"STOP humming, Ocean." Saway niya sa katabi. Nakasalampak sa tenga nito ang pinamamahal nitong headset at kanina pa huni-huni ng bridal march. Hindi ito tumigil. Siya na ang nagtanggal ng headset nito para makuha ang atensiyon nito.
"What?" Puno ng pagtataka ang mukha nito sa ginawa niya.
"What-what ka diyan. Sabi ko tigilan mo 'yang kaka-huni mo diyan. Dinaig mo pa ang ibon. Isuko kaya kita sa zoo, endangered species na ang mga ibon na humuhuni ng bridal march ngayon. Sayang ang lahi mo kailangang pag-aralan ng scientist."
Tumawa ito. Napalingon dito ang nobyong si Buster, nag-flying kiss naman si Ocean. Kumpleto ang Happy Boys ng araw na iyon. Maging si Aidan ay lumuwas pa mula Benguet kasama ang mag-ina nitong si Sueyen at Sue para sa fitting ng gowns nila.
"Ngayon lang kita nakikitang napipikon, Fawn. It is soooo not you."
"At ngayon lang kita nakikitang parang timang na ngumingiting mag-isa tapos titingin diyan sa d'yowa mo. Sagwa mong ma-in love, nawawala ang pagka-cool mo." Buska niya. Halatang-halata sa dalawang kaibigan kung gaano ang mga ito kahiyang sa buhay ng may pag-ibig.
Dumako ang tingin ni Ocean kina Skipper at River. Magkapantay ang dalawa. Tawa ng tawa si River habang kinakausap ito ni Skipper. Mukhang animated na naman ang k'wento ng binata. May kung ano-ano pang isinesenyas ang bata dito. Her heart swelled. Hindi maipagkakailang ama ito ni River. Hindi pa din alam ni River na ito ang Papa niya, hindi niya alam kung paano iyon sasabihin sa bata. Ayaw niyang biglain ito, ang alam kasi nito ay nasa malayong lugar lang ang ama nito at nagtra-trabaho.
"Mukhang masayang-masaya ang inaanak ko."
"Yeah," mahinang pagsang-ayon niya. "Tanong siya ng tanong tungkol kay Skippper. Palagi kasing nasa bahay si Skipper."
"Masisisi mo ba siya, Fawn. Limang taon ang nawala sa kaniya para makasama ang anak niya. Buti na nga lang mabait si Skip at hindi niya hinabol ang anak mo sa 'yo sa korte."
Pinili niyang huwag tiningnan ang kaibigan si Ocean. Kung tutuusin nga ay kayang gawin iyon ni Skipper. Maimpluwesiya at mayaman ang pamilya nito kung gugustuhin nito ay mababawi nito si River at ang tanging kaya niyang gawin ay itago ang anak kapag nagkagano'n. "Oo na, mali ako. Pero, Ocean, ginawa kong iwan siya dahil gusto ko ang magandang buhay para sa kaniya. He had so many opportunity ahead of him. Bata pa siya, alam mo 'yan. At alam kong pipiliin niyang ipagpalit ang opurtunidad na iyon para sa akin. Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang buhay na meron siya ngayon para lang maging maligaya ako."
It was exactly five years ago, nang dumating ang isang scholarship grant dito ng isang arts institute sa New York. Dalawang taon ang grant na iyon, nagpahayag na ito ng pagdadalawang isip na tanggapin iyon dahil hindi daw nito kayang malayo sa kaniya.
"Alam ko, Fawn, pero hindi mo siya masisisi. At least you could have given him a choice." Anito.
Hindi na lang siya sumagot. Nanatili ang tingin niya kay Skipper at River. Kinarga ni Skipper ang anak niya. Bahagya ng namamasa ang mga mata niya ng luha. Noon bumaling sa kaniya ang pansin ng dalawa. Kumaway si River sa kaniya. She smiled and waved back.
Naramdaman niya ang pag-akbay ni Ocean. "Hindi ako sanay na nakikita ka ng ganyan, Fawn."
"Natatakot ako, Ocean." Mahinang pag-amin niya kasabay ng pagyuko.
"Huwag mong hayaang takot ang manaig diyan sa puso mo. At mamaya ka na magdrama, tinatawag ka ng mag-ama mo. Si River na yata ang sunod."
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...