CHAPTER 42

2.2K 115 2
                                    

THIRD PERSON POV.

Tumakbo na ang dalawang lalaki punta kay Alexander at Lucas. Ng nasa harapan na ang isang lalaki kay Lucas, Mabilis niyang pinalabas at isinuntok ang Kamao niya pero laking gulat niya ng naiwasan ito ni lucas at mabilis na napunta sa likod niya. Kaya pinatid ni Lucas ang likod ng lalaki, ang lalaki ay muntik ng masubsob yung mukha pero naayos niya ang tayo niya. Tiningnan niya uli si Lucas at si lucas naman ay napa ngisi. Sumugod agad ang lalaki kay lucas at susuntukin na niya sana si lucas pero hinawakan ni lucas ang braso ng lalaki sabay bali nito. Binitawan naman ni Lucas ang braso niya at ngumisi ulit.

**

*PAK* Suntok ni alexander sa tiyan ng lalaking kalaban niya. At napahawak naman ang lalaki sa tiyan niya. Pinilit niyang makalapit kay Alexander, nung biglang nasa likuran ni alexander ang likudan niya at bigla siya nitong pinatid ay umiwas siya. Kaya yung isang kalaban niya ay pumwesto at su suntukin na niya sana si Alexander pero nakatingin na si Alexander kaya na iwasan niya ito. Hinawakan ni alexander ang braso niya at pina-ikot ito patalikod sa kanya. Binigyan niya ng space ang lalaki sabay patid sa likodan niya at napahiga ito sa sahig.

**

*BLAGG* Na pa subsob sa sahig ang lalaking Pinatid ni Lucas sa tiyan kaya napangisi silang dalawa. Sina jake at john naman ay napangisi din.
"Tumayo kayo diyan!" Utos ni Tigre sa kanila kaya mabilis silang tumayo at pumunta sa gilid ni tigre.
"Magaling" Nakangising sabi ni tigre kaya ngumisi lalo sila.
"Ngayon! Si Shadow NightMare naman ang lalaban" Sabi niya kaya pumunta sa gilid sina Lucas At Alexander. Pumunta naman sa harap si Jake at isa lang ang kalaban ni Jae dahil ag dalawa ay Kay John dahil siya ang leader.

"Simulan na!" Utos ni tigre kaya tumakbo na ang lalaki papunta kay Jake pero ang akala ni jake ay sa harap dadaan ang Lalaki kaya nasuntok ang napakagwapo niyang mukha.
"Dont you dare to touch my handsome face" Saad niya sa lalaki. Nilapitan niya ang lalaki at ginantihan ito. Sinuntok din ni jake ang mukha niya at gaya ng kay jake ay hindi niya ito na iwasan dahil sa bilis ng paglapit ni jake. Kaya may dugong lumabas sa labi niya.
"Mas gwapo ako kaya wag kang magyabang diyan" Sigaw ng lalaki. Lumapit ang lalaki kay Jake sabay talon. Ng babagsak siya kay jake ay akmang susuntukin niya si jake pero Tumalon din si jake at inunahan na niyang suntukin ang lalaki kaya napunta ito sa gilid dahil sa lakas ng pag suntok ni Jake.
"Magaling!" Papuri ni Tigre sa kanya. Ngumisi naman si Jake.
"Tumayo ka na diyan!" Utos ni tigre kaya tumayo siya at tumabi sa mga kasama niya.
"Ikaw na ang huli Black NightMare" Nakangising sabi ni Tigre. Pumunta si John sa harapan kung saan nasa harap niya ang dalawang lalaki. Si jake naman ay nasa tabi ni lucas, pinunasan niya ang labi niya dahil may kunting dugo ito.
"Kapag nanalo ka dito..Ibig sabihin ay kayo ang nanalo sa Unang Round! Pero..kapag natalo kayo ay kailangan niyong bumawi sa pangalawang Round" Saad ni tigre
"Sege..na iintindihan ko" Sagot ni john.
"Kung ganon! Simulan niyo na" Sigaw ni tigre kaya kumilos na ang dalawang lalaki. Sabay silang sumugod kay John at si John naman ay nakangising nakatingin sa dalawang lalaki na sa tingin niya ay mukhang mahina.

Susuntukin sana siya ng isa pero umilag siya. Nung isa naman ang susuntok sa mukha niya ay naka ilag naman siya. Sumugod ulit yung isa at susuntukin na sana niya ang napakagwapong mukha ni john pero hindi niya hahayaang mag ka pasa o madumihan ang mukha niya kaya pumunta siya sa likudan ng lalaki. Hindi napansin ng lalaki na nasa likudan pala si john dahil para itong si flash na mabilis kumilos. Ng tumingin ang lalaki sa likodan niya na kung saan ay nandon si John. Ay naglabas ng malakas na suntok sa mukha si John sa lalaki kaya napahiga ito sa sahig at parang nawalan ito ng malay. Ang isa naman ay sinugod siya sabay hawak niya sa braso ni John. Pero hindi nagustuhan ni john nahawakan niya ang braso niya kaya hinawakan din niya ang braso ng lalaki sabay ikot nito at binali ito.
"Ahhhh" sigaw ng lalaki. Patapong binitawan siya ni John. Siya ang nanalo kaya pumalakpak Si tigre dahil sa galing na ipinamalas ng apat. Nag sama silang apat sa harap at nakatingin sila kay tigre na naka ngiti. Nagpalak pakan din ang mga babae na namangha sa kanila lalo na si Devie.

The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon