CHAPTER 36

2.7K 134 0
                                    

ALIYAH POV.

"Alam naman nating lahat na papalapit na ang intramurals! Pumayag ang dean na ituloy ang namoong idea ng ibang students na sa bawat section ay may boot na gagawin upang ang mga students ay lalong gaganahan sa intramurals. Mga senior lang ang gagawa ng boot at ang mga junior ay ang papasok sa kada boot na gusto nila. Ngayon! Gusto kong marinig kung anong boot ang gusto niyong boot na ating gagawin. Just raise your hand if u want to talk" Sabi ni miss veyron.
Nag-usap at nag-isip naman ang mga kaklase ko. Itinaas naman ni candy ang kamay niya sabay tayo.
"Marriage boot miss veyron" Nakangiting Sabi nito. Nag-isip naman si miss.
"Okay lang kung marriage boot pero mukhang may nakapili na ng boot na yan. Wala bang ibang boot?" Tanong ni miss. Nagtaas naman ng kamay si xavier. Tumayo ito at nagsalita.
"Horror boot miss" Sagot nito.
"Okay! Horror boot ang gagawin natin. Sarah! Ikaw ang mag lead sa gagawing boot, ikaw na ang pumili kung sino ang gusto mong gawing ghost o zombie" Sabi niya kay sarah. At tumango naman ito.
"Salt and sugar!" Tawag niya sa dalawang bakla.
"Yes miss veyron?" Sabay na tawag nila.

"Kayo na ang mag make-up sa kaklase niyo kung paano magmukhang nakakatakot"
"Sure miss veyron" Nakangiting sabi ni salt
"Kayang kaya naming gawin ang inutos mo miss veyron" Sabi din ni sugar. At nag-apir silang dalawa
"Good. Kayo na ang bahala sa lahat. Kayo na ang umisip ng paraan kung paano dumami ang papasok na students sa boot natin. Kung sino ang may maraming students na pumasok sa boot ay exempted sa exam. I di-dismissed ko ang time ko para makapag-isip kayo. Wag kayong lalabas ng room kung hindi pa tapos ang time ko. Understand?"
"Yes miss" Sigaw ng lahat.
"Maiwan ko namuna kayo. President! Manage your classmate." Sabi niya sabay labas ng room. Nag-ingay naman ang mga kaklase ko.

Pumunta si sarah sa gitna at may dala siyang papel at ballpen.
"Classmates! Any suggestions for our boot?" Tanong niya.
"Me! I have a suggestion!" Ani joyce
"What is it?"
"Gumawa tayo ng tickets. Ipagbibili natin ang tickets sa mga students para may budget tayo para sa props na gagamitin natin" Nakangiting Sabi ni joyce at tumango- tango naman si sarah.
"Dapat may free foods or juice tayo para sulit ang pagpasok nila sa boot natin" idea naman ni chan isinulat ni sarah sa notebook na bitbit niya ang mga idea ng mga kaklase ko.
"Good idea guys, ngayon! About zombies or ghost naman tayo! Just raise your hand kung ano ang gusto niyong maging" Saad niya
Madami ang nag taas ng kamay at kami naman ni na alexa ay nakikinig lang sa kanila.

"White lady ako"
"Zombie ako"
"Ghost ako"
Sigaw ng mga classmate ko.
"Guys! Isa-isa lang, mahina kalaban! Ako nalang ang pipili. Kung ano ang napili ko para sa inyo, final na yun, wala ng angalan" Sabi ni sarah. Nag si tahimik namn ang iba. Tinawag niya ang friend niya. Lumapit naman ito at binigay ni sarah ang notebook at ballpen niya sa kanya. At siya ang magsusulat ng sasabihin ni sarah.
"Simulan natin sa girls, ahmm.. Shikaina-Zombie! Apple-white lady!" Madami pa siyang binigyan ng role.

Ang iba ay umaangal pero talo sila kay sarah dahil may pagka demonyeta ito kapag walang lecturer. Alam niyo ba kung anong role ko? Ako ay isang manananggal. Kasi daw kamukha ko ang manananggal! Sabi pa ni sarah sakin...

'Buhok at itsura palang...Manananggal na'

Tinawanan naman ako ng mga classmate ko pagkasabi ni sarah sakin non. Si alexa naman ay isang white lady. Si xavier ay isang vampira. Iwan ko ba kung bakit nasali ang vampira sa boot namin.
Pagkatapos ng time ni miss veyron ay sunod na ang ibang lecturer.

FAST FORWARD

Natapos ang morning class at lunch time na ngayon. Palabas na kami ng room at naglalakad na papuntang canteen.
"Akalain mo yun? May pagka demonyeta pala tong sarah nayun?" Tanong ni alexa
"Oo nga eh. Akala ko pa naman mabait siya pero katulad lang pala siya ng magpinsan na coloring book" Natatawang sabi ni kiara
"Mabait lang siya pag may lecturer pero kapag wala na sila lumalabas sungay niya" Sabi pa ni kim
"Hey Nerds!" Napatingin kami sa likuran namin at laking gulat nilang tatlo ni kiara dahil si sarah pala ang tumawag samin, kasama niya ang dalawa niyang friends na katulad niya.

The Nerdy Girls Are The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon