Gabriella POV
It's been a week, and I can say. Hindi pa din humuhupa ang tsismis tungkol sa kapatid ko.Kaya wala akong nagawa kundi umaksyon na kaagad dahil dalawang buwan na ang nakalipas para sa limang buwan kong buhay. Tss, dapat hindi ako mag aksaya ng panahon, araw at oras. I need to act as soon as possible.
"Ready?"
Tumango ako sa anas ni schalzi kaya pareho kaming tumalon mula sa 5th floor, 2nd building ng girls dormitory. Mayroong lubid na nakatali sa bawat bewang naming dalawa kaya nagtatalon talon lang kami sa dingding.
Sinenyasan kong mauna na si schalzi kaya tumango ito at nag okay sign.
Nakita ko syang tumalon sa terrace ng 3rd floor kong saan ang dorm ni patricia. Hawak ng isa kong kamay ang lubid sa bewang ko habang napa tingin naman ako sa orasan ko sa aking pulso.
11:46 pm.
Alam kong tulog na ang patricia na iyon.
Mabilis akong bumwelo at tumalon sa bintana ng dorm nila habang tanaw ko naman si schalzi na nakatayo sa terrace. Tumango ako sakanya. Sya ang magiging mata ko, kapag may napapansin syang kahina hinala ay sasabihan nya ako. Ako na bahala sa mga gagawin ang kailangan nya lamang gawin ay mamatyag sa paligid.
Mas lumapit ako sa bintana na alam kong ikakasya ko lang sa laki. Glass window ito at pabilog kaya mabilis akong naghanap ng paraan para makapasok. Napa ngisi ako ng umawang ang glass kaya dahan dahan ko itong binuksan at pumasok.
Inayos ko ang naka takip sa mukha at nilibot ang tingin sa loob.
Huminga ako ng pagkalalim at kinuha sa bulsa ko ang maliliit na mga device na ginawa ko. Kasing liit lang sila ng mga insekto at ang tamang term ay kasing liit ng isang lady bug ang device na ito na kayang makakita at makarinig sa maaari mang mangyari dito sa loob.
Mataman kong tinanaw ang tulog na tulog na si patricia ganun din ang ka dorm mate nito. Patay na ang mga ilaw ngunit kasing linaw ng araw ang mga nakikita ko sa loob.
Uminom kasi ako ng isang pill na gawa at binigyan ko din ng ganito si schalzi.
Kinabit ko sa bawat sulok ang mga device at ng masiguro kong nakabit na ang lahat ay napa ngisi ako at nag iwan ng isang red note sa gilid ng kama ni patricia na tulog mantika pa din hanggang ngayon.
Tinitigan ko ang mukha nya. Tsk, mukha syang anghel kapag tulog ngunit isang demonyo naman kapag gising.
What a demon. I hissed.
But don't worry, I can kill a demon... kahit marami pa kayong demonyong pagtutulungan ako. I will make you all suffer before I kill all of you.
I guess y'all just invited a devil.
Gusto ko munang makita sa mukha ninyo na hirap na hirap na kayo bago ko kayo patayin. So merciless? I don't care, 'coz this devil inside me has been awoken. The devil that is ready to kill the demons.
I smirked.
Nag vibrate ang bracelet na sinuot kong naka konekta kay schalzi, ito ang paalala na dapat na akong umalis kaya mabilis akong tumungo sa bintana at mabilis na lumabas.
Isinarado ko ang glass at inilapit sa bibig ang bracelet na nag vibrate kahit ang tingin ay nasa gawi ni schalzi.
"Move."
I slowly uttered.
Nakita ko syang tumango kaya mabilis na syang nawala sa kinaroroonan at lumaho sa dilim.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.