Ako ba talaga? Kung totoo mang ako tinutukoy nya, bakit ngayon lang? Parang hindi magandang tingnan na dahil lang nawala na si Angel eh pupunta na sya sakin.
"Milan sabay ako umuwi sayo ah" sabi ko.
"Hala sis, si Mommy susundo sakin may pupuntahan kami, kay Ady ka nalang ulit sumabay. Wait eh asan ba si Abel mo?"
"May training sa pampanga ng 3 days.." sabi ko.
"You sound so sad. Three days lang yun sis, wag ka malungkot" pang aasar nya. Hala grabe! Malungkot ba talaga ako? Ganun na ba ako ka attached kay Abel? "I texted Ady, may training din sila ng basketball, sa gym ka nalang daw maghintay later" sabi ni Milan.
Kay Ady nya talaga ako gustong sumabay, pwede namang kay Jordi nalang dahil medyo malapit naman ung bahay nila samin.
"Dati super Anti-fan ka ni Ady tas ngayon pinagtutulakan mo pa sakin" sabi ko.
"Saya nyo kayang panuoring tatlo nila Abel. Para akong nanunuod ng teleserye" sabi nya sabay tawa.
Hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy nalang pagbabasa ko. Nang bigla may nag notif sa phone ko.
Abel Stephen Maniego: Hey! I cook lunch for you. My sister will give to you, don't worry she knows you ;)
Mary Bless Ashley Abellaña : Hala thank you, nakakahiya
Abel Stephen Maniego: Naah it's fine. Talk to you later :)
Mary Bless Ashley Abellaña: okay ingat!
"Why are you smiling like an idiot?" tanong ni Milan.
"Si Abel pinagluto ako ng lunch, bibigay ng Ate nya mamaya" sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/231943301-288-k145386.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey Stephen (On Going)
Teen FictionMary Bless Ashley was so head over heals to Adyson Stephen since the first time she saw him. But Adyson never look at her the way she do. Until one day, Mary Bless Ashley met Abel Stephen. He made Mary Bless Ashley feel loved and appreciated, someth...