Chapter 22: Sissy's Doll

134 3 1
                                    

Chapter 22: Sissy's Doll



-3rd Person POV-



"Tita Joyce, nakita mo ba si Joy?" tanong ni Ren sa Mommy ni Joy. "I can't find her."


"She was upstairs the last time I saw her," sagot ni Joyce.


"Sige."



Umakyat si Ren sa hagdanan nila para hanapin si Joy. Tumingin siya sa kwarto niya, sa kwarto ng magulang niya, pati na rin sa banyo, pero wala siya doon. Just then, he heard someone banging on a door, and soft whimpers. Galing yun sa kwarto ni Joy.



"Joy?" tanong ni Ren. "Nanjan ka ba?"


"Kuya Ren!" sagot ni Joy na galing ata sa loob ng aparador.



Napataas ang kilay ni Ren. Ano ang ginagawa ni Joy sa loob ng aparador niya?



Binuksan ni Ren yung pintuan ng aparador ni Joy, and nagulat ito nang biglang lumabas doon si Joy. As soon she saw Ren, umiiyak na yumakap agad ito sa kanya.



"Joy," Dahan-dahan niyang hinaplos ang ulo ng bata. "Ano ba kasi ang ginagawa mo? Bakit ka napunta sa loob ng aparador mo?"


"H-hinahanap ko yung *hik* d-doll ko!" umiiyak sagot ng bata habang mahigpit pa rin ang pagkayakap niya sa Kuya niya.


"Well, paano ka nga napunta sa loob ng aparador mo?"


"A-akala ko *hik* nanjan siya!"


Hinagod ni Ren yung likod ni Joy. "Shhhh. It's alright, Sissy. Okay na, okay na." He gently kissed the top of her head.


"A-Ang dilim, Kuya Ren!"


"You're fine now, Joy," sabi ni Ren. "Look, you're out na oh."



Kahit anong pagtahan ni Ren sa kanya, patuloy pa rin si Joy sa pag-iyak habang mahigpit pa rin ang pagkayakap niya sa batang lalaki, as if she was holding on to him for dear life.



"It's okay, Joy. You're fine," sabi ulit ni Ren. "I'm here."


"I-I don't like closets, Bubba," bulong ni Joy.


Tumawa ng mahina si Ren. "Ako rin lang naman, Sissy," sagot niya.


"I'm gonna never be in a closet again."


He chuckled. "Good idea."



—————



Habang nakaupo sa kama, tumutugtog si Ren ngayon sa gitara niya habang tinitignan niya yung chords sa isang libro. Nasa parteng chorus na siya ng kantang tinutugtog niya nang mapansin niya na hindi nakatali ang shoelace ng sapatos niya. Binaba niya yung gitara niya at yumuko para itali ito. Nang matapos na siya, kinuha niya ulit yung gitara niya. But he suddenly stopped when he heard something.



"Help! Help!" narinig niyang sigaw ni Joy. "Someone please help me! I need help!"



Nataranta naman si Ren sa narinig niyang sigaw ni Joy. Dali-dali niyang binaba yung gitara niya tapos tumakbo palabas ng bahay nila Joy. But he was surprised when all he saw was Joy leaning over a big bucket of water.



"Joy, bakit? Anong nangyari?" tanong agad ni Ren kay Joy. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Are you okay?"



Joy just shook her head no then looked up at him, tears running down her cheeks. She pointed inside the bucket in front of her and she tried to tell him what had happened, but no words could come out.



"Ano yun?" tanong ni Ren tapos tumingin sa tinuturo ni Joy, sa loob ng balde. All he saw was her doll sitting in the water. Napataas ang isang kilay niya sa pagtataka."Joy, what's wrong?"


"You need to save her, Kuya Ren! Save her, please! She's going to die in that water!" sagot ni Joy. Kinuha naman ni Ren yung doll sa tubig tapos pinunasan niya ito gamit ang face towel niya bago niya ito binigay sa batang babae.


"There, it's all better now. See?"



Agad namang niyakap ni Joy yung manika niya nang binigay ito sa kanya ni Joy, but it wasn't long before Joy started screaming.



"HINDI SIYA HUMIHINGA!" sigaw niya. "KUYA REN! SHE'S NOT BREATHING!"



Napatawa si Ren habang muling kinukuha yung manika ng bata sa kamay ni Joy. This girl had a great imagination.



"You think her deadness is funny?" galit na tanong ni Joy nang makita niyang tumatawa si Ren. "SAVE HER, BUBBA!"


"Anong gusto mong gawin ko sa kanya?" natatawang tanong ni Ren. "I don't know how to save her!"


"Do the letter stuff!" sagot ni Joy. CPR ang tinutukoy nito.


"Joy, watch and learn ha?" sabi ni Ren sabay kuha sa manika. He laid the doll down. "First, you hold her nose." Ren put his fingers over the doll's nose. "Tapos itaas mo ng konti yung ulo niya, tapos you—-"


"What are you doing?" putol ni Joy. Nakita niya kasi na masyadong magkalapit ang mukha ni Ren at ang mukha ng manika niya. "Don't kiss her!"


Umiling na lang si Ren tapos tumawa ng mahina. "I wasn't gonna kiss her, Joy," sabi niya. Dinampot naman ni Joy yung manika niya at nilapit niya ito sa dibdib niya.


"Well, I think she's better now. Thanks, Bubba!" Ngumiti ito.


"Yeah, sure. No problem," nakangiting sagot ni Ren bago umiling at tumawa ulit. Nag-apir silang dalawa bago pumasok sa loob ng bahay si Ren at tinuloy ang paggigitara niya.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon