C H A P T E R 11

54 7 0
                                    

"Wait! What are you doing? Kanino ako ikakasal?" naguguluhang tanong ni Milan.

"Me" ngiting ngiti na sagot ni Joaq. Agad nanlaki mata ni Milan at mag wa walkout na sana pero pinahawakan ko sya kay Jordi para hindi maka palag.

"Ayoko! Sis help!" sigaw ni Milan. Hindi ko sya pinansin at sinabi sa fake na pari na ituloy ang kasal.

"Do you take this women to be your lawfully wedded wife?" tanong ni fake father.

"I do" naka ngiting sagot ni Joaq.

"Women, do you take this man to be your lawfully wedded husband?"

"I don't! I object! I-" sigaw ni Milan pero agad kong tinakpan bibig ni Milan.

"Proceed father" sabi ko. Ang likot ni Milan.

"I pronounce you husband and w-" hindi naituloy ni fake father ung sasabihin nya ng tadyakan sya ni Milan sa ano nya. Namimilit sya sa sakit at napaluhod nalang ito. Agad naman sinabi ni Joaq na si Ravi pumalit sa pagiging pari habang si Milan nag wawala. Ang gulo na.

"I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" sabi ni Ravi. Hindi malapitan ni Joaq si Milan dahil nag wawala sya at siguradong masisipa din sya nito sa ano.

Hindi naman papayag si Milan na isuot ung singsing kay Joaq kaya tinago nalang nya ito sa bulsa kahit plastic na hello kitty lang naman ung singsing.

Nang bitawan na ni Jordi si Milan agad nyang sinipa si Joaq sa ano at nag walk out.
Agad ko naman syang sinundan pero sa dami ng tao kaya hindi ko sya nahanap.

"Mary!" alam kong si Abel yun dahil sya lang naman tumatawag sakin ng Mary. Nilibot ko mata ko at nahanap ko agad sya dahil ang tangkad nya.

Lumapit sya sakin at napansin kong ang ganda ng porma nya. He's wearing a plan gray chino pants, navy blue long sleeve and white sneakers. He's also wearing his eyeglass, lagi naman eh. Siguro lumabo na mata nya kaka aral.

Bakit ang gwapo nya?

"Done checking me out?" ngiting ngiti nyang tanong.

"Ha? Hindi noh! Ang feeling" deny ko at tumawa naman sya. Ano nakakatawa sa sinabi ko?

"Mary, Mary, Mary...you're too obvious. Anyways nalibot mo na ba ung mga booth?" tanong nya.

"Hindi pa eh" sagot ko.

"Same. Come on! Let's play, it looks fun" aya nya at bigla nya akong hinawakan sa kamay. Bigla akong nakaramdam ng kuryenteng dumaloy muna sa kamay nya papunta sa katawan ko. Ano tong nararamdaman ko?

Una nya akong niyaya sa mga Carvinal Booth kung saan may mga tatamaan kang object para manalo ka at maka kuha ng prize.

Nauna akong maglaro pero hindi ako nanalo. Ang hirap naman kase ishoot ng maliit na bola sa malayong baso na maliit din. Sumunod si Abel maglaro at parang ang dali lang sakanya mag shoot. Naka ilang try pa sya at nanalo sya, pinapili naman sy ni Kuya ng prize.

"Mary what do you want?" tanong sakin ni Abel. Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga prize. Puro teady bear pero may naka kuha ng atensyon sa isang mickey mouse headband kaya iyon pinili ko.

Dalawang parehas yun kaya sinuot ko yung akin at sinenyasan ko naman si Abel na yumuko. Pagka suot ko sakanya, napa tili ako ng mahina. Ang cute kasi nya.

"You're so adorable Mary" sabi nya.

"Ang cute mo grabe!" sabi ko habang naka ngiti. "Picture tayo dali!" sabi ko sabay labas ng phone ko. Nag selfie kami at nag peace sign pa.

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon