Chapter 6: Diaper Change

159 3 1
                                    

Chapter 6: Diaper Change



Ah, it's Saturday. My favoritest day ever! Para sakin, ang Saturday ang pinakafavorite kong araw kasi makakapaglaro ako buong araw! Tapos hindi ko pa kailangang matulog ng maaga kasi walang pasok tuwing Sabado. Enjoy ang Sabado, di ba?



I have a lot of games to play today! I'll play spies! And then after that I can play superheroes! And then I can watch a movie and eat popcorn and ice cream! Then I can play with my cars and trucks! And then I can play video games! Or I could—-



Waaaaaaaaaaah! Waaaaaaaaaaaah!



Napatigil ako nang marinig kong umiyak ang baby sister ko. Oh no, Joy's crying again. I should help her! I'll help my Sissy! She'll stop crying! I just know it!



Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ako ng hagdanan papunta sa crib ni Joy sa sala. Yeah, halos everyday nasa bahay si Joy. Gustong-gusto daw kasing alagaan nila Mommy at Daddy si Joy eh. Even me. I love taking care of my baby sister!



"Joy?" tanong ko. Sumilip ako sa loob ng crib niya para tignan siya. "Bakit yun?"



Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko yung hangin. Ha? What's that smell? Ewwwww! Ang baho! Ano yun?!



"Joy, what is that smell?" tanong ko sabay takip sa ilong ko.



I pushed the bars of the crib down and took Sissy out. I put her down on the ground. What's that smell? Ang baho talaga. Yuck.



Nilapit ko yung ilong ko kay baby sister at inamoy ko si Joy, baka siya naman yung mabaho.



Agad kong nilayo ang mukha ko sa kanya nang malaman ko na kung saan galing yung mabahong amoy. Ewwww! Ang baho! Yuck! Ang baho ng baby sister ko!



"Ewwwww!" Tinakpan ko kagad yung ilong ko. Ang baho niya talaga, tumae ata tong si baby sister ah.



I know! I'll change her diaper! Nakikita ko si Tita Joyce or si Mommy na they change her diaper all the time! I can do it! I'm her Bubba eh!



Inalis ko yung pantalon ni Joy para tanggalin yung diaper niya. Ugh. Ang baho talaga. Mahihimatay na ata ako sa sobrang baho nito.



Lumabas ako mula sa crib ni Joy at kumuha ako ng diaper, baby wipes at polbo sa bag ni Tita Joyce na nakapatong lang sa lamesa. Sinubukan kong alisin yung diaper ni Joy para palitan ito pero ano ba yan, galaw ng galaw naman si Joy. Paano ko siya mapapalitan kung malikot naman siya?



"Joy, hold still!" sabi ko habang tinatanggal yung tape ng diaper niya. Ang hirap! Ang kulit niya eh!



Pero kahit makulit si Joy, naalis ko na rin yung diaper niya. Agad ko itong tinapon sa basurahan. Pagkatapos nun, kinuha ko yung baby wipes tapos pinunasan ko ito sa kanya. Kinuha ko baby powder at inalis ko yung lid niya. I poured half the bottle out on Joy. Then finally, nilagay ko na yung diaper sa kanya.



"You look perfect, Sissy!" Ngumiti ako sa kanya. See? Sabi sa inyo eh, alam kong palitan yung diaper ni Joy. I'm a great Bubba!



Just then, dumating si Mommy mula sa kusina namin.



"Ren, anong ginagawa mo?" tanong niya sakin.


"Uh, naglalaro kami ni Joy," sagot ko. Ayokong sabihin sa kanya na pinalitan ko yung diaper ni Joy. Baka kasi pagalitan niya ako dahil pinakialaman ko yung gamit niya eh.


"Why is there baby powder all over the floor?" tanong pa ni Mommy. Halla, napansin niya ata yung polbo na binuhos ko kay Joy kanina.


Dali-dali akong umupo sa sahig na may polbo para hindi niya makita. "Uh . . . "


"At bat may mga tae sa sahig?"



Tumingin ako sa sahig namin, meron ngang mga maliliit na tae na nakakalat. Naku, papagalitan nga ata talaga ko ni Mommy dito. Pero I was helping them, right? Di ba pinalitan ko lang yung diaper ng baby sister ko? Tama naman yung ginawa ko, di ba? Di ba?



"I, I don't know," sagot ko na lang kay Mommy.


"Did you just try to change Joy's diaper, Ren?"


Patay, alam na niya ang ginawa ko sa baby sister ko. "Uh, well, ang baho niya kasi eh." I smiled sheepishly at her. Totoo naman kasi, di ba?


Binuhat ni Mommy si Joy mula sakin. "Kain na tayo."



Tumayo ako at pinagpag ko yung damit ko. Gee, all these work sure made me hungry. Nakakapagod kayang magpalit ng diaper.



"Ren?" tawag niya sakin.


"Yes, Mommy?" sagot ko naman.


"Magpalit ka muna ng damit tapos maghugas ka ng kamay bago ka kumain, ha?"



Tumango na lang ako bilang sagot bago tuluyang umalis si Mommy kasama si Joy at tumakbo agad ako paakyat ng kwarto ko para magpalit ng damit. Maputi na kasi yung bandang likod ng suot kong shorts dahil sa polbo ni Joy eh.



At oo nga pala, kelangan ko na nga talagang maghugas ng kamay. Ang baho kasi eh. Eww.

Double the FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon