Chapter 30: Bubba - Sissy Playdate

44 1 0
                                    

Chapter 30: Bubba - Sissy Playdate

"Mommy, please? I really want to go!" malungkot na salubong ni Joy kay Joyce na kakauwi lang galing sa trabaho. Si Raffy naman, mamaya pa siya makakauwi.

"Joy, I'm really sorry," sabi naman ng Mommy niya na kauupo lang sa sofa, malungkot din ang boses niya. "Pero sinabi ko na sa'yo kanina na hindi tayo makakapunta bukas ng Star City. Maraming gagawin ang Mommy at Daddy bukas eh, pati sina Tito Renato at Tita Amita. Pasensya ka na, ha?"

"But you said we will go!" sabi naman ni Joy.

Nangako kasi ang mga magulang niya na sabay-sabay silang pupunta ng Star City kasama ang pamilya ni Ren bukas. Pinag-usapan ito nila Raffy, Renato, at Amita nung isang araw, at pumayag naman sila dito. Kung gaano ka-excited si Joy nung nalaman niya ito ay ganun din ang disappointments niya nung nalaman niya na hindi sila matutuloy dahil biglaan ang pagiging busy nila sa trabaho.

Napabuntung-hininga si Joyce. "I'm sorry, baby. Next time na lang, ha?" Marahan nitong hinaplos ang ulo ng bata at ngumiti ng mahina sa kanya. She felt bad na hindi niya natupad yung pangako niya sa anak niya.

Joy frowned and pouted her lips. Tumingin naman si Joyce kay Ren na nakaupo sa mas maliit na sofa sa tabi ng mag-ina. Bukas pa kasi makakauwi ang mga magulang niya, may inattendan silang seminar sa Davao.

"Ren, matulog na kayong dalawa," sabi niya. "Anong oras na, 10:00 na."

Tumango si Ren at lumapit siya kay Joy. "Joy, lika na." Hindi gumalaw yung batang babae. "Come on!"

He playfully grabbed her ankles and pulled her off the couch. Joy screamed but giggled at the same time.

"Halika na," sabi ni Ren habang hinihila si Joy.

"NOOOO! Hahaha!" sigaw ni Joy. Ren laughed and continued to pull her until they reached the stairs, where he picked her up and carried her upstairs.

"Baby sister, magpalit ka tayo ha?" bilin ni Ren pagdating ng dalawang bata sa kwarto niya.

Sabay silang nagbihis ng pantulog. They wore matching pajamas, parehong white clouds yung pattern ng damit nila. Kulay lang ang magkaiba, blue yung kay Ren habang pink naman yung kay Joy. Together, they brushed their teeth, at pagkatapos nun ay humiga na silang dalawa sa kama ni Ren.

"I'm sad, Kuya Ren," Joy whispered as she snuggled closer to Ren.

"Bakit?" tanong naman ni Ren.

"Hindi tayo makakapunta sa Star City eh," sagot ni Joy.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon