"The Nerdy Girls Are The Legendary
Gangster.."
Written by: Blue_Moon05
This story is all about, 4 girls that pretend to be a NERD's. Maraming Nandidiri sa kanila dahil sa pananamit at itura nila. Palagi silang sinasa...
"Bakit pala pumunta kayo ditong lahat?" Tanong na naman ni John. "Ayaw mo bang nandito kami dre?" Tanong ni Lucas "Hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako kasi lahat kayo nag sabay na pumunta dito" Sagot ni John "Ang sabihin mo gusto mo lang ma solo si Aliyah. Diba guys?" Tumango naman ang lahat sa sinabi ni kiara. "Hindi ah" Pagtatanggi ni John.
"Punta lang ako Kusina dre!" Pagpapaalam ni Lucas kay John. "Anong gagawin mo dun?" Takang tanong ni john. "Basta" Sagot nito at tumango tango naman si John. Kaya pumunta na si lucas sa kusina.
Pagdating niya sa kusina ay nakita niya ang mga yaya at si manang na busy sa pagluluto ng makakain nila. Lumapit siya sa kanila at nung makita siya ay nagbow naman ang mga yaya pagkatapos ay pinagpatuloy ito.
"Oh ijo? Naparito ka? Anong sadya mo?" Tanong ni manang na may bitbit na plato. "Gusto ko lang po malaman kung ano ang lulutuin niyo" magalang na sagot nito. "Ahh..Spicy Beef Shawarma ang niluluto namin ngayon para sa inyong lahat. Tinuruan kasi ako nung nandito si Alexis na kung paano gawin ang mga ito" Nakangiting Sabi ng manang "Ahh ganun po ba. Hindi pa po ako nakatikim ng Spicy Beef Shawarma. Masarap po ba yan?" Tanong ni lucas at tumango naman ang manang. "Yes ijo. Masarap ito at may pagka-anghang kaya nga tinawag na Spicy Beef Shawarma diba? Hahah" Tawa ng manang kaya natawa din si lucas. "Tulungan ko na po kayo manang" Pag presenta ni lucas. "Naku ijo, wag na..Bumalik ka nalang don sa mga kaibigan mo at kami nalang ang bahala dito" Nakangiting sabi ng manang "Gusto ko pong tumulong manang...Sayang naman ang ka gwapohan ko kung hindi ko tutulungan ang mga tao diba! " Pagmamayabang nito at natawa naman ang manang "Sege na nga. Basta sundin mo lang ang sasabihin ko ha. Para mas madali nating matapos ito" Nakangiting tumango si lucas kaya nagsimula na siyang tumulong sa kanila.
**
Nag-uusap, nag ke-kwentuhan at nag tatawanan naman sina John sa sala. Makalipas lang ang ilang minuto ay tapos na sila lucas sa ginagawa nila. "Kami na ang maghahatid ng mga ito dun sa mesa" Nakangiting Sabi ng manang kaya ngumiti naman si Lucas. "Okay manang" "Salamat at nagpresenta ka ng tulungan kami ijo" "Your welcome manang. Mauna na po ako sa inyo" Tumango naman ang manang kaya na unang lumabas si lucas at tinungo ang sofa.
"Ang tagal mo sa kusina dre! May chicks kabang yaya dun ha?" Pang-aasar na tanong ni alexander. "Lol..wala ha" Sagot nito sabay upo sa tabi ni alexander
"Ito na ang pagkain niyo na niluto namin para sa inyo" Sabi ni Manang na may dalang pagkain at nakalagay ito sa tray. Kasama niya ang isang yaya. Nilagay nila ito sa lamesa
"Wow naman. Hindi ko pa nga natikman mukhang masarap na" Sabi ni Kim "Spicy Beef Shawarma ang tawag diyan ija. Itinuro sakin ng ate ni aliyah kung paano gawin ang Spicy Beef Shawarma. Tinulungan kami ni lucas gumawa niyan. Masarap yan tikman niyo" Nakangiting Sabi ng manang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.