C H A P T E R 21

61 5 3
                                    


Hindi agad ako naka sagot sa tanong ni Abel kagabi dahil ang atensyon ko ay na kay Ady lang. Nang lumapit ako kay Ady ay inabot nya lang sakin ung box of donut at tumalikod na ng walang sinasabi.

Pagka pasok ko ng bahay nun ay tingnan ko ang phone ko at nakita kong naka patay na yun video call. Nako konsensya naman ako dahil baka isipin nya na ayaw ko magpa ligaw. Kaninang umaga wala syang ni isang text, galit kaya sya?

Gusto ko sana magpa sama kay Milan puntahan sya sa building nila kaso absent naman si Milan. Nang break time agad kong tingnan ang phone ko kung online sya.

Nakita ko namang 32 mins ago online at nag story sya na nasa gym sya. Nag leave na lang ako ng simpleng 'hello' sa messege.

Nakaka guilty naman kase. Masa sagot ko naman sya ng 'oo' kung hindi lang ako na bigla kay Ady eh. Nakaka gulat din naman kasi yung tanong ni Abel dahil eto na ung tanong na hinihintay ko.

Nang dumating ang lunch time sinabi ng mga kaklase ko na half day lang daw kami. Naisip kong puntahan si Abel pero sa huli napag desisyonan kong wag na lang. Nag pa sundo na lang ako kay Manong at pagka uwi ay nag aral na lang ako.

Nang dumating ang gabi naisipan kong icheck yung phone ko kung nag reply na sya sakin pero wala pa din. Galit nga ata sya. Baka isipan nya na ayaw ko magpa ligaw o baka nakita nya si Ady na binigyan ako ng donut.

Pagka gising ko kinabukasan medyo malungkot pa rin dahil hindi nya ako ni replyan. Mag hahabol na naman ba ako sa lalaki? Nakaka sawa na ah.

Absent pa rin si Milan dahil dumating pala Mommy nya galing ibang bansa at nag bo bonding sila. Buti pa sila, si Mama kasi puro trabaho tapos ung tatay ko naman ang tagal ko ng hindi nakaka usap.

Nang mag lunch time naisipan kong bumaba para bumili ng pagkain. Pag pasok ko ng canteen agad kong nakita si Ady na mag isang kumakain. Himala dahil wala syang kasamang tumabi.

Umorder muna ako ng pagkain at lumapit ako sa kanya. "Pwede maki upo?" tanong ko at tumango naman sya ng makita nya ako. Saglit lang nya akong tingnan at binaling na ulit nya ang tingin nya sa pagkain.

"Nasan sila Jordi?" tanong ko at nag kibit balikat lang sya. Pano ko ba sya kakausapin? Mukhang ayaw naman nya ata. "Kamusta ka?" tanong ko.

Tumigil sya sa pag kain at tumingin sakin. Halata sa mukha nya ang pagod. Saan kaya sya napapagod? "Okay lang naman" tipid nyang sagot.

"Alam mo ba? Kahit hindi mo ako kinakausap pinag pe pray pa rin kita kay God. Na sana maging okay kana ulit, sana ayusin mo na ulit buhay mo. Ga graduate na tayo oh diba sabi mo nun pag ka graduate mo hahanapin mo Mommy mo" sabi ko sakanya ng naka ngiti.

Agad sumilay ang mga ngiti sa mga labi nya. Maliit lang na ngiti pero alam kong totoo yun. Achievement ata na pangitiin sya dahil kahit iba't iba man ang mga babae nyang nakakasama never nilang napa ngiti si Ady.

Nag kwentuhan pa kami ni Ady at sinabihan ko din sya na ayusin na nya buhay nya. "After all friends pa rin naman tayo diba? So if may problem ka you can all always tell me, I'm all ears" sabi ko sa kanya.

"Yeah. Friends..."

Masaya akong umattend ng next class ko dahil balik na ulit kami sa dati ni Ady. Okay lang naman na sungitan nya ulit ako kesa naman iwasan nya ako.

Wala pa naman professor kaya chineck ko muna kung nag reply na ba sya pero hindi pa rin. Mago ghost na ba ako? Tawagan ko kaya? Kaso baka busy naman sya...lagi naman sya busy eh. But he always makes time for me.

