"HIMALA ng mga himala gising ka ng mga oras na ito? Alas-nuebe pa lang ng umaga, Skipper, baka nagkakamali ka ng tingin sa relo n'yo." Simulang pang-aasar niya sa paparating na binata. Gusto niyang isiping walang epekto ang matikas na tindig nito sa kaniya. Ang artist-look na porma, kasama na ang gulo-gulong may kahabaang buhok nito, pero sa kabila ng pagtanggi ng isip niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Pinili lang niyang pagtakpan ng biro iyon para huwag itong makahalata na natataranta siya sa tuwing makikita ito.
Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. His gaze was focused on their cookies and cakes. Ang cakes ang additional menu nila sa araw na iyon, bukod sa nagsisimula na din silang mag-offer ng mga pasta at sandwiches. Dahil hindi na siya makatulog kagabi ay naisipan na lang niyang mag-bake. Napuyat man siya kumikitang kabuhayan naman.
"Isang brewed coffee at isang Overnight cake." Kasabay ng pagbanggit nito sa pangalan ng cake niya ang pagkunot ng noo nito. Siya na din kasi ang nagpangalan ng cake na iyon.
"Nagkamali ka ng pinasok na shop. Tea house kami at hindi coffee shop." Pakli niya. Kung maka-utos naman ang isang ito. Wala man lang lambing.
Sumulyap ito sa may balikat niya, sa may bandang kusina nila. "Kita ko ang coffeemaker ninyo. Anong silbi niyang kung hindi naman kayo magse-serve ng kape?"
Sinimangutan niya ito. "For employees use lang 'yan. Gusto sana kitang bigyan ng kape kaso hindi ka marunong humingi."
"Um-order ako, Fawn, hindi ako humihingi."
"Mag-order ka ng maayos." Aniya na may paninindigan.
Isinuklay nito ang daliri sa buhok. Muntik na siyang mapangiti ng makita ang ginawa nito. Iyon ang ginagawa nito sa tuwing naiinis dahil makulit siya.
"Customer ako."
"Owner ako." Salag niya.
Tinitigan siya nito na tila hindi makapaniwala. Hah! Kala mo ha.
Nakipagtitigan siya dito, only to find her heart in a frantic race. Wala sa loob na napalunok siya, kasabay ng pagbaha ng isang libo at isang kakaibang pakiramdam. Hindi pala niya kayang makipagtitigan dito ng hindi natataranta ang puso at isipan.
Bakit kasi maganda talaga ang mata ng isang ito? Himutok niya.
"Fawn..." Bakas sa boses nito ang pagkainip.
Ay, oo nga pala. Pinagkrus niya ang kamay sa dibdib. Wala pa naman itong kasunod na customer p'wede pa itong magtagal sa harapan niya. Sayang ang miles.
"Magsabi ka muna ng maayos, kahit libre na ang kape."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito kasabay ang pag-iling. "Hindi ka pa din nagbabago. Gusto mo pa ding ikaw ang nasusunod."
She smiled, pero hindi nito ibinalik ang ngiti niya. Nakasimangot pa din ito. Naka-tiim bagang ito.
"Please."
Ah, victory! Ako ang nagwagi!
Hindi niya napigilang dumukwang mula sa cashier counter upang haplusin ang pisngi nito. Halatang nabigla ito ngunit hindi umilag sa ginawa niya. "Hmm, much better."
"Diktador." Akusa nito kasabay ng paglayo sa kamay niya.
She just stucked out her tongue. Bumaling siya sa lagayan ng kape nila at nagsimulang magsalin ng kape sa tasa. Wala talaga silang sini-serve na kape, pero dahil generous sila sa request ng tauhan na magkaroon naman sila ng coffeemaker dahil sa kape ang bumubuhay sa katawan ng mga ito ay pinagbigyan nila ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...