CHAPTER 32

2.5K 126 1
                                    

KIARA POV.

Kunot noong nakatingin si aliyah sa babae. Ngumiwi naman ang babae.
"Hindi mo ba ako na aalala?"
"Hindi" Walang ganang sagot ni aliyah.
"Ano kaba aliyah..Sa bahay niyo nalang tayo mag usap..Mauna na ako sayo..bye aliyah...Bye Cookies "

O_O

Anak ng pusa. Nagulat kami nung tinawag niya kami Cookies at isang tao lang ang tumatawag samin non. Sumakay na ulit siya sa kotse niya at binuksan ang bintana.
"Bye!" Sabi pa niya bago umalis sakay ng kotse.
"Kingna! Nakabalik na pala si---Arrayy! Ano ba!" Sigaw ni kim kay alexa dahil binatukan siya nito.
"Ano kaba kim! Wag ka ngang maingay tsk" Singal ni alexa. At hindi naman nagsalita si kim dahil napansin niyang nandyan pa pala sina john.
"Baby? Tara na? Ang ingay kasi dito eh! At ang daming daga" Nakangising sabi ni devie sabay tingin sa pwesto namin. Tss..nagpaparinig.
"Sege dre! Una na kami" Sabi ni lucas sabay pasok sa kotse niya at ganun din sina alexander at jake.
"Sege dre! Ingat kayo" Nakangiting sabi ni john. Tumango lang sila sabay andar ng kotse at nagmaneho na.
Isinakay ni john sa passenger seat si devie at sumakay na din si john. Inabanti niya ang kotse niya at nag maneho na. Nung makalayo na sila ay ngayon lang ulit nag salita si kim.

"Hindi paba tayo uuwi? Nilalamok na ako dito eh!" Pagrereklamo ni kim sabay hawak sa braso niya.
"Tara na!" Aya ni alexa kaya sumakay na kami ng motor namin at nagmaneho na.

THIRD PERSON POV.

Nang maka uwi na si aliyah sa mansion ay dumeretso agad siya sa kwarto niya dahil nasa kusina ang parents at ang naka red dress kanina.
Nag bihis na muna siya at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto niya para makapag dinner.

Pagka punta niya sa dining area ay nag uusap at kumakain ang mommy, daddy, ate at ang babaeng naka red dress.

"Hi baby! Have a seat" Nakangiting aya ng mommy niya. Kaya umupo si aliyah sa tabi ng ate niya.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin aliyah?" Nakangiting tanong ng babae. Tiningnan naman siya ni aliyah
"Kamusta?" Walang expression ang mukha ng kinamusta niya ito. Sabay subo ng kanin.
Ngumiwi naman ang babae.
"Ows! Okay lang naman ako. Humihinga parin hahah" Natatawang sabi niya at tumawa din ang ate niya.
"Tsaka maganda parin hahahh" Sabi pa niya.
"Okay!" Walang ganang sabi ni aliyah sabay kain.
"Aliyah, anak! Wag ganyan ang pakikitungo mo sa ate alkira mo! Magbati na kayong dalawa" Sabi ng daddy niya sa kanya. Uminom na muna si aliyah ng tubig bago siya mag salita.
"May mga kailangan pa po akong dapat gawin ngayon. Tapos na akong kumain. Aakyat na po ako sa kwarto ko" Sabi niya sabay tayo tumango na muna siya bago umalis. Magsasalita pa sana si Mr. Savier (Daddy of aliyah) pero pinigilan siya ni Mrs. Athena (Mommy of aliyah)
"Pabayaan na muna natin siya! Alkira, Anak! Pag pa-umanhin mo ang bunsong kapatid mo! Mukhang mainit pa ang ulo. Pero wag kang mag-alala, magbabati din kayo" Nakangiting Sabi ni Mrs. Athena kay alkira. Ngumiti naman si alkira.
"Yes mom.. Alam kung hindi ako matitiis ni aliyah kaya maghihintay nalang ako hanggang sa mapatawad niya ako" Nakangiting sabi ni alkira. Hindi na sila nag salita dahil inubos na nila ang pagkain nila.

The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon