Chapter Three

2.4K 78 0
                                    

NAGULAT pa sila ni Macario ng isang papel ang lumapag sa harap nila. Magkasabay pa silang tumingala. Salubong na salubong ang kilay ni Skipper. She's seen that look before. Kapag ganoong halos tense lahat ng muscle nito sa mukha at halos maggalawan ang ugat nito sa leeg ay pinipigil nito ang galit. Diretsong nakatingin ito sa kaniya.

Kahit si Macario na ubod ng laki ang katawan ay umurong yata ang tapang sa ekspresyon nito.

"Ma'am Fawn, doon muna po ako sa loob. Mamaya n'yo na lang po ulit ituloy ang pagpapaliwanag."

"Sige, salamat." Aniya na may kasamang pagtango. "Pakisabi din kay Ocean hintayin na lang nila ako sa loob. Ako na lang kamo ang papasok, huwag na silang lumabas."

Piping nahiling niyang sundin sana ni Ocean ang gusto niya. And worst huwag sanang maging makulit si River na lumabas. Halos madinig na niya ang lakas ng tibok ng puso niya. And it was mixed with panic.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at lakas ng loob. She plastered a brave smile. Palihim pa siyang tumikhim.

"Saan ang giyera, Skip?"

Ikinatok nito ang kamao sa papel na inilapag. "Who is River Machiko Casilag?"

Halos manlaki ang ulo niya sa tanong nito. It was her greatest fear, a fear she has to face at the very moment. Ito na nga ba ang ikinatatakot niya. Hindi dapat minaliit ni Saida ang IQ at common sense ni Skipper. Mapamaraan ito.

Damn it to all hell!

Written on that piece of paper was River's name. Her daughter's name. Bakit nga ba hindi na lang Machiko ang naipalagay niya sa invitation?

"Flower girl nina Saida at Nathan." Pinilit niyang maging kaswal ang pagkakasabi noon. Sana lang ay walang kaba ang tinig niya. Iniiwas din niya ang tingin dito baka kapag tinitigan niya ang mga mata nito ay hindi siya makapagsinungaling.

"I want the truth, Fawn, now." May diin at awtoridad ang boses nito.

Tumayo siya. Pinamewangan niya ito. "Sinabi ko na ang totoo. Flower girl siya nina Nathan, at sa pagkakaalam ko inaanak siya ni Saida. Now, if you'll excuse me, madami pa akong gagawin bukod sa i-entertain ang galit mo. Ibunton mo nga sa iba 'yang galit mo."

Hinaklit ni Skipper ang braso niya. She winced in pain. Napadiin ang hawak nito. Panandaliang natigilan si Skipper nang makita ang reaksiyon niya, lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya. Huminga ito ng malalim at mabilis ding hinaplos ang braso niyang nasaktan.

"I'm sorry, hindi ko intensiyong saktan ka. It's just—This is frustrating. River is..."

Pinilit niyang ngumiti. "It's okay, Skipper, naiintindihan kita. It was supposed to be our child's name. Pero you see, hindi lang tayo ang may cool na idea na magpangalan ng River."

Mas lalo itong naging seryoso. Pinakatitigan siya. "Are you hiding something, Fawn? Hindi mo ako tinitingnan sa mga mata ko. Five years ago, after we... After we..."

Alam niyang namumula siya. And that's because she was clearly aware kung ano ang tinutukoy nito. Iyon ay ang gabing ibigay niya ang sarili dito. The day River was conceived.

"Relax, Skipper, hindi kita hinabol, hindi ba?"

Nakipagtitigan ito sa kaniya. Gustong-gusto na niyang tumakbo palayo. She can feel the heat of his stare. Tila may gustong sabihin ang mga mata nito na halos hindi niya mabasa. At the same time she wanted to reach his face. May stubles na tumutubo sa panga nito at may bahagyang itim sa mga mata. Puyat na puyat ito.

Skipper's Delayed BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon