ALIYAH POV.
"Ija.. Gising na at baka ma late ka sa klase mo" Rinig kong sabi ni nanny dahil nakahiga parin ako sa aking kama. Inaantok pa ako.
"Gising na po ako nanny" Nakapikit na sabi ko
"Ganun ba..bilisan mo nalang dyan" Sabi niya at narinig kong umalis na siya. Anong oras na ba? Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung anong oras na at may 15 minutes pa ako at kapag binagalan ko ang kilos ko ay male late ako. Kaya bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nilagayan ko ang balat ko ng cream para umitim ang balat ko. Ginulo ko ang buhok ko ng kunti at sinuot ang salamin. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nagmamadali akong kumain at pagkatapos ay pumunta na ako sa school.~SCHOOL~
~FAST FORWARD~
"Dismiss" sabi ng lecturer. Tapos na ang dalawang subject at may dalawang subject pa sa pang umaga bago mag lunch. At nandito kami ngayon sa Music hall dahil mag papractice kami.
"Lets start" Nakangiting sabi ni xavier.
"Aliyah and xavier" Tawag samin ni yanna kaya lumapit kami sa kanya.
"Bakit?" Tanong ni xavier.
"Pwede bang iba nalang ang kantahin nyo? May nakapili na kasi ng kanta na yan e. Kung okay lang sa inyo" Sabi niya at nagkatinginan kami ni xavier at tumingin ulit sa kanya.
"Okay lang yanna" Nakangiting Sabay naming sabi ni xavier at ngumiti naman siya
"Thank you guys. Balik na kayo dun para makapag-isip kayo ng bagong kanta at mapractice nyo" Sabi niya at tumango lang kami at bumalik na sa pwesto kanina.
"Anong song natin?" Tanong niya. Nag isip naman ako. Hmm ano bang maganda?....ahh!! alam kuna!!
"Alam mo ba ang kanta na I was made for loving you?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
"Good..Ang kakantahin natin ay 'I was made for loving you cover by Kristel Fulgar and Cj Navato. Lets start" Sabi ko kaya nag practice na kami. Ako ang unang kumanta at pagkatapos ay siya naman.(I play nyo ang I was made for loving you cover by Kristel Fulgar and Cj Navato Para ma feel niyo ang pagkanta nila heheh)
Makalipas ang ilang minuto ay natapos namin ang kanta.
"Nice one" Nakangiting sabi niya at naka apper sign. Tiningnan ko ang kamay niya na naka apper sign kaya nakipag apper din ako sa kanya.
"Good job" Napalingon kaming dalawa ng biglang magsalita si yanna.
"Bagay kayong dalawa" Nakangiting sabi ni yanna at natawa naman ng mahina si xavier. Kami? Bagay?
"Hindi kami bagay dahil tao kami" pamimilosopo ko at natawa naman sila. Okay! Pagtawanan niyo nalang ako. Nakakatawa naman talaga ang sinabi ko kaya sila tumawa.
"Aliyah ang ibig kong sabihin ay bagay kayong dalawa na mag duet. Bagay ang boses niyo sa isat-isa. Maganda pakinggan at malinaw. Marami ang magagandahan sa boseng niyong dalawa kaya good job" Paglilinaw niya."Lagyan nyo kaya ng kunting sayaw?" Nagtaka naman ako sa sinabi ni yanna. At si xavier din.
"Anong klaseng sayaw?" Nagkatinginan kaming dalawa ni xavier ng sabay naming sabihin yun.
Natawa naman si yanna.
"Simple lang na sayaw. Yung hahawakan ni xavier ang kamay mo aliyah tapos iikot ka at sasaluhin ka ni xavier. Yun lang. Or kayo na mag isip ng steps nyo" Sabi niya. Pwede namang walang sayaw.
"Pwede naman" napatingin ako kay xavier ng sabihin niya yun. At nakatingin siya sakin.
"Good. Mag practice nalang kayong dalawa na may kunting sayaw. Pwede na kayong umalis kapag tapos na kayo..Dun na muna ako" sabi niya at tumango lang kami at pumunta siya sa ibang nagpa-practice. Tiningnan ko naman si xavier na walang expression ang mukha ko."Bakit?" Tanong niya
"Bat may sayaw pa?" Tanong ko
"Pwede namang isali ang sinabi ni yanna. Mas maraming gaganahang manuod ng pagkanta natin." Nakangiting sabi niya.
"Bahala na nga!" Nasabi ko nalang at natawa naman siya.
"Bakit ba palagi mo nalang akong pinagtatawanan?" Tanong ko sa kanya
"Wala lang" sabi niya at nagpipigil ng tawa. Tss..bahala ka nanga dyan. Kinuha kona ang bag ko at naglakad palayo sa kanya.
"Teka lang" sabi niya tiningnan ko naman siya at nagmamadali siyang kunin ang bag niya at hinabol ako.
"Ang bilis mo namang maglakad" Hingal na sabi niya. At nandito na kami sa labas ng music hall.
"Eh sa ang bagal mong maglakad" Sabi ko. At mas binilisan ko ang paglakad ko.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girls Are The Legendary Gangster
Action"The Nerdy Girls Are The Legendary Gangster.." Written by: Blue_Moon05 This story is all about, 4 girls that pretend to be a NERD's. Maraming Nandidiri sa kanila dahil sa pananamit at itura nila. Palagi silang sinasa...