"READY, sweetheart?" Nakangiting tanong ni Skipper kay River pagkababang-pagkababa nila ng kotse.
"Yes, Tito Skip!" Buong siglang wika nito. Nang sabihin niya ditong pupunta silang Enchanted ay halos ayaw na nitong matulog. At mas lalo itong na-excite ng malamang kasama nila si Skipper.
Isinuot ni Skipper ang suot na shades at inilahad sa anak ang kamay. Ngumiti naman ang huli bago ginaya ang ginawa ng ama. Isinuot din nito ang pink na shades nito pagkatapos ay kumapit na sa kamay ng binata. She can't help but to smile.
Sa pagtaas ng tingin niya ang kita niyang nakabaling sa kaniya si Skipper. Kahit na naka-shades ito ay alam niyang maging ang mga mata nito ay nakangiti din.
"What?" Natatawang tanong niya dito.
Skipper gestured her own sunglasses. Nais nitong isuot din niya iyon.
"Come on, Mama!" Pangungulit na ni River. Tila nais din nitong ibaba niya ang kaniyang shades. She let out a soft laugh. Ibinababa niya ang salamin na ginawa niyang headband kanina. Kita niya ang pagngiti ni Skipper.
"Perfect!"
Akay-akay nilang dalawa si River na bahagyang kumakandirit pa sa paglakad. Agad nitong namataan si Wizard. Dati ay napagkatuwaan nila ni Skipper na tawagin itong Lolo Fantasy. Bumitaw ito sa kanilang dalawa. Sabay pa silang nataranta ni Skipper sa paghabol dito.
"Wow! Mama, he's huge! Ang laki-laki!" manghang-mangha ito sa taas at laki ng purple na istatwa. Hindi na lang niya napigil ang matawa.
"She's your Lolo, anak." Biro niya sa anak.
Pinagkrus nito ang kamay sa dibdib at tila ba nag-iisip. "No, Mama. Nakita ko sa picture si Lolo liit lang siya."
She just chuckled. Matalino talaga ang anak. Biglang kinarga ni Skipper ang anak at inilapit pa talaga kay Wizard. Natutuwang niyakap naman iyon ni River. Sa pagkagulat nila pareho ay niyuko ni River ang kamay ng wizard.
"Mano po, 'Lo." Pagdaka ay wika nito.
Sabay na lang sila ni Skipper na napatawa. Umiling si Skipper ng bumaling sa kaniya.
"Mana nga sa 'yo." Tukoy nito sa pagiging mabiro din ni River.
Matapos ang ilang photo op sa harap ng Enchanted Kingdom ay nagpasya na siyang pumasok. Handa na ang ticket nilang tatlo. Hindi niya alam kung paanong nagawa iyon ni Skipper. Basta ang tanging gagawin na lang daw talaga nilang dalawa ay sumama.
Pagkatapak na pagkatapak sa loob noon ay agad na bumaha ng alaala sa kaniyang isip. Lihim pa siyang napasinghap dahil sa pagdagsa ng emosyon. Bahagya niyang sinulyapan si Skipper, at dahil nakasalamin ito ay hindi niya makita ang reaksiyon nito.
Ang paghila ni River sa kanilang kamay ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.
"Ma, subukan natin ang horse!" Itinuro agad nito ang carousel. Mas lalo siyang napalunok. Iyon din ang una niyang reaksiyon ng makapasok doon. Ang carousel agad ang gusto niyang subukan. Naalala niya kasi ang eksena doon ni Marian at Dingdong noong niremake ng mga ito ang Stairway To Heaven. Not that she was a fan pero touch na touch kasi siya sa eksenang iyon.
Kita niyang tinanggal ni Skipper ang salamin nito. "Carousel, huh?"
Hindi niya mabasa ang emosyon sa mga mata nito. nararamdaman din kaya nito ang nararamdaman niya? Tumango na lang siya. Nang humakbang sila palapit doon ay mas lalong naging malinaw sa kaniya ang lahat.
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...