Hanggang mailibing si Amari ay hindi pumasok si Ravi. Pero kahit natapos na ay ayaw pa rin nyang pumasok.
Araw araw syang pinupuntahan ni Jordi para piliting pumasok pero pinili nyang magkulong sa kwarto.
"Nakaka takot si Ravi, baka kung ano gawin. Baka maisipan nyang sumunod kay Amari" sabi ni Milan.
"Shut up nga! Kung ano ano iniisip mo" naiinis na sagot ni Joaquin. "Hindi naman magandang biro yun"
"Duuh! I'm not joking"
Sa inis ni Joaquin ay nag walkout sya. Sinundan naman sya ni Jordi at Adyson.
"Minsan kasi lagyan mo ng filter ung sinasabi mo..." mahinahon kong sabi.
"What?! I'm just being honest though" nainis din ata sya sa sinabi ko kaya nag walkout din.
Hinayaan ko na lang sya dahil magpa palipas lang yan ng inis. Bagay talaga sila ni Joaquin.
Aalis na sana ako ng may nag text sa akin.
Abel Stephen Maniego: Vacant mo right?
Mary Bless Ashley Abellaña: Yep, why?
Abel Stephen Maniego: Where are you?
Mary Bless Ashley Abellaña: Coffee shop
Abel Stephen Maniego: Okay I'll meet you there
Hinintay ko na lang dumating si Abel at hindi na umalis. Sobrang busy nya this past few weeks. Minsan nya na lang din ako ihatid pauwi.
Nang dumating sya, hindi na sya naupo at inaya na agad ako sa kotse nya. "Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Let's hangout"
"Ha?"
"I've been busy for the past weeks. Gusto ko lang bumawi sayo" he said and smiled. Napa ngiti rin ako dahil namiss ko toh, ung bonding namin. "Saan tayo?"
"Gusto ko sana sa Antipolo kaso–"
"Okay"
"Ha? Eh kaso malayo baka malate ka pa sa next class mo" sabi ko.
"Training lang yun. I'm not bragging pero I'm really good at swimming and kabisado ko na ung sayaw" he said and sinet na nya ung GPS sa phone nya.
Buong byahe ata syang naka ngiti. Parang ewan. "Bakit kaba naka ngiti?" tanong ko.
"I'm excited cause first time kong makaka punta dun" Siguro konti pa lang napupuntahan nya sa pilipinas dahil puro out of country sila. "Why are you alone kanina sa coffee shop? Where's Milan?"
"Nagkaron lang kami ng konting misunderstanding pero mamaya lang bati na kami"
"Just like my sister"
"Akala ko ba may kapatid ka pang lalake?" Naalala ko nun na may sinabi pa syang kapatid nya. Cain daw name, parang sa bible lang.
"Yeah. Actually his my twin"
"Wow! Talaga?!"
"Yep. Before I forget, Mom's inviting you to dinner tomorrow evening" sabi nya.
Literal na nanlaki mata ko at napa awang ang bibig ko. Naramdaman ko din ang pag kabog ng aking dibdib sa kaba. "She's dying to meet you"
"Bakit?" tangi ko lang na sabi.
"Lagi nya akong kinukulit about you. Tomorrow morning uwi ni Cain kaya may family dinner sa house"
BINABASA MO ANG
Hey Stephen (On Going)
Teen FictionMary Bless Ashley was so head over heals to Adyson Stephen since the first time she saw him. But Adyson never look at her the way she do. Until one day, Mary Bless Ashley met Abel Stephen. He made Mary Bless Ashley feel loved and appreciated, someth...