Sinubukan ko syang tawagan at pang apat na ring ay sumagot na rin sya.

"Hello?" sabi ko.

"Who are you?" sabi ng...babae? Sino sya? Chineck ko kung tama ba ung number na tinawagan ko at nakita ko naman na name ni Abel to. Bakit kaya nasa kanya yung phone ni Abel.

"Uhm Mary po. Asan si Abel?"

"He's teaching our members some dance steps" sagot nya.

"Ahh..okay. Paki sabi na lang sa kanya na tumawag ako" sabi ko at agad ko ng binaba ang phone ko. Nagpa practice pala sila ng sayaw, siguro kasama nya lang sa dance troupe nila.

Buong mag hapon atang wala akong naintindihan sa discussion namin dahil sa babaeng sumagot sa phone ni Abel. Napag desisyonan kong puntahan si Abel sa swimming pool are pagkatapos ng klase.

Bago ako pumasok sumilip muna ako kung andito sya. Nilibot ko ang paningin ko ng may biglang sumulpot sa harapan ko.

"Hi!" naka ngiting sabi ng lalake. "You're looking for Abel?"

"Ahh opo"

"He's not here. I think he's in dance room"

"Aahh sige po salamat" sabi ko at tumalikod na. Iisa lang naman dance room sa college department kaya agad ko naman itong nahanap.

Nasa labas pa lang ako naririnig ko na ung malakas na tunog mula sa dance room. Pagka silip ko sa dance room agad kong nakita si Abel na kausap ung babaeng kasama nya nung isang araw. .

Abel is smiling...

Abel is laughing...

Bumalik ung alala na nakita ko si Ady at Angel. Ayoko na ulit ng panibagong Angel sa buhay ko. Ayoko na mag makaawa. Ayoko na umiyak at masaktan araw araw.

Agad akong tumalikod dahil tumulo ang luha ko. Bakit ba ako nasasaktan? Natatawa ako sa sarili ko habang pinupunasan ang luha ko.

Siguro eto na ung pinaka masakit na pag ibig. Ung nasasaktan ka kahit wala namang kayo.

Aalis na sana ako ng may tumawag sakin.

"Mary!"

Nakatalikod lang ako at hindi gumagalaw. Pano ko ba sya haharapin? Galit pa kaya sya sakin?

"Hey Mary..." he said. Hindi ako humarap kaya naman sya ang humarap sakin at agad akong yumuko. "Hey are you okay? Why are you here?" he asked.

"Hey..." sabi nya at inangat nya ung ulo ko.

"Are you mad?" I asked.

"What? No! Why would I?"

"Eh kase hindi agad ako naka sagot sayo then hindi mo ako nire replyan" sabi ko at natawa naman sya.

"That's ridicilous" natatawa nyang sabi. "I don't see your messege, siguro natabunan. And I can't text and drive you home cause I'm super busy talaga"

I just nod.

"Okay" tipid kong sagot at tumalikod na ako para umalis. Busy pala sya, baka naistorbo ko pa sila nung babae.

"Mary..." sabi nya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa pag alis.

"Alis na ako" sabi ko at binawi ang kamay.

"Mary what's wro–"

"Stephen let's start na" boses ng babae. Hindi ko na kailangan pang humarap para malaman kung sino yun. Kaboses nya ung sumagot sakin.

"Five minutes"

"Okay"

"Are you okay Mary?" tanong ni Abel at humarap sakin. "Why are you crying?"

"Bumalik kana dun. Kailangan kana nila"

"No. Why are you crying? Did I do something wrong?" tanong nya. Actually ako din hindi ko alam kung ano rason kung bakit ako umiiyak. Dahil ba hindi ko agad sya nasagot? Dahil ba hindi nya nakita text o naihatid? O baka dahil may babae syang kasama?

"Stephen come on" aya ng babae.

"Alis na ako" paalam ko at umalis na akong umiiyak. Wala naman ginawang masama si Abel pero nasasaktan ako.

I'm jealous of the way his happy without me.

"Ashley!" tawag sakin.

"Ady..."

****
vote and comment ♡

Ps. Don't forget to pray

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon