♪ Prologue ♪

997 7 1
  • Dedicated kay Soriano Jhun Ren
                                    

"Renato, mahal! Andito sina Joyce at Raffy!"

Lumabas si Renato Sonoh sa kwarto niya at dumiretso ito sa sala kung saan naghihintay yung asawa niyang si Amita.

"Huh? Ano kaya yun?" pagtataka ni Ren nang marinig niya ang boses ng kanyang ina.

Si Ren, o Jhun Ren, ang nag-iisang bunga ng pagmamahalan nila Renato at Amita. Ganun na lang ang naging pangalan niya dahil ayon sa mag-asawa, kamukhang-kamukha niya raw ang ama niya. Renato Jr. nga sana ang magiging pangalan nito, pero tumutol si Amita. Pangit daw kasi, pang-matanda raw ang dating. Kaya sa bandang huli, they decided to name him Jhun Ren. Yung Jhun. galing sa junior, at ang Ren naman, pinaikling pangalan ni Renato.

Lumabas yung limang taong gulang na bata mula sa kwarto niya para tignan kung anong nangyayari sa sala. Nakita niya ang kanyang Mama, Papa, at dalawa pang matatanda na nag-uusap.

"Tito Raffy? Tita Joyce? Anong ginagawa nila dito?" tanong ni Ren sa sarili niya. Namukhaan niya yung dalawa pang kasama ng mga magulang niya, ang mag-asawang Ruiko.

Matagal nang kaibigan nila Renato at Amita sina Rafael, o Raffy, at ang asawa niyang si Joyce. High School pa lang ang mga ito nang maging magkaibigan sila, at hanggang ngayon, malapit pa rin sila sa isa't-isa.

Sa sobrang close nilang apat, naging best man si Raffy at kinuha namang abay si Joyce nung ikinasal sina Renato at Amita. At nung ipinanganak si Ren, kinuhang ninong at ninang sina Raffy at Joyce.

"Oh, that's great! Congratulations!" narinig niyang sabi ng Papa niya.

"Congrats, Joyce! I'm so happy for you! Naku, matutuwa kaya dito si Ren?" tanong ni Amita.

"Ay, oo naman," sagot ni Raffy. "Sigurado akong matutuwa dito yung bata, magkakaroon na siya ng bagong kalaro."

Niyakap ni Amita si Joyce sa tuwa. Pagkatapos nun ay umalis na yung bisita nila.

"Ren, anak, kain na," tawag ni Renato sa anak. Saktong handa na kasi yung hapunan nilang tatlo nang dumating ang mag-asawang Ruiko.

Sumunod naman agad yung bata. Umupo silang tatlo sa maliit nilang mesa at napangiti si Ren nung nakita niya na fried chicken yung hinanda sa hapagkainan, dala nila Raffy at Joyce. Favorite niya kasi yun.

"Ren," sabi ni Renato. "We've got some exciting news!"

"Ano po yun?" tanong ni Ren sabay subo ng kutsara niya.

Ngumiti muna si Amita sa anak bago sumagot. "Ren, Tita Joyce and Tito Renato are going get you a new baby brother or sister!"

"A baby brother or sister?" tanong ni Ren. "Bakit po?"

"Binalita kasi sa amin kanina ng Tito Raffy at Tita Joyce mo na magkakaroon na sila ng anak. Magkakaroon ka na ng kalaro," sabi ni Amita.

At sa puntong yun, napangiti si Ren. "I'm gonna be an older brother?" Halata sa boses niya na excited na tong bata.

"Opo. Magiging Kuya Ren ka na, anak," nakangiting sabi ni Renato.

"Kelan po? Kelan magkakaroon ng baby?" tanong ni Ren. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ng bata.

"Naku, medyo matagal pa Ren eh," sagot ni Renato.

Medyo nawala yung ngiti ni Ren sa sinabi ng Papa niya. Ang akala niya kasi, madali ang pagdating ng bagong kalaro niya.

"Huh? Bakit po?" tanong ni Ren.

"Kasi anak, ano...ganito, medyo matagal-tagal yung paggawa ng bird sa kanya," sabi ni Amita. "Tapos matagal pa bago mai-deliver yung baby kela Tito at Tita mo."

"So birds make babies?" tanong ni Ren. "Then they deliver them to us?"

Tumango na lang sila bilang sagot. Ayaw kasi nilang ipaalam sa bata kung saan talaga nanggagaling ang mga sanggol. Limang taong gulang palang kasi si Ren at ayaw nilang dumihan ang inosenteng isip nito.

"So ano po siya, Papa? Will it be a boy baby brother or a girl baby sister?" tanong ulit ng bata.

"Di pa namin sure, anak," sabi ni Renato. "Di pa sinasabi eh." Isang buwan palang kasi yung bata sa loob ng tiyan ni Joyce nung binalita ito sa kanila.

"Pero ano man ang magiging gender niya, you're still gonna love the baby, right?" tanong ni Amita.

"Yes!" sagot ni Ren. "I promise I'll love the baby!"

Nakangiting pinagmasdan nila Renato at Amita ang kakaibang ngiti ng anak nila, na yung ngiti niya ay mahahalata mo talaga ang saya at excitement na nararamdaman ng bata ngayon. They knew exactly what was going on in his little mind.

He was thinking about what it would be like to be a 'Kuya Jhun Ren'.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon