RAMDAM ni Skipper ang titig ng mga taong nadadadaan niya sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapangiti din kasabay ng pag-iling. And he know the reason behind those stare. Ibang-iba kasing Skipper ang nakikita ng mga ito. Nang araw na iyon ay pinili niyang pansamantalang itakwil ang usual get-up niyang tattered jeans at T-shirt at yakapin panandalian ang formal wear. He choose to wear a blue-long sleeve and black slacks. Maging ang sneakers niya ay napalitan ng itim na sapatos. Makintab na makintab pa iyon. He can almost hear the giggling of three girls behind him.
Saktong kalalabas lang niya ng elevator ng tumunog ang cell phone niya. Awtomatiko ang naging pagkunot ng noo niya ng makita kung sino ang caller. Tumikhim pa siya bago sagutin iyon.
"Dad."
"Benedict." Kahit sa telepono ay madiin pa din ang paraan nito sa pagbanggit ng pangalan niya. He can al most see his father's expression. Pormal na pormal ito at halos walang ekspresyon sa mukha.
"What's up, Dad?"
"Cut the crap, Benedict." Pambabara nito sa kaniya. Ang Daddy lang din niya ang hindi niya naimpluwensiyahan na Skipper ang itawag sa kaniya. He always prefer to address him as Benedict. "Aristroff Company called me and said that you were applying for a certain postion there. Totoo ba ito? Anong kalokohan na naman ang pumasok sa kukote mo?"
Tumaas ang sulok ng labi niya. Dapat ay hindi na siya mabigla sa pagtawag nito. Hindi niya dapat minaliit ang kakayahan ng ama na malaman ang mga bagay-bagay. Maimpluwensiya ito at madaming kakilala. Higit pa doon ay kilala ang pamilya nila.
"I am looking for a job." Kaswal na sagot niya.
"Nagsawa ka na sa pagiging tambay mo kaya naisipan mong magbanat ng buto? Are you bored with your life?"
Pagak na natawa siya. "I am never bored with my life, Dad. I am enjoying it to the fullest. Alam mong mahal ko pagpipinta and I will not give that up. And I already made that choice five years ago, akala ko ba tanggap n'yo na iyon ni Mommy."
"Matigas talaga ang ulo mo, Benedict."
Hindi na bago sa kaniya ang sinabi nito. His family always sees him as the black sheep. May mga bagay at desisyon siyang hindi ng mga ito naiintindihan. Sa kabila ng taas ng IQ at nagagawa niyang achievement sa buhay ay palagi lamang iyong nauuwi sa pagkukumpara sa mga kapatid niya, dahil sa mas masunurin ang kuya niya.
Dalawa silang magkapatid at siya ang bunso. Kabaligtaran siya ng kaniyang Kuya, masunurin ito sa mga magulang at nagkataong hilig din ang pagmemedisina. Bukod pa sa pagiging doctor ng kapatid ay namamahala pa ito ng ibang negosyo. Just like him, his brother was brilliant. Habang siya naman ay nahilig sa pagpipinta. Hindi din niya alam na iyon ang talagang gusto, his mind was restless. Noon ay madamai siyang gustong gawin pero ni minsan ay hindi siya nahilig sa medisina. He hated the hospital, very odd para sa anak ng may-ari ng hospital. And that made his Dad furious. Hindi iyon matanggap ng ama niya, excuse lang daw iyon sa pagiging tamad niya. Hindi nito makuhang pagpipinta ang nakakapagpasaya sa kaniya. Pero sa kabila noon ay nakakagulat na sinuportahan ng mga ito ang pagpunta niya ng New York para ituloy ang nakuhang scholarship.
Napabuntong-hininga siya. "What do you really want, Dad?" Imposibleng tawagan siya nito ng walang kailangan. Nang umalis siya sa bahay limang taon na ang nakakaraan ay mabibilang na lang ang panahong tinawagan siya nito. He visits them once in a while pero naglagay na siya ng harang sa pagitan niya at ng pamilya.
Sandaling tumahimik ito sa kabilang linya. "Kung naghahanap ka ng trabaho, why not for our hospital? Maraming office works doon. Masisimulan po na ding pag-aralan ang pagpapatakbo noon kasama ng Kuya mo."
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...