Chapter One

4.4K 91 2
                                    

"ANO SUKO ka na?" Tanong niya sa kaibigang si Saida. Nagkalat sa harap nito ang iba't-ibang magazine ng tungkol sa kasal. Sa dami ng pinagpipilian nito mula sa gown hanggang sa flower arrangement, siya na ang nalilito. Ilang buwan na lang kasi ay ikakasal na ito kay Nathan, na nakilala nito sa pamamagitan ng kanilang kaibigang si Ocean. Sa pagkakaalam niya ay ayos na naman ang gowns at tanging bulaklak na lang ang kailangan nitong problemahin. Pero dahil OC ito, pinahihirapan na naman nito ang sarili.

Nakuha niya ang atensiyon nito. Sumimangot ito sa kaniya.

"Huwag kang ng magsalita pa, alam ko na ang ihihirit mo diyan." Itinaas pa nito ang kamay sa harap niya.

"O, sige nga, Madam Auring, ano?"

Mas lalong nalukot ang mukha nito sa pagkakasimangot. "Itatanong mo na naman sa akin kung gusto ko pang ituloy ang kasal na ito. Hah! Sorry to disappoint you, my friend, tuloy pa din ang kasal. By hook or by crook magiging bride ako."

Wala siyang tutol sa pagpapakasal nito. Naging biro na lang nila iyon ni Ocean dito kapag nakikitang nafru-frustrate na ito sa kaka-achieve ng dream wedding nito. Kung bakit ba naman naisipan nitong sa tabi ng dagat magpakasal. Ibinalik niya dito ang pagngisi.

"Hindi kaya 'yan ang sasabihin ko. Masyado mong pinangungunahan ang isip ko."

"'Ay, naku, Fawn, kilala na kita mula ulo hanggang ingrown. Kahit hindi ka magsalita alam ko na 'yang tumatakbo sa luka-luka mong utak."

Mas lalong lumuwang ang pagkakangisi niya. "Salamat sa pagpuri, Saids. You're such a friend. Kaya nga magkasundong-magkasundo tayong tatlo nina Ocean, birds of the same feathers are the same birds." Pa-k'welang sagot niya dito.

Natatawang umiling na lang ito. Umupo siya sa tapat nito. Wala namang masyadong tao ang Tea Fairy dahil Sabado kaya okay lang na petiks sila. Ang Tea Fairy ay ang tea shop na pag-aari nilang tatlo nina Ocean. Iyon ang kanilang baby, na sa palagay niya ay naging simbolo na din ng kanilang pagkakaibigan. Tea Fairy became their haven. Pare-parehong hands-on sila sa pagpapatakbo noon. At dito din niya nagagamit ang pagkahilig sa pagluluto ng kung ano-ano. Game kasi ang dalawang kaibigan na subukan ang kaniyang mga luto, na nagugustuhan din naman ng mga customer nila.

Kinuha niya ang isang magazine at sinumulang bulaktin iyon. Iba't-ibang design ng wedding gowns ang naroroon. Oo nga pala, hindi pa niya nakikita ang wedding gown nito.

"Alin ang napili mo dito?"

"Nagpa-design na lang ako. Wala akong feel diyan, eh. Saka walang bagay sa sapatos na isusuot ko."

Hindi niya napigilan ang pagngiti. Isang shoe-designer si Saida at mukhang mas malaki pa ang concern nito sa isusuot na sapatos kesa sa wedding gown. Mas inuna kasi nitong gawin ang dream wedding shoes kesa sa mismong bridal gown. Pero sabagay nga, maganda ang mga designs nito. Inuuna kasi nito ang pagiging comportable ng paa.

"Sagabay, mas maganda 'yung original. Magmumukha kang timang kapag ito ganito ang suot mo sa beach." Itinuro niya ang isang gown na makapal pa yata ang tela kesa sa mismong nagsusuot. "Uy, Fawn, next week na ang gown fitting natin ha. Huwag mong kalilimutan."

"Bakit i-fi-fit mo na agad ang gown mo, eh, halos dalawang buwan pa naman bago ka ikasal? Paano kapag tumaba ka? O kaya biglang tumaba 'yan?" Ininguso niya ang bandang tiyan nito.

Tila na-e-eskandalong pinandilatan siya nito ng mata. Hindi pa ito nakontento at hinampas siya.

She chuckled. "What? Hindi na tayo bata, open naman ako sa gano'n, huwag ka nang mahiya. You'll never know, may dalawang buwan pa. Don't tell me--"

Skipper's Delayed BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon