CHAPTER 58

1.7K 89 15
                                    

THIRD PERSON POV.

"Tol! A-ang ganda niya" Manghang sabi ng naka jacket.

"Maganda nga siya pero kailangan natin siyang dukutin at patayin!"

"S-sege" Naglakad na ang babae at sinundan naman siya ng dalawang lalaki. Ng makarating ang babae sa may isang poste ay biglang hinawakan ng lalaking naka jacket ang kamay niya at tinakpan ang bibig gamit ang panyo. Nagwawala naman ang babae pero Hindi siya makawala dahil sa lakas ng lalaki. Ipinasok siya nito sa kotse ng babae. Nasa likuran ang babae at naka jacket samantalang ang naka white ang siyang mag mamaneho. 

"Leave me alone!" Sigaw ng babae.

"Tumahimik ka!" Habang tumatagal ay nawawalan na ng Malay ang babae kaya nakapikit na siya at di na gumagalaw.

"Patay naba tol?" 

"Nawalan lang ng Malay pero buhay pato. Mag maneho ka nalang diyan!"

"Sege!"

Nagmaneho lang siya at tinungo nila ang isang lugar kung saan walang tao. 

"Tulungan moko dito tol" Bumaba naman siya at binuksan ang pinto. Nag tingin tingin pa muna siya sa paligid dahil baka may tao sa paligid ngunit wala naman kaya binuhat na nila ito. 

"Tol! Hawakan mo tong kutsilyo!" Utos ng naka jacket sa naka white T-shirt. Tiningnan naman niya ito at dahan dahang kinuha. Nakahawak lang ang naka jacket sa babae na walang Malay.

"Sege na tol! Patayin Mona!" Lumunok naman ang lalaki at tiningnan ang babae. Tiningnan muna niya ito at naaawa siya dahil mawawala nalang siya ng bigla long. Makaka patay siya ng inosenteng tao. Pero itinatak niya sa isipan niya na

'Gagawin ko to para sa pamilya ko! Kahit na makapatay ako! Kung kinakailangan ko tong gawin! Gagawin ko para maihaon ko sa hirap ang pamilya ko!'

Yan ang sabi niya sa isip niya. Hinawakan niya ng mabuti ang kutsilyo. 

"Bilisan mo tol! Nangangalay na ako oh!" 

"Tol di ko kaya!" 

"Tol naman! Hayst! Ikaw na humawak dito!" Lumapit naman siya at hinawakan niya ng mabuti ang babae. Pumunta sa harapan ang isang lalaki at hawak niya ang matulis na kutsilyo. 

"Sayang ang kagandahan mo miss! Pero pasensiya kana dahil kailangan namin ng pera para sa pamilya namin!" Sabi niya. Sasaksakin na sana niya ang tiyan ng babae ng bigla itong napatigil dahil sa sinangga ito ng babae.

"Not so fast!" Binali ng babae ang kamay ng lalaki kaya ito napasigaw.

"Ahhhhh" nabitawan naman niya ito ang kutsilyong dala niya at nung mahulog ito ay inilayo naman ito ng babae gamit ang paa niya.

Sinuntok niya ang lalakeng naka jacket sa tiyan.

"Bwesit ka!" Sigaw ng lalaking naka white T-shirt. Susugudin niya sana ang babae at sisikmurahan ngunit umilag ito. Nung umilag siya ay sinuntok niya sa tagilaran ang lalaki. 

"Waaaahh!" Sigaw sa likudan niya kaya napatingin siya. May hawak na makapal na kahoy ang lalaking naka jacket at papunta na siya sa babae. Hahampasin na niya ito ngunit sa kasamaang palad eh nahawakan ng babae ang kahoy...

(O_O)

Nagulat ang lalaki ng mabali ang makapal na kahoy at di niya inaasahan yun dahil isang babae pa ang may gawa. 

"P-pano--"

"Basic" Nakangising sabi ng babae at bigla siyang umikot at itinaas ang isa niyang paa at nasapol yung mukha ng lalaki kaya nabalibag ito sa sahig at nawalan ng Malay. Huminga na muna siya ng malalim bago tiningnan ang lalaking nasa likudan niya.

The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon