"Nak pupunta ba sila?" tanong sakin ni Mama habang hinahanda ko ung mga pagkain.
"Opo sinabihan ko na sila" sagot ko. Birthday ni Mama ngayon at mayamaya lang pupunta na sila Milan pati ung apat na boys. Ininvite ko din si Abel, dahil gusto kong pakilala sya kay Mama.
Wala kami masyadong kakilala dito kundi pamilya lang ni Ady. Ung mga kaibigan naman ni Mama sa trabaho nya, iti treat lang nya mamaya ng dinner.
"Ang yayaman nyo tapos yan lang regalo nyo?" Andito na siguro sila, ang layo palang rinig ko na boses ni Milan.
"What's your gift ba?" tanong ni Ravi.
"Gucci bag duh" pagtataray nya sa boys.
Inabot nila ung gift nila kay mama at binati nila. Konti lang naman kami pero ang daming pinaluto ni Mama. Kakain na sana ako ng may nag notif sa phone ko.
Abel Stephen Maniego: Im infront of your house.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Lumabas ako at nakita ko syang may dalang gift at bouquet.
May flower shop ba sila? Ang hilig mag dala ng bouquet eh, hindi naman biro ung price ng isang bouquet.
"Come on papakilala kita kay Mama" aya ko sakanya sa loob. Pumasok kami at nakita ko sila na kumakain at nag chi chikahan kasama si Mama.
"Ma si Abel. Uhmm friend ko po" nahihiya kong sabi.
"Hi tita! Happy Birthday po" nag mano sya at binigay nya ung gift at flowers kay mama.
"Wow! Thank you" tipid na sagot ni Mama.
"Friends nga lang ba?" parinig ni Milan. Binatukan naman sya si Joaquin pero mahina lang, OA lang talaga mag react si Milan.
Pumasok bigla sila Ate Cassy at Ady at binati din si Mama at nag bigay ng gift.
"Sorry tita di makakadating si Daddy, may work eh" sabi ni Ate Cassy.
"Naku okay lang! Sige kain lang kayo dyan. Gagayak na ako para umalis" sabi ni Mama at umalis na para mag ayos para sa dinner nila ng mga friends nya.
"You're mom is cool" sabi ni Abel.
"Yeah she is" tipid kong sagot.
I don't know but medyo awkward ung feeling na andito si Ady at Abel sa iisang bubong.
"Guys gusto nyo ng drinks?" alok ko sakanila sabay taas ng dalawang bottle ng alak at wine.
"G!" sigaw nila.
Inaya ko sila sa garden namin para dun mag inuman. Ayoko mag amoy alak sa loob ng bahay, nababahuan ako.
"You're garden is amazing" namamanghang sabi ni Abel habang naka tingin sa garden na puno ng ilaw na naka sabit sa puno. "May pool din pala kayo"
"Yeah but hindi naman nagagamit, hindi ako marunong eh" sabi ko. Takot nga ako mag swimming dyan dahil baka malunod pa ako wala namang sasagip sakin.
"I can teach you, if you want" alok nya. Oo nga pala magaling sya mag swimming.
"Really? Sige next time" sabi ko. Nagdala ako ng snacks dito dahil hindi naman ako umiinom. Hindi rin masyado uminom si Oliver dahil mag da drive pa sya.
"Guys! Truth or dare" suggest ni Milan at nag agree naman silang lahat. Naalala ko tuloy ung nangyari sa Bataan.
"Pag di ginawa ung dare or hindi nag sabi ng truth ihuhulog natin sa pool" sabi ni Milan at tumawa na parang isang Villain.
"This is gonna be exciting! Better be ready to get wet" sabi ni Ravi.
Unang tumapat ang bottle kay Milan. At pinili nya ay dare.

BINABASA MO ANG
Hey Stephen (On Going)
Teen FictionMary Bless Ashley was so head over heals to Adyson Stephen since the first time she saw him. But Adyson never look at her the way she do. Until one day, Mary Bless Ashley met Abel Stephen. He made Mary Bless Ashley feel loved and appreciated, someth...