Nakakatamad pumasok ngayon dahil foundation day lang naman pero nirequired kaming umattend dahil dagdag grades daw sa P.E. yun.
Habang nasa sasakyan ako tinext ko si Milan kung asan sy ata sinabing nasa canteen sya kasama ung boys. Sigurado akong andun si Angel dahil always present sya tuwing foundation day kahit hindi naman sya nag aaral sa school namin.
Pagpasok ko ng canteen agad ko silang nakita at nagtaka naman ako dahil sobrang formal ng suot ni Milan. "Bakit ganyan suot mo? tanong ko.
"I dress up cause I heard pupunta dito ung Zobel Brothers" sabi nya. Saan naman nya narinig yun? Pag crush talaga nya alam na alam lahat ng kilos eh.
"Who's that?" tanong ni Joaq. Hala! Selos ata si Joaq, bagal kasi ayaw pa pormahan si Milan.
"Future boyfriend ko. Char! Cousin ni Abel" sagot nya. Advance masyado.
"Ehem! Amoy may nagse selos" parinig ni Ravi at binatukan naman sya si Joaquin pero mahina lang. Napa tingin ako kay Ady at Angel, naalala ko nung sinigawan nya ako. Bigla naman ako nagutom kaya bumili ako ng carbonara, strawberry cupcake, ice cream at chocolate drink.
"Ilang araw kaba hindi naka kain? Hindi ka naman siguro ginugutom ni Abel tuwing mag la lunch kayo noh?" tanong ni Milan.
"Kaya pala lagi kang wala tuwing lunch, you always have a date pala. Sana all" sabi ni Joaq.
"Eh kung hindi ka sana torpe, edi sana may jowa kana" sagot naman ni Ravi kay Joaquin kaya nabatukan ulit sya at nagbatukan na sila.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa, sobrang childish. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa kinakain ko. Maaga palang pero ang dami na agad tao sa labas ng canteen dahil busy sila sa pag tatayo ng kani kanilang booth.
Sure akong magpapakasal ulit si Ady at Angel sa wedding booth. Nung naunang dalawang taon umiiyak pa ako pero last year ewan ko kung bakit hindi na, siguro nasanay na ako. Taon taon na nila ginagawa yun, try naman nila mag pa divorse o magpa annul minsan.
Nakaisip ako ng prank para kay Milan kaya naman agad kong sinenyasan si Ravi at Joaq na may ibubuling ako sakanila at lumapit naman sila. Pagkatapos kong sabihin plano ko nag apir naman kaming tatlo.
"Oy ano yan?!" tanong ni Milan.
"Nothing" sabi ni Joaq at Ravi na may kasama pang pag iling.
"Tell me! Ang duga ah!" pag pipilit ni Milan.
"Kulit. Wala nga" sabi ni Ravi.
"Come on! Spill it– OMG!!" nagulat lahat kami ng tumili si Milan. Napatingim kami sa tinitingnan ni Milan at nakita pala nya ung Zobel Brothers.
Kinalabit naman ako ni Joaquin at bumulong. "Is that the Zobel Brothers?" sabi nya at tumango naman ako.
"Bro wala ka pa lang panama, ang ga- gwapo oh" pang aasar ni Ravi. Nagulat naman kaming lahat ng biglang hinampas ng malakas ni Joaq ung table at nag walk out.
"Hala! What did you do?" tanong ni Milan.
"Where is he going?" tanong ni Ady
"Nothing. He's going to Dr. Vicky Belo, bibili yan ng skincare at kojic" biro ni Ravi ng biglang tumunog phone ko. Pagka check ko, nag text pala si Abel.
Abel Stephen Maniego: Hey Mary! Did you go to school today?
Mary Bless Ashley Abellaña: Yup? You?
Abel Stephen Maniego: Yep, where are you?
Mary Bless Ashley Abellaña: Canteen
Pagkatapos nuon ay hindi na sya nag reply. Teka, asan na kaya si Joaq baka hindi pa matuloy plano namin eh.
"Is that Abel?" tanong ni Milan at tumango lang ako. Lumapit sya sakin ng sobrang lapit. "Sis help me na makasal sa isang Zobel Brothers please! Sabihin mo kay Abel" sabi nya.
"Hala! Nakakahiya tsaka ayoko. Mamaya may girlfriend sila tapos mapa away pa tayo" sabi ko. Ang dali naman nya mahulog dun, sana kilalanin muna nya.
Umalis si Angel at Ady, hindi ko alam kung saan pupunta yun pati si Ravi umalis para hanapin si Joaq.
"Asan si Jordi?" tanong ko kay Milan. Ngayon ko lang napansin na wala pala sya.
"Gumagawa ng booth" sagot nya. Naalala kong part pala ng SSG ng school si Jordi.
"Sis sige na please! Tell it to Abel na" pag pipilit nya.
"As if pumayag ung mga Zobel na yun cause they don't even know you" sagot ko. Mukha pang mga masusungit yun. "Don't rush, kilalanin mo muna sila. And ikaw na nga nag sabi diba na wag maghabol sa lalaki. You're beautiful, mapapansin ka nila" sabi ko sakanya.
Dati araw araw nya sinasabi sakin na wag ko habulin si Ady dahil mukha daw akong desperada. Dapat ang mga lalake daw maghahabol sa mga babae.
"If you don't do anything walang mangyayari. And yes I know I'm beautiful. No offense ah pero ikaw din naman you're more beautiful kay Angel but hindi ka pa rin nagustuhan ni Ady" paliwanag nya.
Milan is right. Hindi porket maganda ka makukuha mo lahat. Don't change your self for somebody else. Someone will come into life and will appreciate your own beauty.
"Kaya ikaw! If si Abel lang kilos ng kilos and you don't do anything, baka may maka una na naman sayo" dagdag pa nya.
Kailangan ko na nga ba talagang kumilos? Kaso inuunahan ako ng hiya....pero pag kay Ady pati pride ko at dignidag ko ata nilulunok ko. Pero ayoko na din ng isa pang Angel sa buhay ko. I don't want to experience another heart break.
"Nag text si Ravi, nasa wedding booth daw sila" sabi ni Milan habang naka titig sa mata ko. Alam ko na ibig sabihin nun, papa kasal ulit si Angel at Ady. Gagawin pa kaming witness sa fake na kasal nila.
"Promise mo di ka iiyak ah! Pag umiyak ka you'll tell Abel na ikasal ako sa isang Zobel" sabi pa nya.
"Hindi na ko iiyak noh!" defend ko. Ayoko na umiyak, nakakapagod na kaya.
Nang pumunta kaming wedding booth naka belo si Angel tas may hawak pa na fake na bulaklak.
Habang busy sila sa pag papakasal lumapit ako kay Joaq at Ravi para sabihin na ngayon na ituloy ung plano. Sinabi ko na din kay Jordi ung gagawin nya.
Pagka hagis ni Angel ng bulaklak na punta ito kay Milan. Agad kong tingnan ung tatlong boys at sinenyasan na simulan na.
Lumapit ako sa fake na pari para sabihing ikakasal ung isa kong kaibigan at sinuot ko agad ng belo si Milan.****
vote and comment ♡
![](https://img.wattpad.com/cover/231943301-288-k145386.jpg)
BINABASA MO ANG
Hey Stephen (On Going)
Teen FictionMary Bless Ashley was so head over heals to Adyson Stephen since the first time she saw him. But Adyson never look at her the way she do. Until one day, Mary Bless Ashley met Abel Stephen. He made Mary Bless Ashley feel loved and appreciated, someth...