CHAPTER 22

3.5K 211 11
                                    

JOHN.POV.

Knock Knock

"Young master! Gumising na daw po kayo utos ng mommy nyo" sabi ni manang sa labas ng pinto
Nakapikit ako at nakahiga sa kama pero gising ang diwa ko. Ang aga pa oh
"10 minutes pa. Inaantok pa ako" Sabi ko sabay balukot ng kumot ko
"Young master! Bumangon na daw po kayo dahil may nagpadala ng sulat para sayo" Sabi ni manang sa labas ng pinto.
"Kanino galing?" Walang ganang tanong ko habang nakabalukot parin ng kumot. 
"Hindi ko alam kung saan iyon galing pero may naka sulat sa gitna na dalawang letra at R.K iyon.."Napabangon ako dahil sa narinig ko. Lumabas ako ng kwarto sabay harap kay manang.
"Nasan ang sulat?" May pagkatarantang tanong ko pero pinakalma ko ang sarili ko.

"Nasa mommy mo. Young master! Mukhang bina--"Hindi ko na siya pinatapos dahil bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa sala. 
Huli na ako dahil ang sama ng tingin nya sa sulat at ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay mas masama pa ang tingin niya kesa sa sulat. Dahan dahan akong lumapit.
"Ahhh mom! Kanino po galing iyan?" Pagmaangmaangan na tanong ko
"Gangster kaba?" Deretsong tanong niya at hindi ako makatingin ng deretso kay mom. Hindi na ako pwedeng magsinungaling dahil mukhang alam na niya at gusto niya lang marinig galing sa bibig ko.
"Yes mom"iniwasan kung ma-utal
"Good! Dalhin mona ang mga importeng bagay sayo at pupunta ka sa Royal Kingdom"Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. What the...at pano niya nalamang Royal Kingdom Ang ibig sabihin ng R.K?

"M-mom? Pano niyo nalaman na Royal Kingdom ang Ibig sabihin ng R.K? Tsaka Bat hindi ka galit?" Tanong ko dahil hindi ko ma-intidihan.
"Alam ko naman gangster ka at ang kuya mo ang nagsabi sakin dati. Kaya nagpapasalamat ako dahil hindi ka nagsinungaling at gusto mong malaman kung bakit ko alam ang ibig sabihin ng R.K?" Nakangiting Tanong niya. At tumango lang ako.

"Im a Gangster too pero dati lang yun at ang daddy mo din ay isang gangster, Kaya kami nagkakilala dahil
Leader siya ng gang nila dati at ako ay leader din dati. Pero nagpanggap akong nerd hanggang sa nalaman niyang nagpapanggap lang ako bilang nerd at nung time na nerd ako ay nagustuhan niya ako. Nung una ay hindi ko siya gusto dahil palagi niya akong binubully, iniinis, kinukulit at pinapahiya. hanggang sa tumatagal ay nagustuhan ko nadin siya. Bigla kasi siyang nagbago at hindi na niya ako binubully. Hahhaha Ang dami ko nang na kwento" Natatawang sabi ni mom. At umupo kami sa sofa. Bakit di ko alam na gangster pala sila dati? At bakit hindi nila sinabi sakin? Ang bad nila ha dahil di man nila sinabing gangster pala sila dati. At bigla kong na-alala si Panget. Nagpapanggap lang kaya siya bilang nerd? Pano kung isa din siyang gangster at katulad ni mom ay magkagusto din ako sa kanya dahil palagi ko siyang binubully at iniinis? Ay teka nga? Bat ko ba siya iniisip? At ako? Magkagusto sa kanya? No Way High Way...tch...

"Baby? Okay kalang ba? Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka nakikinig" Bumalik ako sa wisyo ng bigla akong hawakan ni mommy sa balikat.
"Okay lang ako mom. Ano nga ulit ang huling sabi mo?" Nahihiyang tanong ko sabay kamot sa ulo ko. 
"Gusto ko kasing i kwento sayo ang past ko. May bestfriend ako Dati at may gang din sila. Ang bestfriend ko nayun ay sobrang galing at napakalakas. At gangster din ang naging asawa niya at kasama ko siyang nagpanggap bilang nerd at pumasok kami sa isang school na pagmamay-ari nila. Ang daddy mo at ang naging asawa niya ay magbestfriend din. Palagi ding binubully ng tito mo ang bestfriend ko. Hanggang sa ma inlove siya. Ang unang naka-alam na hindi kami tunay na nerd at nagpapanggap lang kami ay ang tito mo na asawa ng bestfriend ko."  Mahabang kwento niya.... At nakinig lang ako sakanya. Pero sino bang tinutukoy niyang bestfriend niya?

"Ahh mom? Ano po ba ang pangalan ng tinutukoy nyong Bestfriend nyo at ang naging asawa niya?" Tanong ko.
"Si Athena Yu Scotland and Fero Savier Scotland"Sagot niya. At nagulat ako dahil nga nung nakita ko sila kagabi ay sabi ko pa nun na pamilyar sila
"Sandali nga....Kamusta na ba kayo ni aliyah? Diba dati ay sabi mo na gusto mo siya? So ano na? Nagkita na bakayo? Ang balita ko kasi ay nakabalik na siya galing korea e" sabi niya sabay inom ng juice na kakadala lang ni manang at bacon. Kina-in ko muna ang bacon at nginunguya bago salita
"Nakabalik na po siya mom?  Kilala mo po ba siya? Ang true name niya mom? Alam nyo po ba? Nakalimutan ko kasi true name niya e"Sabi ko aabay kamot sa ulo. Nakapamewang si mom at nakatingin sakin.

The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon