Lumipas na ang ilang araw at exam na namin ngayon. Inalis ko muna sa utak ko ung nangyari samin ni Ady. Kailangan ko muna isantabi ung love life ko sa pag aaral ko. Ayokong ito ang maging dahilan ng pagbagsak ko sa grades, mas importante pa rin ang pag-aaral.
Hanggang ngayon umiiwas pa rin ako kay Ady at si Abel naman parang iniiwasan din ako. Ano ba yan! Nag iiwasan ata kaming tatlo.
"Nakasagot kaba ng maayos?" tanong ni Milan habang kumakain kami ng lunch.
"Oo" tipid kong sagot.
"Eh bakit parang nalugi mukha mo?" tanong nya.
I shrugged. "Ewan"
"You know what? I just notice simula nung hindi ka lang nireplyan ni Abel lagi ka ng malungkot. Tapos hindi ko alam kung ano dahilan kung bakit mo iniiwasan si Ady then nung last na punta natin sa coffee shop halos ingudngod mo na mukha mo sa libro"
Sinong hindi malulungkot dun eh ang rude ng nireply ni Milan tapos ewan ko kung assuming ako pero parang iniiwasan nya talaga ako.
Kinwento ko nalang kay Milan kung ano dahilan kung bakit ako umiiwas kay Ady. Kaibigan ko sya at ayoko lang syang mag alala sakin.
"Oh my?! Ikaw ba yan Mary Bless Ashley?!" sigaw ni Milan.
"Huh?" naguguluhan kong tanong.
"Magpapa misa na ba ako?"
"Ano ba pinag sasabi mo?" tanong ko.
"After 4 years ngayon ka lang natauhan! Oh my!" sigaw nya. Natauhan na ba ako nun? Handa na ba akong limutin sya?
"Now I understand kung bakit ayaw mo na kay Ady at nalulungkot ka dahil hindi ka pinapansin ni Abel" tuwang tuwa nyang sabi.
"Ano?"
"Nabasa ko sa isang book, makaka move on ka lang daw sa isang tao kung may nagugustuhan ka ng iba" sabi nya.
"Huh?"
"Basta! I don't remember the exact words pero OMG! It means crush mo si Abel!" she squeled. Ano ba pinag sasabi nya? Hindi ko naman crush si Abel, kaibigan lang tingin ko sakanya.
"Speaking of..." sabi nya habang nakatingin sa likod ko. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Abel na naka upo habang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya siguro.
Hindi ko nalang pinansin at inubos ko nalang ang pagkain ko. Nagulat nalang ako ng sumigaw sya at tumili si Milan habang naka tingin sa phone nya. Nakakahiya! Napatingin samin ung ibang tao sa canteen pati na rin si Abel pero binawi nya ang tingin nya at bumalik sa pakikipag kwentuhan.
"GOTCHA!" sigaw nya na akala mo tumama sa lotto. Nakakahiya talaga sya minsan kasama, nagiging center of attraction kami.
"Wag ka nga maingay!" pagba bawal ko sakanya. "Ano ba yang tinitingnan mo at napapasigaw kapa?" tanong ko.
"I found Abel's twitter, buti nalang hindi naka private" naka ngiti nyang sabi. Ang stalker naman neto. Wala naman akong twitter eh, mas gusto ko pang mag rant kay God by praying sa mga problema ko o mga kwento ko kesa ipost sa social media.
"OH MY GOD! OH MY GOD! OH MY–" tinakpan ko ang bibig nya dahil sobrang lakas na talaga ng sigaw. Tsaka masama ung paggamit ng 'omg or oh my God'.
"Tumigil ka nga!" saway ko sakanya.
"Nag tweet si Abel sabi nya 'You're too good for me who isn't sure about you'. Girl ikaw tinutukoy nya!" she said and squealed.
"Tigilan mo ko, hindi ako yan" sabi ko sakanya. Wala namang proof na ako ung tinutukoy nya eh.
"Ikaw toh sis! Kaya siguro hindi sya nag reply sa sinabi ko cause maybe naisip nya na baka mapaasa ka lang nya sa wala kase he isn't sure nga"
"Eto pa oh, galing talaga sakanya. He tweeted 'Admiring you from afar is like staring at the stars; beautiful to look at, yet too hard to reach.' He really likes you! Siguro hindi nga lang talaga sya sure sa feelings nya for you like he said sa last tweet nya" sabi nya.
May mga ganun palang tao, hindi sure sa feelings nila. Baka takot lang silang sumugal o takot masaktan. But I know in 1 John 4:18 it says 'there is no fear in love, but a perfect love casteth out fear'.
"Girl she's looking at you.." mahinang sabi ni Milan na naka tingin sa likod ko. Naka tingin sakin si Abel? Ibig sabihin nakikita naman pala nya ako pero hindi lang talaga namamansin. Haayan ko na nga, baka ganun talaga.
"Holy Molly! Eto o kaka tweet nya lang ulit! He says 'in the sea of people, my eyes will always search for you'." tumili sya at nagwala na akala mo uod na binuhusan ng sabon "Grabe ikaw toh! Swear! But he's so torpe naman"
Torpe pa ba yun? Eh nung High School wala naman lumalapit sakin na boys tapos nung college si Ady nalang talaga nakikita ko, ng biglang dumating si Abel. He's kind and funny pero...does he really like me?
"Pahiram ng phone mo" sabi ni Milan.
"Ayoko" sabi ko. Last time na kinuha nya phone ko pinakielaman nya chat namin ni Abel.
"Sige na! Please!" pagpupumilit nya at inaagaw pa sakin ung phone ko. "Sige ka kung hindi mo ibibigay tatawagin ko si Abel" nanlaki agad ang mata ko sa sinabi nya, grabe! blackmail toh! Wala na akong nagawa kundi ibigay sakanya.
"Fine! Wag mo sya icha chat ah!" sabi ko at naghalukipkip.
"Oo! Oo!"
"Ano ba kasi gagawin mo?" tanong ko dahil ngiting ngiti sya habang nagpi pindot sa phone ko.
"Basta! Wait– here!" sabi nya sabay abot sakin. "I created you a twitter account para naman malaman mo kung ano nasa isip ni Abel mo" sabi nya. Bakit ko naman aalalamin kung ano nasa isip ni Abel o kung ano mga rant nya?
"Ayoko! Burahin mo" sabi ko.
"Yamuna! Okay lang yan! Ako lang naman fina follow mo tsaka naka private naman account mo. Tsaka para ma stalk mo na si Abel at Ady" paliwanag nya.
"May twitter si Ady?" tanong ko.
"Oo. Apat na taon mo ng gusto ung tao tapos hindi mo pa alam?" tanong nya at umiling ako.
"Ang noob mo naman! Ako nga wala pang isang oras alam ko na mga account nya, pati pamilya nya kilala ko na agad" sabi ni Milan. Grabe naman sya, super stalker talaga.
Hinanap ko account ni Ady sa twitter at nakita kong dito pala sya active. Sa facebook at instagram madalang lang syang mag post eh.
Nag aya na si Milan bumalik ng room kaya naman niligpit ko na kinainan ko at tumayo na. Naalala kong iisa nga lang pala pinto ng cantten at no choice dahil madadaanan namin si Abel.
Pag daan ko palihim akong tumingin sakanya pero parang hangin lang ako na dumaan. Hindi nya ko pinansin at nakikipag tawanan lang sya sa mga kasama nya. Siguro okay lang naman sya, ako lang siguro ung apektado.
Kung gaana sya kabilis dumating ganun
sya kabilis umalis*****
vote and comment ♡
BINABASA MO ANG
Hey Stephen (On Going)
Teen FictionMary Bless Ashley was so head over heals to Adyson Stephen since the first time she saw him. But Adyson never look at her the way she do. Until one day, Mary Bless Ashley met Abel Stephen. He made Mary Bless Ashley feel loved and appreciated, someth...