C H A P T E R 14

113 17 6
                                    


"Are you going to watch Abel's game?" asked Milan.

"Huh?" Ano ba sinasabi nya?

"Don't tell me you didn't know"

"Hindi ano ba yon?"

"Seriously? Araw araw magkasama kayo tapos hindi mo alam?"

Nitong mga nakaraang araw madalas kami magkasama ni Abel, nag insist din sya na ung maghatid sakin pauwi.

"Wala naman syang naku kwento eh, ano ba yun?" tanong ko.

"Lalaban sya ng Swimming Competition"

"Kelan?"

"Later! Nuod tayo please? Balita ko manunuod ung cousins nya eh" pag pipilit sakin ni Milan kaya napa oo nalang ako.

"How about us? Laban din namin mamaya" sabi ni Joaquin. Oo nga pala, may laban sila ngayon sa Basketball.

"Madami naman kayong supporters eh, keri na nila yon" pagtataray ni Milan.

Dati nauuna pa ako sa pag yaya kay Milan sa pag nuod ng laro nila dahil kasama si Ady. Gumagawa pa ako ng banner tapos libre ko pa popcorn namin ni Milan.

Naalala ko ung messege sakin ni Abel kung free ako ngayong week, di kaya ung laban nya ung tinutukoy nya?

"Abel have many supporters than us" sabi ni Ravi. Si Jordi tahimik lang, siguro kinakabahan. Sya kasi pinaka magaling sa team nila eh.

"We watch your games for almost four years na, kay Abel naman papanuorin namin" sabi ni Milan.

Gustong gusto talaga manuod ni Milan ng laban ni Abel dahil andun ung Zobel Brothers.

"Ashley, what do you think?" tanong ni Milan.

"Ha? Ah sige nuod tayo kay Abel" sagot ko at sinubo na ang kinakain kong lunch.

Nakakahiya kung di ako sumupport sa laban nila Abel dahil magkaibigan naman na din kami, pero pano si Ady? Naalala kong andun naman pala si Angel na laging naka support sakanya, hindi na nya ako kailangan dun.

"Milan what happened to your bestfriend? Kinulam mo ba?" tanong ni Joaq.

Ginulo at tinapik naman ni Milan ung buhok ko. Ginawa pa akong aso.

"Nope! Natauhan lang yan, right Ashley?"
hindi ko alam pinagsasabi ni Milan kaya tumango nalang ako.

"You're choosing Abel than us?" tanong ni Ady.

I nod.

"Hindi naman kami kawalan ni Milan dun. Tsaka hindi mo kami kailangan, dahil andun naman si Angel diba?" sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.

"It's so unlike you" sabi pa nya.

"This is what you want right? Un-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Ravi.

"Guys calm down. Mauuna game namin kesa kila Abel kaya pwede pa manuod si Milan and Ashley ng 1st and 2nd Quarter" paliwanag ni Ravi. Ramdam nya siguro na nagkakainitan na.

"Bro, coach texted me kailangan na tayo dun" sabi ni Jordi. Umalis na sila at naiwan kami dito ni Milan.

"Si Ady ata nakulam eh, he's acting weird lately" sabi ni Milan.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya at inaya na sya sa basketball court. Ang dami na agad tao at ang iingay na.

Malapit kami sa court pumwesto ni Milan at agad kong hinanap ng mata ko si Angel sa baba kasama mga ka team ni Ady pero wala sya dun. Weird. Dati lagi syang present dahil todo support sya kay Ady. Binibigyan pa nya ng water at pinupunasan pa ng pawis.

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon