Chapter Six

2.3K 67 0
                                    

"ANAK, ano—"

"Ay, kalabaw!" Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang pagtawag ng ina sa kaniya. Napatawa ito sa reaksiyon niya kaya hindi na nito naituloy ang sasabihin.

Humila ito ng silya at umupo sa tapat niya.

"'My, huwag nga kayong bigla-biglang sumusulpot diyan. Paano kung inatake ako sa puso?"

"Anak, hindi ka aatakehin sa puso dahil wala ka namang sakit sa puso. At wala din tayong history ng sakit ng puso, kahit ang mga lola mo, kahit na ang lola ng lola mo pa. Sakit sa bato ang ikinamatay ng Daddy mo at hindi sakit sa puso. Though may history din sa diabetes sa side ng Daddy mo."

"Wala ba akong karapatang magkaroon, 'My? May puso din naman kaya ako." Pinalungkot pa niya ang boses na tila ba nasaktan talaga siya.

Kinuha ng Mommy niya ang isang papel sa harap niya. Bill iyon ng kuryente ng bahay nila. Siya ang nag-aasikaso noon kasama na ang iba pang gastusin sa loob ng bahay nila. "Huwag mo akong pilosopohin, Fawn. Bakit nga pala gising ka pa? Ikaw ang opening sa Tea Fairy, hindi ba? Dapat ay natutulog ka na."

Tumango siya. Hindi naman talaga siya ang mismong nagbubukas ng shop nila. Ang mga tauhan pa din nila ang gumagawa noon. Pero may shifting pa din sila sa pagsu-supervise ng shop. May closing at opening pa din silang tatlo.

"Inaayos ko lang ang bills natin, isasabay ko na kapag nagbayad kami ng bills ng Tea Fairy."

"Bakit parang tulala ka naman noong datnan kita? Ang lalim ng iniisip mo, anak, at kinakabahan ako kapag ganyan ka kaseryoso."

She smiled at her mother. Ayaw nitong nakikitang malungkot siya, dito niya namana ang pagkakaron ng sunny disposition sa buhay. Kahit na noong namatay ang Daddy niya ay mabilis itong nakabawi, ang katwiran nito ay ayaw daw ng Daddy niya na makitang malungkot ang asawa. Takot daw itong magpakita ang ama sa kaniya kung magpapakalunod ito sa lungkot. Dalawa pa naman daw sila sa buhay kaya hindi ito dapat malungkot. Namatay ang Daddy niya noong high school pa lamang siya kaya naman ito ang mag-isang bumuhay sa kaniya. Isang school teacher ito sa isang private school. Her mother managed to raise her well and provide everything for her. Ni minsan ay hindi niya ito narinig na nagreklamo tungkol sa hirap ng buhay dahil dalawa lang sila. Ang totoo nga ay siya pa ang nag-uudyok dito na muling mag-asawa pero ayon dito ay wala daw makakapantay sa pag-ibig na nadama nito sa Daddy niya. Like one true love.

"Bakit naman, 'My?"

"Aba, anak, noong huling beses na nakita kitang ganyan, sumunod na araw ipinagtatapat mo na sa aking buntis ka." Seryosong tiningnan siya nito. "Anak, magkakaroon na ba ulit ako ng apo? Sabi ko naman sa 'yo, Falls ang gustong sunod na pangalan, ha. Kung ayaw mo naman Islet na lang dugtungan na lang natin ng ibang pangalan pa."

"Mommy!" Minsan talaga nakaka-eskandalo ang comment ng nito. "Paano naman ako mabubuntis? Nasaan ang ama? Ni wala nga akong boyfriend."

Iwinasiwas nito ang kamay sa harap niya. "Naku, ako pa ang paglolokohin mong bata ka. Anong ginagawa ni Skipper? Huwag mong sabihing walang ibabalik na dating damdamin? Dumaan din naman ako sa mga ganyan-ganyan."

Iniiwas niya ang tingin nito. "Naka-move on na ako, Mommy. Kung anuman yung namagitan sa amin ni Skipper tapos an yun. Sabi nga past is past. Kung lagi man naririto si Skipper sa bahay, iyon ay dahil kay River at hindi dahil sa akin."

"Hindi mo pa din sinasabi sa anak mo ang totoo." Akusa nito. Noon pa man ay tutol na ito sa gusto nitong mangyaring huwag ipakilala ang ama ni River. Ang tanging sinasabi kasi nila sa anak ay nasa malayo ang Papa nito at nagtra-trabaho.

Skipper's Delayed BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon