C H A P T E R 6

96 16 20
                                    

Sabado ngayon at andito si Milan sa bahay namin dahil magka partner kami sa isang project. Tapos ko ng gawin ung part ko kaya naman naisipan ko nalang na manuod ng favorite kong cartoon sa youtube nang biglang may nag notif.

Abel Stephen Maniego sent you a friend request

Abelmaniego_ started following you

Inaccept ko naman agad ung friend request  nya at nakita kong ang daming followers lalo na sa Instagram nya, mahigit 100k followers nya tapos wala pang 50 fina follow nya. Ganun ba sya kasikat?

Abel Stephen Maniego: Hi Mary = )

Mary Bless Ashley Abellaña: Hello

Abel Stephen Maniego: Grabe! Hindi mo talaga ako ifo follow back?

Mary Bless Ashley Abellaña: Ang dami mo na kayang followers, di mo na ako kailangan

Abel Stephen Maniego: I need you Mary :(

Magre reply sana ako ng biglang agawin ni Milan sakin ung phone ko, nakita kong may tinype sya at ibinalik din nya sakin pagkatapos.

Mary Bless Ashley Abellaña: Hoy! Wag kang paasa!

Nanlaki mata ko sa minessage nya. Balak ko sana burahin kaso na seen na nya.

Mary Bless Ashley Abellaña: Sorry, ung bestfriend ko nag reply nun. Inagaw lang sakin, swear!

Ilang minuto ako nag hintay pero hindi sya nag reply, kahit seen wala. Hala! Baka akala nya ako yun. Tingnan ko ng masama si Milan.

"What?" tanong nya.

"Nakakainis ka, ayan tuloy hindi na nag reply" sagot ko.

"Baka tinamaan" mahinang sabi ni Milan pero rinig ko pa din. Nakakainis, ang bait pa naman nya sakin tapos ganun pa ung nireply.

Simula nun hindi na nya ako pinansin tuwing magkaka salubong kami o magkikita, hindi ko alam kung sinasadya nya akong iwasan o baka hindi lang talaga nya ako napapansin. 

Hindi ko rin masyado nakikita si Ady dahil naka tambay ako lagi sa library pag free time o lunch dahil malapit na ang exam. Last year na namin sa college kaya kailangan kong galingan. Gusto kong gumraduate with flying colors.

Madalas din akong late galing school library o sa isang coffee shop dahil dun kami nag aaral ni Milan.

"Sis araw araw akong kinukulit ni Ady tungkol sayo. Hindi ko na nga alam sasabihin ko eh. Ano ba talaga nangyari ha?" tanong ni Milan. Binilin ko kay Milan na wag sasabihin kay Ady kung asan o saan ako nag pupunta dahil alam kong magso sorry lang sya ulit.

"Wala, wag mo nalang pansinin" sabi ko.

"Eh si Abel? Pinansin kana? Nag reply na ba sya?" tanong ni Milan at umiling lang ako. Araw araw ko tinitingnan kung nag reply sya o na seen nya pero hindi. Imposible naman nyang hindi makita yun dahil nakikita ko syang online, minsan nga nagpo post pa sya eh.

Hay. Dagdag stress lang silang dalawa ni Ady sakin. Mabuti pang wag ko nalang silang intindihin. Hindi worth it ng time.

Past 7 na ng gabi kaya naman nauna ng umuwi si Milan. Habang hinihintay ko si Manong dumating para sunduin ako, nagbasa basa muna ako para pagdating sa bahay matutulog nalang. Sa kalagitnaan ng pagbabasa narinig kong nag notif phone ko.

Mama: Nak, nasiraan si Manong hindi ka masusundo. Pinakiusapan ko nalang si Ady na sunduin ka dyan.

Wrong timing naman ung pag sira ng sasakyan. Wala na tuloy akong takas ngayon, magkikita na naman kami ni Ady. Next time nga pag aaralan ko na matuto mag drive.

Ilang minuto lang dumating na si Ady at pumasok pa sya sa coffee shop para tulungan ako dalhin ung mga libro ko pero agad ko itong binawi sakanya.

"Akin na yan. Kaya ko, kakayanin ko" sabi ko habang kinukuha sakanya ung mga libro. Hindi na sya nakipag talo pa kaya binigay na nya sakin.

Pagpunta ko sa kotse nya hindi ko alam kung san ako uupo. Sa harap? Sa likod?

"What's wrong?" tanong nya.

"Saan ako uupo?" tanong ko. At nakita ko sa mukha nya na naguguluhan. "Sa likod nalang, baka dumating si Angel. Baka magka emergency ulit" sabi ko sabay pasok sa likod ng kotse.

Ayoko syang kausapin kaya naman nag lagay ako ng earphones sa tenga ko at nilakasan ko ng todo ung sound.

Habang nasa byahe tingin sya ng tingin sa salamin nya para makita ako? Ano ba problema nya? Baka maaksidente pa kami sa ginagawa nya. Pagka dating sa bahay namin, binubuksan ko ung pinto ng kotse pero ayaw bumukas kahit hindi naka lock. Anong klase kotse ba toh?

"Nilock mo ba? Buksan mo nga!" sabi ko.

"No" tipid nyang sagot.

"Isa! Buksan mo sabi eh!" inis kong sagot.

"Not until you talk to me" seryoso nyang sabi.

"Nag uusap na tayo" sarcastic kong sagot.

"Are you ignoring me?" tanong nya.

"Diba yun ung matagal mo ng gusto? Ang iwasan kita? Alam mo kung kaya ko lang pigilan tong nararamdaman ko sayo matagal ko ng ginawa eh. Pero hindi ko kaya! Hindi ko alam kung paano Ady..." sabi ko at hindi ko na napigilan mapa luha.

"Ashley I'm really really sorry about what happened last time. I was carried away by my emotions" sabi nya.

"Tama na Ady. Tama na kaka sorry! Puro sorry! Sorry! Sorry! Wala ng katapusan!" sigaw ko habang umiiyak. "Isang sorry mo lang kase..wala! Umiikot na naman mundo ko sayo! Tanga na naman ako!"

"Lahat sila sinasabi sakin na ang tanga ko! Nagpapa ka tanga ako sa tanong hindi naman makita halaga ko! Pero ganun talaga diba? Lahat ng nagmamahal nagpapaka tanga?!" 

Ako lang naman kasi talaga ung nag pupumilit na isiksik sarili ko sakanya. Tinataboy nya ako lagi dahil ayaw nyang makitang sya ung dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"Pagkatapos mo mag sorry? Ano? Okay na ulit! Aasa na naman ako, manlilimos na naman ako ng atensyon mo..." sabi ko.

Tama na...nakakasawa ng umasa sa wala.

"I'm sorry I can't love you back in the same way you do" mahina nyang sabi.

and in the moment I hear my heart been torn apart...again

*****
vote and comment ♡

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon