HUMINGA muna ng malalim si Skipper bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Bago pa man siya pumunta roon ay tumawag na siya. Ang Mommy niya ang naka-usap niya. Dinig niya ang panginginig sa boses nito ng sabihin niyang pupunta siya doon. And he knew that her mother was crying. Matapos ang limang taon ay muli siyang tatapak sa mansiyon nila.
Natagpuan niyang magkatabing naka-upo ang mga magulang niya. Nagbabasa ng medical book ang Daddy niya habang ang Mommy niya ay isang fashion magazine ang nasa kamay. Nabitin din ang pagbaba ng Kuya niya ng makita siya. Then awkwardly all of them simply smile to each other. Humakbang siya papasok. Mabilis na tumayo ang Mommy niya at mahigpit na niyakap siya.
"Oh, Skip." Napapikit siya sa paraan ng pagyakap nito. Matagal na mula noong huling yakapin siya nito. Narinig niya ang pagsinghot nito. "I miss you."
Napangiti siya. "I miss you too, Mom." Buong pusong sagot niya. And it was the truth, despite what happened between them, she was his mother.
Nang pakawalan siya nito ay niyakap din siya ng ama. Ang Kuya naman niya ay tuwang-tuwang tinapik pa ang likod niya.
It's nice to be home. Hindi niya napigilang maramdaman.
"Dito ka na matulog, anak. Ipinahanda ko na ang kuwarto mo." Excited na wika ng Mommy niya. Tila may nagbago sa itsura nito. Wala na ang aristokratang aura nito. Her mother seemed to have a softer feature now.
"Bahala na po," ayaw niyang magkompormiso.
"'My, mamaya mo na usisain 'yang si Skip. Kain na tayo." Masiglang wika ng Kuya niya. Tumango naman ang Daddy niya. Tahimik lang ito, nakikiramdam.
Sabay-sabay na din nilang tinungo ang hapag-kainan. Katabi niya ang ina at halos walang tigil sa kalalagay ng pagkain sa kaniyang pinggan. He can't help but to smile. Maging ang k'wento nito ay halos wala ring patid.
"So, Skip, sabi ni Dad may mahalaga ka daw sasabihin." Panimula ng Kuya niya.
Nagpahapyaw na siya sa ama tungkol sa sasabihin niya. Ang sabi lang nito ay sabihin iyon sa kaniyang ina. That for once they needed to all talk as a family. At ngayong may anak na siya ay lubos na niyang naiintindihan ang mga magulang. Tiningnan niya ang ama, tumango ito at bahagyang ngumiti. Kapwa naghihintay naman ng kaniyang sasabihin ang dalawa.
Tumikhim siya. "Mom, Dad, Kuya..." Huminga siya ng malalim. "I'm getting married."
Natahimik ang mga ito. Tumikhim ang Kuya niya.
"Inunahan mo ako." Natatawang akusa nito. Nginisian niya ito.
"Mukhang wala ka pang balak, eh." Dedicated ito masyado sa ospital nila, at malaking bahagi ng oras nito ang kinakain ng ospital. Ibinalik nito ang pagngisi sa kaniya.
"So, who's the unlucky girl?" His brother stressed the word unlucky.
Agad siyang napangiti. Hanggang sa huli ay naging matigas pa din ang pagtanggi ni Fawn sa ideyang iyon. Pero kung matigas ang ulo nito mas matigas ang ulo niya, he was determined to marry her. Kung gusto nito ng shotgun wedding, fine, he'll give her one.
"It's Fawn. I'm sure remember her." Isang beses na niyang ipinakilala iyon sa ina at inaasahan niyang matatandaan iyon ng huli. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng Mommy niya. Maya-maya pa ay nagsimula ng tumulo ang luha nito.
Sabay pa sila ng Kuya niyang dinaluhan ang ina. Ang Daddy naman niya ay hinawakan ang kamay nito at pinisil iyon. His mother leaned on him.
BINABASA MO ANG
Skipper's Delayed Bride
Romance"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dal...