Chapter Nine

2.3K 67 1
                                    

NAIILANG na si Fawn sa paraan ng pagtitig sa kaniya ni Skipper. Ilang minuto na silang nakahinto sa tapat ng bahay nila pero nang gagapin ng binata ang kamay niya at titigan siya ay nawala na sa isip niya ang akmang pagbaba. Tahimik lang sila pareho sa buong durasyon ng biyahe nila. The silence seemed to be a music to them.

"What happened to us, Fawn?" Mula sa kung saan ay tanong nito. Malungkot na malungkot ang tinig nito. Mula sa pagkakahawak sa kaniyang kamay ay umangat ang kamay nito upang haplusin ang pisngi niya. It was so tender, so sweet and so loving. Hindi niya naiwasang panandaliang mapapikit.

When she opened her eyes, she sadly smiled back. "Hindi ko din alam, Skip."

"We were so in love back then."

I still love you. Gusto sana niyang sabihin dito. "Sa lahat ng nangyari, sa limang taong nagdaan, maniwala kang hindi ko ginustong saktan ka."

Lumunok ito. "Pero nasaktan pa din ako, Fawn. Durog na durog ang puso ko ng araw na iwan mo ako. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako." Malungkot na malungkot ito. Kita niya ang pagkislap ng mata nito sa pagpipigil ng luha.

Hindi na niya napigil ang sarili. Mababaw lang ang luha niya, iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang manood ng dramang palabas o kaya ng teleseryeng punong-puno ng problema ang buhay. Kung sa palabas nga ay naiiyak siya paano pa sa taong mahal niya? Bago pa niya napigil ay pumatak na ang mga luha niya. Suminghot siya. "And for that I am deeply sorry, Skip. Hindi lang ikaw ang nasaktan. It hurts me as much as it hurts you. Kung nadurog ka, nawasak ako."

Huminga siya ng malalim. "Gaya ng sabi mo we were so in love, halos sa akin na lang umiikot ang mundo mo at hindi ko maiwasang matakot. Dahil ganoon din ang nararamdaman ko, ikaw na ang buhay ko. Ang bata-bata mo pa noon, Skip. And you are so talented, so promising." Nakangiting itinuro niya ang kabuuan nito. "Just look at what you've become. Nagtagumpay ka, you've grown into a man you want to be."

"But this is not the man I wanted to be." Salag nito.

Hindi siya nakasagot. Yumuko siya, hindi na talaga niya mapigil ang mga luha. Bumuhos ang kinikimkim niyang emosyon, ang pagmamahal dito. Inangat nito ng hintuturo ang kaniyang baba.

"Balewala ang lahat tagumpay ko dahil nawala ka naman sa buhay ko."

Huminga siya ng malalim. "Kung nanatili ako sa tabi mo magiging distraction lang ako. Palagi mo akong aalalahanin, palagi mo akong iisipin."

"Iyon ba ang dahilan kaya mo ako iniwan? Akala ko ba handa ka sa long distance relationship?" Diretsong tanong nito.

Noong dumating ang scholarship nito ay niyaya siya nitong sumama papuntang New York. Plinano nila ang lahat, hanggang sa araw na kausapin siya ng nanay nito. And the realization hit her hard. Kaya nga mas pinili niyang iwan ito.

"Ayokong maging pabigat sa 'yo." Sa halip ay sabi niya.

"Damn it, Fawn! Alam mong kahit kailan ay hindi ka naging pabigat sa akin."

"I'm sorry." Sagot na lang niya at saka muling yumuko.

Ilang sandaling hinayaan lang siya nitong walang imik. Hanggang sa narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Tingnan mo ako ng diretso, Fawn, at sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit mo ako iniwan?"

Alam na ba nito ang totoo? Why the heck is he asking her that question? Nataranta ang utak niya. Sa huli ay lumunok na lang siya at huminga ng malalim.

Skipper's Delayed BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon