Chapter Eight

2.4K 62 0
                                    

"YOU'RE late." Narinig niyang akusa ni Aidan kay Skipper. Wala namang reaksiyon si Skipper sa kaibigan. Dire-diretsong nagtungo ito sa direksiyon niya. Napasinghap pa siya na tila natural lang na halikan nito ang noo niya. Dati na nitong ginagawa ang bagay na iyon, pero iyon ay noong sila pa. Umupo na din ito sa katabi niya. He whole body tensed at the warmth of his body beside him. Kitang-kita niya ang mapanuksong ngiti nina Ocean at Saida, habang ang halos kani-kaniyang ngisi naman ang kaibigan ni Skipper.

"Hoy, Skipper, umayos ka nga." Untag niya dito. Pasalampak na nakaupo na ito. Nakapikit na ito at umungol lang. Siniko niya ito. "Skip."

Tumuwid ito ng upo. Halata ang pagod sa mukha nito. Inatake siya ng guilt sa pagsusungit. Noon niya napansing naka-pormal na damit pa ito. Sa halip na siya ang magtrabaho ay ito ang naghanap ng trabaho, hindi ito pumayag na siya ang magtra-trabaho. Sa pagkakaalam niya ay sa kumpanya ng kapatid ito nagtra-trabaho. Monday to Friday ang trabaho nito, tuwing Sabado ay maghapon itong nasa bahay nila at nakikipaglaro kay River. Tuwing Linggo naman ay tila hindi ito nauubusan ng acitivity para kay River. Unti-unti ay nawawala na ang takot niya. Plus the fact that River love having his father around. Ang problema nga lang ay hindi niya alam kung paanong sasabihin sa anak na ito ang Daddy niya.

"Brutal ka talaga, Fawn." Akusa ni Saida. "Bakit kaya hindi mo alukin ng pagkain si Skipper? Kawawa naman 'yang tao, o, mukhang pagod na pagod."

Oo nga naman, mukhang pagod si Skipper pero exaggerated lang si Saida ng sabihin nitong pagod na pagod ang itsura ng binata. Kita niya ang pagngisi ni Skipper, obvious na nagustuhan ang paninita sa kaniya ng kaniyang kaibigan.

"Oo nga naman, Fawn." Pumalatak pa ito. "Samantalang dati asikasong-asikaso mo ako. Gusto mo pa ngang palagi akong sinusubuan, hindi ba?"

Agad na kumalat ang init sa pisngi niya. Tiningnan niya ng masama si Skipper. "Alam mo mukhang masama ang epekto sa 'yo ng pagkakaroon ng trabaho, pumapangit ang sense of humor mo. Dati naman tahimik ka lang. Cool ka pa noong pagtulog-tulog ka lang."

Nagkibit-balikat naman ito. "Nagsasabi lang ako ng totoo."

She heard them laughing. Lihim na napaungol siya. Mas okay pa yata dati na siya ang palaging nang-aasar dito tungkol sa nakaraan nila. Siguro ay ganito ang naïf-feel nito sa tuwing mababanggit niya ang nakaraan nilang dalawa.

"Sige na, Fawn, ikuha mo na ng pagkain si Skip. Mukhang gutom na gutom, o." Sulsol pa ni Ocean. Nasa tabi nito si Buster. Dapat naman ay simpleng dinner lang ang magaganap sa Tea Fairy. Gaya ng request ni Saida, kakaibang bridal shower ang naganap para dito. Isinara nila ang Tea Fairy at doon na lang ginanap ang salo-salo kasama ang Happy Boys at lahat ng malalapit na kaibigan ng soon to be weds.

"Kita mo na pati mani tinitira." Dagdag ni Siggy.

Sukat sa sinabi ni Siggy ay napabaling siya kay Skipper. Inihagis pa nito sa ere ang mani at sinalo ng bibig. Bago pa muling makadampot ito ng mani sa bowl ay tinapik na niya ang kamay nito. Skipper fliched a bit.

"Baka nakakalimutan mong allergic ka sa mani, Skipper." Babala niya dito. Kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Aksidente lang din ang pagkaka-tuklas niya ng allergy nito, at dahil sa iyon sa pamimilit niyang tikman nito ang ginawa niyang sansrival. Sa huli ay nagkaroon ito ng malalaking pantal sa buong katawan.

Hannes burst out laughing. "Anak ng... ngayon ko lang nalaman na allergic ka sa mani, Skip."

Kumunot ang noo niya. Anong klase kaibigan ang mga ito? Nakukuha pa ng mga itong pagtawanan si Skipper. At ang huli naman ay nakangisi lang din na tila ba enjoy na enjoy sa mangyayaring asaran.

Skipper's Delayed BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon