"SAIDA, sa pagkakaalam ko ang buntis lang ang hindi p'wedeng hindi pinagbibigyan at hindi ang malapit lang na ikasal." Nakasimangot na litaniya niya sa dalawang kaibigan.
"Stop skuling, Fawn. Sigurado akong pasasalamatan mo kami pagkatapos ng gabing ito." Wika ni Saida sabay kindat.
"At isa pa, Fawn, matagal ng walang practice 'yang vocal chords mo, baka kinakalawang na 'yan. Sayang naman." Sulsol pa ni Ocean. Videoke ang madalas na bonding time nilang tatlo at kalimitan naman ay sa bahay lang niya iyon ginagawa dahil nga sa ayaw niyang ginagabi sa labas.
Hindi na niya nakuhang tumanggi pa ng bigla na lang sumulpot ang dalawang ito sa bahay nila at bigla na lang siyang ipagpaalam sa ina. At dahil kunsintidor ang Mommy niya nangunguna pa ito sa pagtataboy sa kaniyang sumama. Baka nga kung niyaya ito ng dalawa at wala silang River na inaalala ay kasama din niya ang ina. Ganoon ka-at ease ang mga kaibigan sa kaniyang Mommy. Kaya goodbye solitude ang drama niya sa pagsama sa mga ito.
"Hoy, Fawn, Anusin mo nga 'yang ngiti mo." Utos ni Saida sa kaniya. She plastered a big fake smile. Nginisian lang siya ng dalawa.
Tuwang-tuwa ang mga bruha!
Tumuloy silang tatlo sa loob ng Music 21, mukhang planado talaga ng dalawa ang paglabas nila dahil may reserved room na para sa kanila. Nagulat pa siya ng pagbukas noon ay naroroon ang miyembro ng Happy Boys maging si Sueyen at Hermione ay naroroon din. Her heart slammed hard against her chest when she met Skipper's eyes. Nakangiti ito sa kaniya.
Saida! Ocean! Tili ng isip niya.
Bago pa niya mahagip ang isa sa mga ito ay nakasalisi na ang dalawa sa tabi ng nobyo. She awkwaedly stepped inside. Kita niya ang pag-isod ni Skipper para bigyan siya ng espasyo sa tabi nito pero pinili niyang huwag itong tabihan. Umupo siya sa tabi ni Hannes. Tumiim bagang ito, naggalawan pa ang muscles sa panga.
Hala, galit!
Nag-iwas siya ng tingin. She turned to Hannes, nakangisi ito. Nagsimulang magkagulo ang lahat sa pagdating nilang tatlo. Naunang kumanta si Nathan. Bawat Happy Boys ay may ibubuga pagdating sa kantahan, malamang nga kung bumuo ang mga ito ng boy band ay magiging sikat ang mga ito. Hindi naman din kasi pahuhuli ang mga itsura ng mga ito. At higit lalong alam niyang may ibubuga ang boses ni Skipper, after all Skipper is the lead vocalist kapag pumapailanlang ang Happy Boys Live na segment ng Happy FM.
Nang si Skipper na ang kakanta ay tumayo pa ito. Pumailanlang sa ere ang isang lumang awitin. Dineadma ni Skipper ang lyrics ng kanta at humarap sa kaniya. Natural na natuliro ang puso niya.
Tonight it's been five years...We met each other there
Intentionally ay pinapalitan nito ang lyrics ng kanta ng linyang tugma sa sitwasyon nilang dalawa.
Hear me cryin' out to you...You said, "Never, never would I leave...
Halos hindi na nito inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Nang matapos ang kaniya ay naghiyawan ang audience nila, namula siya ramdam niya.
"Ano, Fawn, sagutin mo ang kanta. Make it Real daw." Sulsol ni Ocean. Mukhang naging hopeless romantic na din yata ito simula ng ma-in love.
Umubo-ubo siya. "Paos ako. Katatapos lang ng concert ko sa Araneta."
"Arte ha! Huwag kang papilot, kurutin ka namin sa singit diyan." Segunda agad ni Saida na ikinasimangot niya.
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...