Chapter 24: Fishy Funeral

124 2 2
                                    

Chapter 24: Fishy Funeral



"TITO! TITA! I'M HERE!"



Yan agad ang sabi ni Ren pagpasok sa bahay ng mga Ruiko. Gusto niya na naman kasing makikain sa kanila ngayon kasama si Joy. Napangiti siya nung naamoy niya ang chicken nuggets galing sa kusina. Agad naman niyang pinuntahan yung Tita Joyce niya kung saan siya nagluluto.



"Hi, Ren," nakangiting sabi niya pagkatapos magmano si Ren sa kanya. "Great timing. Tawagin mo si Joy sa taas, saktong kakain na tayo."



Agad namang umakyat si Ren pataas papunta sa kwarto ni Joy.



"Joy?" sabi niya as habang marahang kumakatok sa pintuan ng kwarto. Ilang sandali pa'y bumukas din ito, at bumungad sa kanya ang isang nangingiyak-ngiyak na Joy. Agad niyang niyakap si Ren. Nagtaka naman si Ren kung bakit ganun na lang ang salubong nito sa kanya.


"Bakit?" tanong ni Ren sa kanya.


"P-patay na siya!" sagot ni Joy habang patuloy na umiiyak. "P-patay na yung isda ko!"


"Ai ganun?" sabi ni Ren habang masuyong hinahaplos yung buhok ng bata. "It's okay. I can get you a new fishy."


"P-pero mahal ko si Billy Bob!" sagot ni Joy. "M-mahal ko yung isda ko!"


"Nasa langit na siya, Sissy," sagot ni Ren. "Aalagaan siya doon. Don't worry."



Isang minuto pa siya umiyak bago siya kumalas sa yakap ni Ren at hinila niya ang kamay ng batang lalaki papunta sa loob ng kwarto niya kung nasaan yung fishbowl ni Joy. Makikita mong nakalutang sa tubig ang isang isda. Patay na nga ito.



"Wala sa langit si Billy Bob! He's right here!" sabi ni Joy habang tinuturo yung isda.


"Eh di mapupunta na siya sa langit kapag finlush na natin siya sa inidoro," sabi ni Ren.


Pero imbes na tumahan yung bata, lalong umiyak si Joy sa sinabi ni Ren. "A-AYOKO!" sigaw ni Joy. "*hik* I-I d-don't wanna flush Billy Bob!"



Masuyo siyang niyakap ni Ren. Kahit papaano naman kasi ay nakita niya kung gaano niya ito inalagaan at minahal. Halos araw-araw ay pinapakain niya ito, at kadalasan ay nakikita niya si Joy na nakatitig lang sa isda habang lumalangoy, halatang tuwang-tuwa sa bawat galaw nito.



"Gusto mong ilibing natin si Billy Bob?" tanong niya.



Joy just simply nodded against his chest, and it wasn't long before she calmed down. Ren gently stroked her hair and kissed her forehead before carrying her downstairs for dinner.



—————



"We are gathered here today to celebrate the life of Joy's beloved fish Billy Bob," sabi ni Ren habang nakatayo silang dalawa ni Joy sa bakuran ng mga Ruiko. Gaya ng sinabi ni Ren, ngayon ang "libing" ng isda ni Joy. "He was an awesome fishy, and he will be missed very much. Sissy, would you like to say anything about Billy Bob?"


Tumayo si Joy sa harapan ni Ren. "Billy Bob was the bestest fish I ever had," sabi niya. "He played hide and seek with me, he made bubbles come out of his mouth, and he was awesome. Thank you."



Pinilit ni Ren na hindi tumawa habang bumalik si Joy sa tabi niya. Pero napatigil siya sa next na sinabi ni Joy.



"Your turn," sabi niya.


Nagulat si Ren. "Magsasabi pa ba ako ng speech?" tanong niya.



Tumango naman si Joy bilang sagot. Si Ren naman, napabuntung-hininga na lang siya bago pumunta sa harapan gaya ng ginawa ng batang babae kanina.



"Uhm," sabi niya. "Kahit hindi ko masyadong nakikita yung isda ni Joy, I will still miss him. Uh, sana nakilala ko pa si Billy Bob, but he's dead now, so I guess I can't. Thank you."



Pumalakpak muna si Joy sa sinabi ng batang lalaki bago niya nilagay sa butas na hinukay niya ang isang maliit na cardboard box kung saan doon nilagay yung isda niya.



"Goodbye Billy Bob," sabi ni Joy habang nakaluhod pa rin sa tabi ng maliit na hukay. "I will miss you forever!"



Ngumiti na lang si Ren sa kanya at lumuhod rin ito sa tabi niya. After pushing the dirt back into the hole, tumingin si Joy sa kanya.



"Are you still gonna get me a new fish?"

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon