C H A P T E R 4

88 20 15
                                    

Maaga akong pumasok ngayon dahil sigurado mag so sorry na naman sakin si Ady. Buti nalang andito na ung driver namin.

Buong byahe iniisip ko kung pano haharapin si Ady. Nasasaktan kase ako tuwing naaala ko ung kahapon. Tsaka lagi naman ganito, mag so sorry sya tapos okay na tapos ganun  ulit.

Habang kumakain ako dito sa canteen, si Milan naman busy kaka phone. Nagulat ako sakanya ng bigla syang tumili.

"OH MY~" tili nya.

"Tumigil ka nga, nakaka agaw ka ng atensyon" pagpipigil ko sakanya. "What happened ba?" tanong ko dahil mukhang hihimatayin na sya sa kilig.

"Trending ka sis" sabi nya sabay pakita ng twitter. Wala akong twitter kaya hindi ko maintindihan ang lagay dun.

"What happened ba? Tell me nga kung ano nangyari kagabi" sabi nya at hindi naman ako nag dalawang isip na ikwento sakanya.

"So it's true?! Hinatid ka ni Abel Maniego sa bahay mo?!" sigaw nya.

"Oo. Kilala mo?"

"OO! The one and only Abel Maniego! Don't tell me hindi mo sya kilala"

"Hindi eh sino ba yun?" Tanong ko. Bago pa masagot ni Milan eh dumating na sila Jordi kasama si Ady.

Nataranta ako ng makita ko si Ady at tumayo ako para umalis pero hinila ako pabalik ni Milan at pilit na pinaupo.

"What's poppin! What's gucci!" sabi ni Ravi.

"Ashley...I'm sorry about what happened last night. Angel got asthma so I take her to the hospital" sabi nya.

Ayan isang sorry lang tanga na naman ako, isang sorry lang umiikot na ulit mundo ko sakanya.

"Naah. Don't be. It's okay lang, kundi dahil sayo hindi makikilala ni bestfriend Ashley si Abel" sabi ni Milan habang tinatapik tapik ako sa balikat.

"Abel Stephen Maniego?" tanong ni Joaq.

"Yep. The one and only" sabi ni Milan. Kilala nilang lahat? Bakit hindi ko kilala? Sino ba talaga yun?

"Teka, sino ba yun?" naguguluhan kong tanong.

"Abel Stephen Maniego. 4th year college student running for Magna Cum Laude. He's a part of the swimming team, once na sya naka sali ng International Competition and member ng Dance Troupe ng school. He is also a Model of a well known clothing brand" paliwanag ni Jordi.

Wow, ang talino at ang talented pa nya. Kaya pala madami syang viewers dahil famous pala sya. Pero ni minsan hindi ki sya nakita sa buong University o nakita sa social media.

O baka dahil si Ady lang nakikita ko?

"And future boyfriend ni Ashley" sabi ni Milan sabay taas ng kilay. Hinatid lang boyfriend na agad? Di ba pwedeng nag magandang loob lang yung tao?

"You didn't even know him yet you ride to his car?" sabi ni Ady.

"Oo kesa naman mabulok ako dun kakahintay sayo" sagot ko.

"Speaking of...." sabi ni Ravi.

"Mary!" pag lingon ko kung sino tumawag, si Abel pala.

"I finally found you. I just here to give this back to you. You forget it inside my car" sabi nya sabay abot sakin ng libro ko. Kaya pala hindi ko mahanap kanina eh.

"Ahh ganun ba? Thank you" sabi ko.

"Yeah. I better get going, see you around" paalam nya. Pagka alis ni Abel tumili na naman si Milan.

"Oh my! Oh my! Kinikilig ako!" tili ni Milan.

"Mary pala ah" sabi ni Ady at biglang umalis.

"Problema ng kaibigan nyo?" tanong ni Milan. "Anyways, Abel Maniego just fcking notice you"

"Huh? Eh ano naman?" sabi ko.

"Grabe, he's super snob kaya, like super"

"Hindi ah, ang approachable kaya" defend ko. He offer his phone and handkerchief sakin tapos hinatid pa ako pauwi.

"Sayo lang" sagot ni Milan.

"That's true" sabi ni Joaq.

"How'd you know?" tanong ko.

"We're friends back in Senior High, but not that really close. He's really not into girls" paliwanag ni Ravi.

Baka bakla sya? Ewan. "If kakilala nyo naman pala, bat ganun maka react si Ady?" tanong ko.

"Well kaming tatlo lang friends nya. Ady and Angel have their own world nung Senior High" sabi ni Joaq.

"Di lang matanggap ng pride nya na ung dating babae na binalewa nya, may naka kita na ng halaga nya ngayon" sabi ni Milan.

Pinagsasabi ni Milan? Ni hindi nga kami friends eh, tsaka ayoko. Si Ady pa rin gusto ko.

Maagang nag palabas dahil may meeting daw mga teacher. Kaya naisipan kong mag aral nalang sa library, pinaghahandaan ko na ung NMAT. Agad ding umuwi si Milan dahil may lakad daw sila ng Mommy nya.

Tina try kong kunin ung isang libro na nasa taas na parte ng shelf pero hindi ko maabot dahil ang liit ko. Nabigla nalang ako ng may kamay na kumuha nito at inabot sakin.

"Thank you" sabi ko kay Abel.

"Welcome" naka ngiti nyang sabi. Ngayon ko lang napansin na ang tangkad nya.

"Bat ka andito?"

"I just pick up some things" sabi nya. Tumango lang ako at umupo na para magsimulang magbasa.

"Mag do doctor ka?" tanong ni Abel. Andito pa pala toh, akala ko umalis na sya. Tumango lang ako bilang respond.

"Well goodluck sa Med School"

"Advance, sa NMAT mo muna ako i-goodluck" sabi sakanya.

"You'll pass Mary" sabi nya.

"Ashley nalang"

"Why? Mary sounds great and it's a bible name just like mine"

"Don't tell me may kapatid kang lalake na Cain name" pagbibiro ko.

"Yep" sabi nya. Hala, seryoso? Lakas ng trip ng mga magulang nya. "Well I got to go. May susundo naman sayo mamaya diba?" tanong nya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o ano pero tumango nalang ako at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

Lumabas na ako ng school at hinihintay nalang ung driver namin na sunduin ako. Nang biglang lumapit sakin si Ady.

"Ashley" tawag sakin ni Ady.

"Bakit?"

"Come on, I'll drive you home" sabi nya.

"Wag na, nadala na ako" sagot ko. Gustuhin ko man sumabay pero ayoko, hindi pwede. Apat na taon na, di pa rin ako maka usad sakanya.

"Look, if this about what happened last night. I'm sorry okay–"

"Okay lang, hindi mo naman ako priority. Alam ko naman kung saan ako lulugar" sabi ko.

at hindi yun sa tabi mo.


*****
vote and comment ♡

Hey Stephen (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon