C H A P T E R 22

48 4 0
                                    

"Why are crying?" tanong sakin ni Ady habang hawak ang magka bilang balikat ko.

"Wala" sagot ko at pinunasan ang mga luha kong sunod sunod ng patak.

"Come on tell me"

"Wala nga.."

"If you don't want to tell me then let me drive you home"

Habang pauwi kami ni Ady tahimik lang kami. Labas sya sa problema ko kay Abel at ayoko naman idamay sya.

"If you need someone to talk too, just call alright?" sabi ni Ady bago ako bumaba. I just nod and pumasok na ako sa bahay.

I called Milan para sabihin ang nangyari at iupdate sya sa mga na-miss nyang mga quiz.

"Alam mo kahit mukha talagang punyeta, pagseselosan mo!" sabi nya mula sa video call.

"Ang ganda kaya nung babae"

"Girl where?"

"Ang sama mo"

"I'm just being honest here. But mas masama ka"

"Bakit naman ako?"

"You chose to runaway from Abel eh hindi mo pa naman nalalaman ung side nya. You just jump into conclusion. You need to trust Abel. Malay mo friends lang sila and you know ang daming nasisirang relationship dahil sa selos " paliwanag nya.

Hindi naman porket nag seselos ako ay wala na akong tiwala sa kanya. Sadyang takot lang akong makita syang masaya sa iba at takot akong mapunta sya sa iba.

Narinig kong tinatawag ako ni Mama kaya ibinaba ko muna ang video call. Tama si Milan, mali ako at dapat kong pagka tiwalaan si Abel.

Masyadong pre occupy ang utak ko dahil kay Abel kaya nahulog pa ako sa hagdan. Pagka bagsak ko agad kong naramdaman ung paa kong namimilipit sa sakit.

"Mary! Goodness! Are you okay?" sabi ni Abel. Hala bakit sya andito?

"Jusko Ashley! Saan kaba naka tingin at nahulog kapa?" tanong ni Mama. Hindi ko alam kung nag alala ba sya o naiinis sa katangan ko.

Binuhat naman ako ni Abel papuntang couch at inupo dun. Napansin ko ung tshirt nyang suot nung pinuntahan ko sya sa dance room ay suot pa rin nya. Dumiretso talaga sya sa bahay namin?

Binigyan ni Mama si Abel ng yelo para ilagay sa paa kong may pasa. Tinry kong maglakad pero masyadong masakit kaya naman pinilit nila akong pumunta ng emergency para gamutin.

Pina upo muna ako sa isang bed para hintayin ung nurse na manggagamot. Habang nag hihintay kami hindi ko maiwasan titigan si Abel.

Nakaramdam agad ako ng hiya dahil sa ginawa ko kanina. Ako naman talaga may kasalanan dahil hindi ko sinabi sa kanya ung nararamdaman ko pero sya pa itong pumunta sa bahay namin para makausap ako at may dala pa syang bulaklak. Malapit ko na talaga itanong sa kanya kung may business silang flower shop.

"Why are you crying? Does it hurt?" nag alala nyang tanong habang hinahawakan ung paa ko.

"Hindi"

"Then why are you crying?"

"Sorry sa inakto ko kanina. I thought you're mad dahil hindi kita nasagot. Then hindi mo na ako tine text and you're always busy. Tapos lagi mong kasama ung babaeng morena. I thought...I thought ayaw mo na sakin" pagka sabi ko nun agad syang lumapit sakin. Pinunasan nya ung luha ko at niyakap ako.

Narinig kong tumatawa sya habang yakap yakap ako. "Ano nakakatawa?" tanong ko.

"You're jealous"

"H-hindi noh.."

"Don't deny it. It's okay" sabi nya at kumawala na sa yakap. "Sasha is just a friend of mine. I'm super busy lang talaga this past few days but I promise after the competition I'll make it up to you" naka ngiti nyang sabi.

Friend of mine

Nakaka takot dahil sa pagka kaibigan lang din naman kami nag simula ni Abel. I'm a girl, alam ko ung mga titig ng babae pag may gusto sila sa isang lalake.

"Eh bakit ka pumunta sa bahay?" tanong ko.

"I want to check if you're okay cause you cried kanina. And..."

"And what?"

"And I want to ask you personally if I can court you"

"Okay"

"Okay?"

"Oo..okay"

"You mean yes?"

"Oo nga" agad nya akong niyakap pagka sabi nya nun.

"I promise I'll do my best to court you" sabi nya.

"Is it your first time ba?" tanong ko at nahihiya naman syang napa tango. So it means ako ung una nyang niligawan.

Nakaka kilig.

Pagkatapos akong gamutin ng doctor ay umuwi na din kami kaagad. May cast ung paa ko kaya may saklay akong dala habang naglalakad. Pano na kaya toh bukas?

"I'll drive you home tomorrow okay?" sabi ni Abel na papaalis na.

"Eh diba busy ka"

"Yeah but I always have time for you"

Okay lang naman palang buksan ang puso ulit pagkatapos mong masaktan. Ganito pala ung feeling na crush ka din ng crush mo. Ang saya mo lagi at parang lagi kang lumulutang.

Ung gigising ka sa umaga na may mga ngiti sa labi. Excited kang pumasok dahil  makikita mo ulit sya. Para kaming mga high school student na may puppy love.

The moment mo pala binitawan ung nakaka sakit sayo, duon makikitang ang ganda pala ng naka laan para sayo.

Inaalis ni Lord ung mga tao dahil alam nyang hindi sila para satin.

At may mga taong hindi mo pwedeng makuha dahil nakalaan sila para sa iba.

Siguro kay Abel ako nakalaan at hindi kay Adyson.

Sana.

---

Gumayak ako ng maaga dahil ang bagal ng kilos ko dahil sa sprain sa paa ako. May saklay naman kaso nahihirap akong gamitin.

Habang hinihintay ko sa labas ng gate namin si Abel nakita kong papasok naman si Ady sa kotse nya. Hindi ata ako napansin dahil mukhang may katawagan. Nang maka alis si Ady ay sya namang pag dating ni Abel. Binuhat pa ako para maka pasok sa sasakyan.

Pag pasok ko naka amoy ako ng ulam. Amoy carbonara. Nakaka gutom naman.

"Bakit amoy carbonara kotse mo?" tanong ko.

"I pack you a lunch. Para hindi kana mamaya bumaba sa canteen" turo nya sa likod ng kotse na may dalawang paper bag.

"Hala. Thank you"

"Welcome. Later, since I still have a training and practice. I'll drive you home agad pagka uwian mo then I'll be back here in school"

"Wag na. Papasundo nalang ako kay Manong" medyo malayo pa naman ung bahay namin sa school, baka malate pa sya.

"I insist. Mahihirapan kang bumaba at pumunta ng parking lot"

May point sya. Nasa 5th floor pa naman ung room ko pero may evelator naman. Ang kaso nga lang nahihirapan talaga ako mag lakad. May mata naman kasi ako pero minsan talaga tatanga tanga ako.

Pagka baba namin ay naka abang si Milan sa parking lot. Sinabi ko kagabi sa kanya ang nangyari. Binuhat ako ng pa bridal ni Abel at si Milan naman may hawak ng saklay. Nakakahiya, ang daming naka tingin samin...ay kay Abel lang ata.

"Text or call me if you need anything okay?" sabi ni Abel. Tumango naman ako at umalis na din sya.

****
vote and comment
Don't forget to pray ♡

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon