ALIYAH POV.
Magkasabay na pumasok si Kiara At Charles sa pinto.
"Ehemm! I smell something fishy here" Pagpaparinig ni kim. Umupo naman ulit sina Kiara sa pwesto nila kanina.
"San kayo galing?" Tanong ni helliana kay charles.
"Sa labas lang" Sagot naman niya
"Bakit magkasabay kayo?"
"Nakita niya kasi akong papasok kaya sumabay na siya sakin" tiningnan ko naman si kiara at naka kunot ang noo niya.
"Ahh ganun ba. Okay"Dito na kumain silang lahat at marami din kaming napag kwentuhan. Mas natutuwa ako Sa dalawang ex couple na si kiara at charles kasi parang sila padin, parang walang nangyari, yung para.bang back to normal ang lahat, yung pagka-isip bata minsan ni charles pag nandiyan si Kiara. Yung pagiging sweet niya sa kanya, yung pagiging korni, alam ko namang medyo kinilig si kiara pero medyo lang naman. May part pa sa puso niya yung sakit ng nakaraan niya. Kaya ayaw ni Kiara na tawagin siya ni Kim na ara kasi naalala niya si Charles. Gusto niyong i kwento ko sa inyo yung tungkol sa kanila dati? Pero tamad akong mag kwento kaya si Kiara ang pilitin niyo. Nakakapag-usap din sila ng mommy ko at ito namang si mommy ay katulad ni kim na puro dada at isip bata. Bago sila umuwi ay ito na naman si kim na gustong mag selfie kaya ginawa nga namin. Tulad ng dati ay si Kiara ang taga hawak ng phone kapag kumukuha ng litrato kasi maganda ang pagka kuha niya. Sabi pa nga niya nung mga bata pa kami na gusto daw niyang maging photographer soon. At masasabi kung worth it siya at magiging successful siya sa pagiging photographer niya someday.
Nung umuwi na sila ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Pagka higa ko sa kama ko ay binuksan ko ang cp ko. Itinext ko si John
To: PAO-PAO
Pao-pao? Good luck sayo bukas ha! Isipin mo lang yung napag aralan natin. Alam ko namang marunong ka sa science eh, sadyang tamad ka lang talaga.
Good LuckSent..
Pagka send ko nun ay nilagay ko na sa gilid ng kama ko ang phone. Humiga ako ng maayos at kinumutan ko sarili ko.
BRIKKZZ
Kinuha ko phone ko at nagreply na siya.
From: PAO-PAO
Di ako tamad ha! Mahina lang talaga ako sa Science. Thank you pala. Gagalingan ko para sayo😊❤
Received..
May pa heart pang nalalaman. Ma replyan nga siya.
To: PAO-PAO
Galingan mo para sa sarili mo wag para sakin. Para sa future mo yan kaya good luck
Sent...
After 10 seconds
From: PAO-PAO
Opo.. Gagalingan ko po para sa sarili ko pero syempre para sayo din. Hindi naman pwedeng hindi ka kasali diba? Ikaw kaya future ko...Future Girlfriend and future wife ko Hahah
Received..
Luh! Kung makapag pakilig! Wagas?
Pero di naman ako kiniligTo: PAO-PAO
Sege na! Matutulog na ako.. Goodnight
Sent...
From: PAO-PAO
Sege..Good night din.. Sleep well iyah❤
Received...
Hindi ko na siya ni replyan pa dahil baka hahaba pa ang reply niya. Umayos ako ng higa at pagkatapos ay natulog na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/194429819-288-k371564.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girls Are The Legendary Gangster
Ação"The Nerdy Girls Are The Legendary Gangster.." Written by: Blue_Moon05 This story is all about, 4 girls that pretend to be a NERD's. Maraming Nandidiri sa kanila dahil sa pananamit at itura nila. Palagi silang sinasa...